Kabanata 19

40K 774 76
                                    

Hating-gabi na at handa na ako. Matapos kong maihanda ang lahat  ay pumunta ako sa opisina ni Madam. Alam kong wala na siya doon kung kaya't dire-diretso ang lakad ko dala-dala ang mga gamit ko.

Nilapag ko sa study table ni Madam ang sulat na naglalaman ng pagpapaalam at pagpapasalamat ko sa mabuting ipinakita ng pamilyang ito.
Alam kong kalahating taon na lang at magtatapos na sana ako pero saka ko na iyon iisipin. Nakapag-ipon naman na ako ng pera sa loob ng maraming taon ng paninilbihan ko. Magtatapos pa din ako ng pag-aaral. Pero malayo kay Taiden.

Tahimik na ang buong bahay. Malalim na ang gabi, ngunit heto ako, aalis.
Pumunta din ako sa kusina upang ilagay sa mesa ang sulat ko para kay Nanay Helen. Alam kong hindi sila papayag sa gagawin ko, dahil hindi din naman nila maintindihan ang sasabihin ko. At ayokong makita ang galit ni Madam dahil sa ginusto ko anak niya.

Dati, bago pa man ako nakapasok sa bahay na 'to. Kung sakali mang umalis ako, sigurado akong ang rason ay dahil sa masama ang ugali ng amo ko o di kaya hindi sila kontento sa serbisyo ko. Nagkamali ako, masyado akong nasaktan at nainsulto sa pangmamaliit niya sa akin.

Nangigilid ulit sa mga mata ko ang luha. Naalala ko na naman ang unang pagkikita namin ni Taiden. Ang unang beses na hinatid niya 'ko. Ang unang beses na hinalikan niya 'ko. Ang unang beses na nangako siya sa mga bituin na hindi ako sasaktan. Ang unang sulat na natanggap ko sa kanya. Ang unang beses sa buong buhay ko na sumaya ako, na may nagparamdam sa akin na importante ako, at... mahal ako.

Lahat ng 'unang' 'yon ay hindi ko aakalaing iyon na din pala ang huli.

Traydor talaga ang mga luha ko, ayaw tumigil kahit anong pagpapakalma ko sa aking sarili, pero wala e, nasaktan ako. Paano kasi, unang beses nagmahal, kaya ayon ang bobo-bobo. Naniwala agad sa mga supre-supresa. Naniwala agad sa mga pangako.

Wala sa sarili akong naglakad ng may humawak sa braso ko kaya napalingon ako.

"Saan ka pupunta Zella? Bakit dala mo ang mga gamit mo?" si Anjo.

Hindi ko namalayan na nalampasan ko na pala ang mansyon nila Sofiya. Ni hindi ko namalayang nakalapit na pala si Anjo sa akin.

"Aalis na ako, Anjo." ang tangi 'kong nasabi. Halata sa mukha ni Anjo ang pag-aalala sa akin. Pero wala na akong balak na e-detalye pa sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Hintayin mo 'ko, Zella. Babalik ako agad." sabay karipas ng takbo ni Anjo sa loob ng mansyon kahit hindi pa man ako nakakasagot. Ano kaya ang gagawin niya't nagpapahintay siya sa akin?

Hindi naman nagtagal at nagulat ako pagbalik ni Anjo. May dala-dala na siyang bag. Sasama siya sa akin?

"A-Anong ginagawa mo, Anjo?" nagtataka 'kong tanong nang makalapit na siya sa akin.

"Zella, gusto kita pero kaibigan mo din ako. Matagal ko ng gusto umalis sa bahay na yan dahil nasasaktan na ako sa pang-iinsulto nila sa etsura ko. Kaya sasama ako sayo, Zella." lungkot niyang sinabi.

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Anjo. Nainsulto din ako. Hindi man kami pareho ng rason, pero parehong masakit iyon. Kaya, hindi ko na siya pinigilan.

Insults are the last resort of insecure people with a crumbling position, trying to appear confident.

Natatanaw ko na ang syudad ng Cebu, ang probinsya ni Anjo. Wala naman akong kamag-anak sa Maynila. Mas mabuti itong sa probinsya kami nila Anjo nagpunta. Mas malayo ito kay Taiden kaysa sa maynila ako manatili.

Nang makadaong na ang barko ay bumaba agad kami. Nagtawag ng taxi si Anjo at sumakay kami agad. Hindi rin ako nagtanong kung saan ba sa Cebu nakatira ang pamilya ni Anjo.

Kahit paminsan-minsang tumutulo ang luha ko sa byahe ay hindi nagtangkang magtanong si Anjo kung ano ang dahilan at pinagpapasalamat ko iyon.
Parang ayokong isatinig at isalaysay kung gaano ako nanliit sa mga sinabi ni Taiden.

Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa byahe. Nagising na lang ako nang niyogyog ako ni Anjo. Naalimpungatan ako at agad nagpalinga-linga.

"Baba na tayo Zella. Andito na tayo." aniya at tumango ako.

Nakita ko ang dikit-dikit na kabahayan at nalamang subdivision ito. Hindi ko akalaing sa ganitong lugar ang bahay nila Anjo. Nakita ko ang bahay na nilapitan ni Anjo. Maraming halaman ito, at dalawang palapag ang bahay. May ginang na naglalaba sa labas at agad niyakap si Anjo ng makita niya ito. Hula ko ay Nanay niya ito.

"Ito nga pala si Zella, ma." pagpapakilala ni Anjo sa akin sa ginang. Ngumisi ng malaki ang ginang at nagbeso sa akin.

"Naku, ito naba ang magiging asawa mo Anjo? Ay, ka gwapa na bata." saad ng ginang na hindi ko maintindihan ang huling sinabi niya.

Umiling si Anjo at umakbay sa mama niya. "Ma, kaibigan ko lang si Zella. Pwedi po  bang dumito muna siya?" tanong ni Anjo sa ginang.

"Oo naman! Wala kayang ibang babae sa bahay na 'to bukod sa akin." anang ginang

Mainit ang pagtanggap ng pamilya ni Anjo sa akin at nakilala ko ang mga kapatid niya na puro mga lalaki. Habang abala ako sa pag-aayos ng aking gamit ay naisip kong bumili ng cellphone.

Tanging sim na lang ang mapapakinabangan sa cellphone kong nagkapira-piraso. Balak kong magpasama kay Anjo bukas para makabili ng bagong cellphone.

Sa mga oras na 'to. Sigurado akong nabasa na ni Madam at Nanay Helen ang sulat ko. Sana, mapatawad nila ako dahil sa ginawa kong pag-alis.

Sigurado din akong masisiyahan si Sofiya sa ginawa ko. Wala na siyang ka-kompetensya kay Taiden. May kompetensya nga ba? O baka ako lang ang nag-iisip ng gano'n. At siguradong mag-aalala sa akin si Suzie.

"Nag-aaral ka pa pala iha? Paano na 'yon?" tanong ng papa ni Anjo habang kumakain kami ng tanghalian.

"Susubukan ko pong makiusap sa mga teachers na kahit 6 na buwan na lang ay tanggapin pa rin ako, kahit na imposible na." lungkot kong sinabi.

Kailangan ko talagang tawagan si Suzie para magpatulong sa pagkuha ng mga papeles ko sa dati  kong paaralan. Mataas naman ang marka ko, kaya sana sapat iyon para pagbigyan ako ng pabor ng nga guro.

Sinabi sa akin ni Anjo na maramimg skwelahan para sa mga flight attendant dito sa Lapu-Lapu. Kailangan kong magtapos, nang sa gano'n ay matupad ko ang pangarap namin ni Nanay.

Abala ako sa pag-aayos ng ibang gamit nang may kumatok. Si Anjo iyon.

"Nag text sa akin ang kasamahan kong katulong sa bahay nila Sofiya. Hinahanap nila ako. Di'ba hindi rin ako nagpaalam?" pakamot-kamot sa ulo niyang sinabi at nangingiti. "Pero hindi iyon ang problema. Ang sa mansyon n'yo ang nagkagulo. Nagwala daw 'yong Taiden sa mansyon at nag bugbogan sila no'ng kaibigan niya. Kaso hindi sinabi sa akin ni Lea kung sino e, boyfriend kasi no'ng Lea si Mang Jojo ang driver n'yo kaya nakasagap ng chismis." ani Anjo

Agad sumikdo ang puso ko sa nalaman. Si Taiden nagwala? Para saan pa? At ang sinasabing kaibigan na kabugbogan ni Taiden, sigurado akong si Keion iyon.

Bigla akong nakaramdam ng awa at hiya para kay Keion. Wala naman siyang ginagawang masama pero siya pa ang napasama. At ang Taiden na 'yon, may pagwawala pang nalalaman. Akala mo naman hindi ikinatuwa ang paglayas ko sa bahay nila. Ayaw pa niya no'n? Wala na sa paningin niya ang babaeng pinagsabihan niyang makati at cheater.

Magsama sila no'ng Sofiya'ng mahilig mangmaliit ng kapwa. Kahit magsama pa silang dalawa sa impyerno ay wala akong pakialam.

Nanny and the Beast  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon