SINABI ko kay Keion na susunduin ako ni Taiden at sa susunod na lang kami magkita. Ano naman kaya ang dapat naming pag-usapan?
Natatanaw na namin ni Suzie ang gate ng makita kong nasa kabilang kalsada naka park ang sasakyan niya.
"Oh my! Nasaan si Sofiya? Sinusundo na siya ni Taiden!" sabi ni Margaux. Asa pa kayo. Ako ang sinusundo mga ilusyonada.
Ngumuso naman si Suzie ng marinig 'yon. Pero gayong nakita nila si Taiden. Sigurado makakarating ito kay Sofiya. Napapikit ako sa naisip na isang panibagong pangungutya na naman ang maririnig ko bukas.
Kahit sa malayo tingnan, makikita mo sa katawan nito na batak ito sa gym. Ilang taon lang ang agwat niya sa akin, pero dahil sa pangangatawan niya nagmumukha siyang modelong malayo ang tanda sa akin.
I heard some students giggle. Sino ba naman kasing hindi? Bukod sa nakaw pansin ang sasakyan niyang Jeep Wrangler. At hindi pa nakatulong ang sarili niyang awra at etsura. Umikot ang mga mata ko.
Nang makalapit kami ni Suzie ay hinalikan niya ang pisngi ko. Agad namang parang may nabutas sa tiyan ko o ano. Tumitig siya sa akin saglit bago tinapunan ng tingin si Suzie.
"Uh... pwedi makisabay? Wala kasing magsusundo sa akin." si Suzie
"Sure." sagot niya "Let's go?" tanong niya sa akin at tumango ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko na siya.
Nang makasakay na kami sa sasakyan ay natanaw ko sa bintana ang grupo ni Sofiya ngunit wala siya doon. Siguradong isinumbong na nila kay Sofiya ang nasaksihan nila ngayon. Ayoko sanang makita nila 'yong paghalik sa akin ni Taiden pero ayoko din namang pigilan si Taiden. Sasabihin na naman niyang ikinakahiya ko siya.
"Tai...Uh.. si Elton nasaan?" tanong ni Suzie. Si Elton kaya ang tinutukoy niya kanina? Tumingin si Taiden sa rear mirror.
"Umuwi siya sa probinsya nila. May aasikasuhin, at matatagalan ang balik niya." sabi ni Taiden at nakita kong nalungkot ang mukha ni Suzie. Ano ba talagang kaganapan sa dalawang 'to?
Nang maibaba na namin si Suzie ay agad akong dinala sa isang lugar na wala masyadong bahay sa paligid at nagtaka ako doon.
"Saan tayo?" tanong ko. Ngumisi siya sa akin at kinuha ang kamay ko at pinaglaruan niya na naman ang mga daliri ko. Siguro para sa kanya, normal na mannerism lang ang ginagawa niya. Pero ang epekto nito sa akin ay sobrang napaka abnormal.
"We're here." aniya at bumaba kami sa isang bakanteng lote na natatanaw ang buong siyudad. Namangha ako sa ganda nito, sumama pa ang mga bituin sa langit.
Umikot siya sa likod at may kinuha doong basket at...kumot?
"Para saan yan?" tanong ko, pero sa halip na sagutin ako ay hinigit niya ko papunta sa bakanteng lote.
Inayos niya ang kumot at nilapag doon ang basket. Inilabas niya ang mga pagkain doon. Habang inaayos niya ang lahat ay nakatayo lang ako at nakatitig sa kanya.
Hulog na hulog na yata ako sa lalaking 'to. Pinapalitan niya ng mga bagong memorya ang mga inis ko sa kanya noon.
"Sit here, Ze." aniya at hinatak ako paupo kaharap niya. Sabay kamot niya sa ulo. "Nana cooked them, not me. Sinubukan ko naman. Pero nasunog ang karne e." pagtatapat niya at natawa ako.
Sinubukan niyang magluto para sa...akin? Ang isiping ipagluluto niya 'ko imbis na ako ang magluto para sa kanya dahil anak siya ng amo ko ay nagpapabilis sa tibok ng puso ko.
"Okay lang. Salamat." sabi ko. Lumapit siya ng bahagya sa akin at hinalikan ang tungki ng ilong ko.
"Anything for you, Ze" aniya sa gitna ng paghalik niya sa akin at madiin akong tinitigan. Ang mga titig niya, hindi ko kayang tagalan. Para akong...malulunod.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romansa(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...