Note: This is the first installment of the Dangerous Roads Series.
———-
"Madam, ito na po si Zella, ang sinasabi ko sa inyo na papalit kay Venus," ani Nanay Helen sa amo niya.
Andito kami ngayon sa mansyon ng pamilyang Hernandez. Nagmamay-ari ng isang kompanya kung saan gumagawa sila ng mga sasakyang pang karera, pati na rin mga luxury cars. Sikat na sikat ang Hernandez Cars sa buong bansa. Sila ang nangunguna sa larangan ng mga sasakyan. Kaya hindi maipagtataka kung bakit bilyonaryo ang pamilya nila.
"Welcome hija, come here. Sit down," anang babae na nasa mid-50s yata ang edad. Sopistikada at kahit may edad na, maganda pa rin ang hubog ng katawan nito. Suot ay magarbong damit na nagsusumigaw ng karangyaan. Ngunit mayroong napaka among mukha.
Naupo ako sa sofa at kaharap ko siya, habang katabi ko si nanay Helen.
"Magandang umaga po," bati ko kay madam.
"Zella iha, kamusta? Nag-aaral ka pa ba? Bakit ka mamamasukan bilang katulong? Wala sa itsura mo ang maging kasam-bahay iha," may lungkot sa mga mata na sabi ni madam Sonia.
Nagulat ako sa tanong nya. Ganito naman palagi pag nag-apply ako ng trabaho. Half Australian kasi ako, ang papa ko ang Australian. Pero bago pa ako maipanganak ay naghiwalay na sila ni mama. Nakuha ko sa kanya ang gray eyes ko. Maputing balat at may freckles ako sa aking mga balikat pero hindi naman ganun kadami. Matangos din ang aking ilong, tama lang ang kilay at may mala hugis puso na mga labi na mamula-mula. Kahit anong bilad ko naman sa araw hindi ako nangingitim.
"Ahh... eh... sabi po kasi ni nanay Helen kailangan n'yo raw po dito ng kasam-bahay. Nag-iipon po kasi ako para sa pang kolehiyo ko. Mahirap po kasing matanggap sa trabaho kong high school pa lang ang natatapos."
Tumango si madam.
"Huwag po kayong mag-alala madam. Nasubaybayan ko ang paglaki ng batang ito bago namatay ang kanyang ina. Kaya masisiguro ko sa inyong mabait ito at mapagkakatiwalaan," ani nanay Helen
"Naku naman nay Helen, hindi ka magiging mayordoma dito kung wala akong tiwala sayo. Kaya, kung sino man ang dalhin mo ay may tiwala na rin ako," ngisi ni madam at tumingin sa akin.
"So iha, gusto mong makapag-aral ng kolehiyo hindi ba?" tabing ni madam.
Tumango ako.
"Sige, ako na ang bahala sa pang kolehiyo mo. Ipakita mo lang sa akin na masipag ka sa trabaho, kahit anong kurso pa yan iha, ako na ang bahala," sabi ni madam na may malaking ngiti sa labi. Talaga ngang mabait ang pamilyang Hernandez!
"Nay, iisa lang ba talaga ang anak nila madam Sonia at sir Darius? Ang laki ng mansyon nila, tapos wala pa dito ang nag-iisa nilang anak," tanong ko kay nay Helen habang naghuhugas ako ng pinggan.
"Ay, oo Zella. May PCOS kasi noon si madam kaya matagal bago sya nabuntis. At noong nabuntis siya, sobrang hirap ng dinanas niya. Kaya nakapag desisyon ang mag-asawa na tama na ang isa nilang anak. Total eh, lalaki naman ito, si Taiden na lang daw ang bahalang magpakalat ng apelyedo nila," aniya habang nagtitimpla ng kape.
Gano'n pala 'yon. Pero bakit sa mahigit isang taon ko dito ay hindi man lang umuwi ang anak nilang si sir Taiden?
Napatanong ako kay nay Helen.
"Eh, bakit hindi ni minsan man lang umuwi si sir Taiden nay? Hindi ba nya nami-miss sila madam at sir? Ang lungkot kaya no'n. Siya lang naman mag-isa. Samahan pa nitong bahay na sobrang laki," mangha kong sinabi.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romance(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...