"Senyorita," sabi ng isang lalaking kakadating lang. He looks familiar to me. Parang may kamukha siya.
I'm with Sofiya. Gaya ng request ni Mom na pakisamahan ko ng maayos 'tong babaeng ito. She's a bitch in my eyes. Alam ko kung anong ginagawa niya kay Zella sa skwelahan, kaya ayoko sanang pakisamahan ang babaeng 'to. But I can't say no to Mom.
"Ikaw ang pinadala ni Daddy?" Sofiya asked the man in his 50's, I guess. He nodded.
"Okay. Doon ka na muna sa kusina." aniya sa lalaki.
I'm bothered, parang may kamukha siya. Pero hindi ko alam kung sino. Hinatid ko ang lalaki gamit ang paningin ko.
"Who's that guy?" hindi ko na mapigilang magtanong. Tumabi sa akin si Sofiya at bahagyang humilig. I need the answer, kaya pinabayaan ko na muna siya sa pagkakahilig sa akin.
"John? I'm not sure. Pero may malaking utang 'yon kay Daddy at hindi nakabayad kaya nagsisilbi siya sa amin." aniya
My brows furrowed. John. He can't be him, right? Imposible. But, just to make sure...
"Apelyedo niya?" tanong ko ulit. This time, Sofiya looked at me with a puzzled face.
"Why are you interested? He's nothing, Taiden." aniya at aakmang tatayo na sana pero hinawakan ko ang kamay niya. I stood up and leaned closer to her. Naramdaman kong nate-tense siya sa ginagawa ko.
"Tell me, Sofiya," I said. She sighed defeatedly.
"John Baker, Zella's Dad." simple niyang sagot at kumunot ang noo ko. Does she know him? Pero wala siyang sinabi kay Zella?
"Kailan pa? Kailan mo pa siya kilala?" hindi na matago ang galit sa boses ko. Magkapitbahay lang kami for fucks sake! At alam ko kung gaano kasabik si Zella na makita ang Daddy niya. Tapos, nandito lang pala?
Lumunok si Sofiya at kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya.
"J-Just recently. I swear Taiden, kailan ko lang din nalaman no'ng dinala siya ni Daddy dito." paliwanag niya.
I don't wanna waste any second. Agad akong naglakad palabas para maibalita ito kay Zella. Bago pa man ako tuluyang makaalis ay nagsalita na si Sofiya.
"Sasabihin mo kay Zella? Gano'n na lang kadali Taiden?" napabaling ako sa kanya at binigyan siya ng isang naguguluhang mukha. Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko? Ilihim lang ang nalaman ko?
"What are you talking about?" tanong ko.
"Hindi mo pweding sabihin sa kanya na nandito ang Daddy niya." saad ni Sofiya
"Why not?" tanong ko ulit.
"Because he's mine." boses iyon ng lalaki sa likuran ko. Sofiya's Dad.
"Magkano ang utang niya, babayaran ko. Name your price." sabi ko ngunit humalakhak lang ang Daddy niya.
"Paano kong sabihin ko sayong, walang katumbas na pera ang kalayaan niya? Anong gagawin mo?" sabi ng Daddy ni Sofiya at lumapit ito sa anak niya.
I don't know if I'm seeing the right expression on Sofiya's face, but she looked... scared.
"Why are you doing this? Hindi ba pera ang inutang niya? Then, why can't I get him through money?" sikmat ko sa Daddy niya.
"Ako dapat... ako dapat ang pinili ni Juliet! Pero anong ginawa niya? Binuntis niya!" galit na galit niyang sinabi at hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Nanay ni Zella si Juliet." sabat ni Sofiya.
Nagpakurap-kurap ako sa nalaman. Kaya ba ayaw niyang ipatubos sa kahit anong presyo dahil malaki ang galit niya sa Daddy ni Zella? Dahil nabuntis nito ang Nanay ni Zella?
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romance(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...