Kabanata 18

41.6K 730 140
                                    

Kailan ba kailangang lumayo para sa sarili at kailan kailangang harapin ang isang issue sa isang relasyon? Ewan ko. At alam kong hindi ngayon.

Nagpaalam din ako kay Madam nang makaalis na si Sofiya para makaakyat na sa taas. Hindi ako nagpaalam kay Keion at wala sa kanila ni Taiden ang tinapunan ko ng tingin. Natatakot akong makita nila sa mga mata ko kung gaano ako naapektuhan sa nakita. Grabeng pagpipigil ng luha ang ginawa ko hanggang sa natalikuran ko na sila.

Isa-isang nagsitakasan ang mga luha sa mga mata ko pero hindi ko iyon pinalis. Natatakot akong baka nakatingin sila sa akin habang papaakyat ako ng hagdanan at makitang nagpapalis ako ng pisngi.

Taas baba na ang paghinga ko dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. Bakit bigla siyang nagbago? Bakit mukha siyang galit? Ako ang dapat magalit sa kanya dahil sa nakita kong ginawa nila ni Sofiya! Pero bakit parang pakiramdam ko ako ang may ginawang kasalanan?

Pasalampak akong nahiga sa malamig na kama nang makapasok ako sa kwarto. Dinama ko ang sakit ng dibdib ko na ngayon ko lang nararamdaman sa tanang buhay ko.

Sabi ko, hindi ako magpapadala sa paandar ni Sofiya. Pero iba pa rin talaga kung nasaksihan mo pa ng harap-harapan.

Anong nangyari sa mga pangako niya sa akin?

Hestirical kong tinawanan ang aking sarili sa naiisip. Sino naman talagang siraulo ang magseseryoso sa isang pobreng katulong tulad ko? Nasa kay Sofiya lahat ng isang babaeng magugustuhan ni Taiden.

Pumait ang sikmura ko sa aking naiisip. Masyadong tumaas ang kumpyansa ko sa sarili na totoo siya sa akin. That he did truly loved me although, I'm a nanny. Napailing ako.

Kung makakahanap ako mamaya ng tiyempo, kakausapin ko siya. Katulong ako, oo. Pero tao din ako na kailangang maliwanagan. Hindi ako bulag sa mga nakikita ko. My feelings right now needs validation.

Biglang tumunog ang cellphone ko habang abala ko sa pagtatahan sa aking sarili. Galing iyon kay Keion.

Keion:

I know you're not okay. I'm still outside of the mansion. Kung gusto mong umalis, sasamahan kita.

Mabuti pa 'tong si Keion, kahit naaabala ko na ay gusto pa rin akong tulungan. Nagtipa agad ako ng reply.

Ako:

Okay lang ako, Keion. Sorry hindi na ako nakapagpaalam sayo. Umuwi ka na. Salamat.

Matapos kong mai- sent ang mensahe ay laking gulat ko ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok doon si Taiden, sabay sarado niya sa pintuan. Galit na galit ang mukha niya at para niya akong pinapatay sa mga titig niya.

Sigurado akong kitang kita ngayon sa mukha ko ang ebidensyang galing ako sa pag-iyak. Ngunit, wala na akong pakialam.

He was just standing and looking at me angrily. Hindi ko alam kong guni-guni ko lang 'yon pero, I saw a disgust look in his eyes.

Yumuko siya at bahagyang ngumisi at nilagay niya sa ulo ang isang kamay at bahagyang sinabunutan ang sarili, na para bang masakit ang ulo nito.

"Give me that phone..." he said coldly sabay turo niya sa cellphone ko. Kumunot ang noo ko at nagtataka kung kaya't hindi ko agad nagawa ang gusto niya.

"I said, give me that fucking phone!" ulit niya sa isang galit at nakakatakot na boses habang madiin ang titig sa akin.

Hindi ko alam anong paandar niya at agad kong binigay ang cellphone ko sa kanya. Kinuha niya ito sa kamay ko at minaniubra niya ito.

Pumikit siya ng bahagya ng may nakita sa screen at nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

"Fuck!" sikmat niya sabay hagis sa cellphone ko sa dingding kong kaya't nagkapiraso-piraso ito.

"Anong ginawa mo?!" gulat kong sabi pero imbis na matakot sa sigaw ko ay mas natakot ako sa tingin na ipinukol niya sa akin.

"You, fucking cheater. Kamusta ang kaibigan ko? Masarap ba? Hindi mo ba naantay kaya ginawa mo 'yon kahit ako ang boyfriend mo, Ze? Sobrang kati na ba?!"natatawa niyang tanong.

Para akong sinuntok sa dibdib sa mga sinabi niya. Hindi ko maintindihan! At hindi ko ito mapapalampas. Agad akong tumayo at nagpunta sa kinatatayuan niya sabay bigay ko sa kanya ng isang malakas na sampal. Sa sobrang lakas nito ay bahagyang sumakit ang palad ko.

Pero hindi iyon nangalahati man lang sa sakit ng nararamdaman ko.

"Sa ating dalawa ikaw ang nanloko at hindi ako! Wala akong ginagawang masama. Ha!" hestirical akong tumawa. "Gano'n pala kababa ang tingin mo sa akin? Kung alam ko lang. Kung alam ko lang. Sana... hindi na kita ginusto'ng gago ka!" sikmat ko habang namalisbis ang luha sa mga mata.

Nakatingin siya sa akin na gano'n pa din ang mga titig niya. Galit at nandidiri.

"You slept with him! Sa tingin mo maniniwala akong walang nangyari? I'm not a fucking dumb and blind to not noticed those exchanging glances. Sa lahat ng kaibigan ko, bakit siya ? Bakit siya, Ze?!" aniya at nagmura ng malulutong.

"Hindi ko alam anong sinasabi mo. Eh, ikaw? Kamusta si Sofiya? Masarap ba, ha? Taiden?"  nasasaktan kong tanong.

At mas lalong gumuho ang mundo ko sa sobrang sakit ng sumagot siya.

"So good. So fucking good." aniya habang hindi ako nilulubayan ng titig na para bang gusto niyang makita sa mga mata ko kung anong magiging reaksyon ko.

May nangyari nga sa kanila. Mas una kong nakita ang picture nilang nakakandong si Sofiya sa kanya bago pa man ako napunta sa condo ni Keion.

Kung paano niya nalamang nando'n ako ay wala na akong pakialam. At wala na ring dahilan pa para magpaliwanag kung bakit ako nando'n. Kung ano man ang iniisip niya ngayon tungkol sa amin ni Keion, mas mabuti 'yon. Patas na kami.

Pagalit  kong pinalis ang luhang nahulog at lumandas sa pisngi ko. Huminga ako ng malalim para hindi mautal kong magsasalita na ako.

"Di mabuti. Mas maaga matatapos ang lokohan natin." ako ang nagsabi no'n pero ako ang nasasaktan.

"Hindi kita niloko." mataman niyang sinabi.

Hindi ako niloko? Anong sinasabi niya? Inamin niyang may nangyari sa kanila tapos sasabihin niyang hindi siya nanloko?

"Hindi pa ba panloloko 'yon? Ang maupo sa kandungan mo si Sofiya? Ang halikan ka niya sa harapan ko at hinayaan mo lang? At wag na wag mong sasabihin sa akin ang rasong inaanak siya ng Mommy mo kaya kayo nasa gano'ng ayos. Gusto kita pero hindi ako tanga." sabi ko sa isang galit na boses.

Nakita ko'ng dumaan sa mga mata niya ang sakit, pero hindi ako nagpatinag. Kulang pa ang sakit na nararamdaman niya kung gano'n man, sa pangmamaliit niya sa akin. Ganon'g klasing babae pala ang tingin niya sa akin. Sa lahat ng pang-aalipusta  na natanggap ko, mas masakit pala kung manggagaling ito mismo sa taong minamahal mo.

Akala ko magsasalita pa siya. Akala ko magmamakaawa siya at hihingi ng tawad sa akin. Pero hindi, tumalikod siya at lumabas ng kwarto. At do'n ako mas nasaktan. Hindi man lang niya patutunayang walang siyang ginawang mali kung ganon'g wala nga. Bakit siya umalis na gano'n ang pag-aakala ko sa kanya?

Siguro nga totoo lahat ng inamin niya. Ako lang naman 'tong umaasa na baka nasabi niya lang 'yon dahil galit siya. Ako lang naman itong umaasa na lahat ng pangako at sinabi niya sa akin ay totoo. 

Ito na nga 'yong kinakatakot ko, na baka panandalian lang ang nararamdaman kong saya. Pero sigurado akong magtatagal sa akin ang sakit.

Hindi pweding tumira pa ako dito habang ganito ang estado namin ni Taiden. Hindi ko na kayang makasama at makita siya sa iisang bubong. Ayaw ko ng mahinga ang hanging hinihingahan niya. Masyadong masakit at nakakapanliit.

Sana maintindihan ako ng Madam sa gagawin ko.

Nanny and the Beast  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon