Kabanata 15

29.2K 570 120
                                    

"HININTAY kita Zella beyb. Pero hindi ka dumating." lungkot na sabi ni Anjo.

Nakalimutan kong magkikita sana pala kami para mag-usap. Sinundo naman kasi ako ni Taiden at nag-date. Napangisi ako ng bahagya.

"Pasensya na, Anjo. May lakad kasi kami kagabi ni... Taiden." at kumunot doon ang noo ni Anjo.

"Saan naman kayo nagpunta?" tanong niya.

Kailangan ko na talagang sabihin kay Anjo ang lahat.

"Kasi... Anjo... ano kasi e. Boyfriend ko na si... Taiden." pagtatapat ko sa kanya at nakitang bumagsak ang kanyang balikat.

"Naiintindihan ko, Zella." pilit niyang ngiti pero nakita kong dumaan sa mga mata niya ang sakit. "Sana ay hindi ka n'ya saktan at andito lang ako Zella kapag nangyari 'yon." sabay ngiti niya.

"So, hindi ka galit?" tanong ko.

Umiling siya agad at ngumiti.

"Magkaibigan na tayo bago pa tumibok itong puso ko sayo Zella." aniya at ikinagaan ng loob ko iyon.

Matapos naming mag-usap ni Anjo ay nakita kong naglalakad si Sofiya papunta sa akin. Bakit naman kasi sobrang lapit pa ng bahay nila Madam sa kanila.

"Balita ko, sinundo ka daw ni Taiden? At hinalikan pa?" sabay tawa niya na para bang hindi siya makapaniwala.

"Wala akong panahon sayo, Sofiya." sabay talikod ko upang makapasok na sa loob ng bahay, ngunit hinawakan niya ang braso ko at bahagya akong hinatak.

"Ano ba!" sikmat ko.

"Mag-enjoy ka lang Zella. Itong tatandaan mo, sa ating dalawa, ikaw ang iiyak at sa akin ang huling halakhak." at pumasok siya sa loob ng bahay.

Nagpupuyos ako sa galit ngunit nagtitimpi lang ako. Kung wala lang talaga akong utang na loob sa pamilya'ng 'to ay nakita na niya kong gaano ako ka demonyita.

Agad akong sumunod papasok sa loob ng bahay at nagpuntang kusina para uminom ng tubig, ng sa gano'n ay makalma ko ang aking kaloobang gusto ng balatan ng buhay si Sofiya. May araw ka din sa aking babae ka.

Papunta na sana ako sa garden para mag dilig ng halaman ng marinig ko ang boses ni Sofiya.

"Please... pagbigyan mo na ako. Two days lang naman 'yon e." aniya
Bahagya akong sumilip sa kurtina at nasa gawi ko ang likod ni Taiden.

"Fine." ani Taiden.

"Yes! Thank you so much, by!" sabi ni Sofiya sabay halik niya sa pisngi ni Taiden at kumapit siya sa leeg ni Taiden at parang humilig ito sa dibdib ni Taiden.

'by' ano 'yon baby?

Bahagyang kumirot ang puso ko sa nakikita. Huminga ako ng malalim at inisip ang sinabi sa akin kagabi ni Taiden na... hindi niya ako sasaktan. Pinakalma ko ang aking sarili. Ganyan lang sila dahil inaanak ni Madam si Sofiya. Pero hindi gumalaw si Taiden at pinabayaan niya lang si Sofiya na gawin 'yon na siyang nagpakirot sa damdamin ko.

Minabuti ko na lang na magpunta sa kwarto. Agad tumakas ang mga luha sa aking mata. Pinalis ko iyon dahil hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Yakap at halik sa pisngi lang naman 'yon. Walang ibig sabihin 'yon. Panay ang hinga ko ng malalim upang makalma ang sarili.

Naka hilig ako sa likod ng pintuan ng may kumatok. Nagmadali kong inayos ang sarili at tinuyo ang mga mata, saka ko pa binuksan ang pintuan at nakitang si Taiden iyon.

"Hey." aniya at sabay yakap sa akin. "Hinahanap kita sa buong bahay, nandito ka lang pala." sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Bahagya akong yumakap sa kanya pabalik.

"Bakit mo 'ko hinahanap?" ingat kong sabi upang hindi pumiyok dahil galing lang ako sa pag-iyak at natatakot akong malaman niyang nakita ko sila ni Sofiya kanina.

"Magpapaalam sana ako." sabay hinga niya ng malalim. "Birthday ng kaibigan ni Sofiya. Sinasama niya 'ko. Dalawang araw 'yon. I'm gonna miss you, Ze."

Akala ko ba magpapaalam? Pero bakit parang hindi naman gano'n ang dating sa akin. Parang nakapagpasya naman na siyang sumama.

"Gano'n ba? Okay. Ingat ka." tangi kong nasabi. Bumalik ang pinong-pinong nanunusok sa puso ko sa kaisipang magsasama sila ni Sofiya ng dalawang araw. May tiwala ako sa kanya, pero kay Sofiya wala. Kaya alam kong ginagawa niya 'to para saktan ako.

Humarap siya sa akin at sinapo ang mukha ko sa mga palad niya.
"Don't worry 'bout her, Ze." aniya at hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya, at bahagyang gumaan ang kalooban ko doon.

Tumango ako at  unti-unti siyang lumapit sa mukha ko sabay halik niya sa tungki ng ilong ko. Tumitig muna siya sa akin bago pa marahang lumapat ang labi niya sa labi ko.

Para akong kandilang nauupos sa aking kinatatayuan. Masyadong nakakalunod ang mga halik niya at nawawalan ako ng ulirat. Tinutudyo niya ang bibig ko na para bang inuutusan niya akong gayahin ang galaw ng labi niya, kaya ginawa ko naman iyon.

He groaned and hold my waist tightly.
"Open your mouth..." utos niya, at para akong tutang sumunod agad sa sinabi niya. His tongue immediately explored mine like he's looking something there.

He sucked my tongue and it made me moan and I hold him in his neck firmly.
Nararamdaman kong nag-iinit na ang buo kong katawan at gano'n din si Taiden.

His hands find its way to my breast and lightly squeezed them. Bahagya akong napadaing dahil doon. He was about to unclasped my bra when a phone rang.

"Fuck!" aniya at iritadong sinagot ang cellphone niya. "Pangit mo ka bonding, tangina mo!" sikmat niya sa kung sino mang tumawag at bahagya akong napatawa doon. Dahil sa sobrang lapit namin ay naririnig ko kung anong sinasabi ng nasa kabilang linya.

"Sorry, sorry. Ano bang ginagawa mo at galit kang naabala kita, ha?" sabi ng kabilang linya.

Tumingin siya sa akin at bahagyang napayuko kung kaya't napayuko din ako at dumako ang mga mata ko sa malaking nakaumbok doon sa pantalon niya. Uminit ang pisngi ko sa aking nakita at agad nag-iwas ng tingin sabay hilig ko sa dibdib niya at niyakap niya ako.

"None of your business. Ano ba kailangan mo?" si Taiden.

"Humihingi ng tulong ulit si Ryan. Nakidnap ang anak ng kaibigan niya at hawak ito ng kumidnap no'n sa girlfriend ni Colton daw." sabi ng kabilang linya.

"Aalis ako bukas. Dalawang araw akong wala. But you can send me the plan and location. Susunod ako." ani Taiden

Sino naman kaya si Colton at Ryan? At may batang nakidnap? Bakit sila Taiden ang hinihingan ng tulong? Bakit hindi sa mga police? Nakikinig pa din ako habang nakahilig pa din sa dibdib ni Taiden.

"And where the fuck are you going?" tanong ng kabilang linya.

"Si Sofiya" tanging sabi niya

"Oh. Okay, I understand." 'yon ang huling sinabi ng kabilang linya at kumunot ang noo ko. Bakit parang may something? o masyado lang akong naiinis kay Sofiya at kung ano-ano na lang ang naiisip ko. Agad kong inalis sa isip ko iyon.

Hindi namin naituloy ni Taiden ang kung ano mang dapat naming ituloy dahil tinawag siya ni Madam at pinapunta sa kompanya nila dahil may utos daw ito.

Hanggang sa gumabi na ay hindi pa rin umuuwi si Taiden pero nakauwi na sila Madam at Sir Darius. Ayoko din namang magtanong dahil hindi pa namin sinasabi kina Madam ang tungkol sa amin.

Alas 10 na ng gabi. Nasaan kaya iyon? Nagpasya akong kunin ang cellphone ko at ite-text ko na sana siya ng nakita ko ang message ni Suzie sa messenger.

"Tingnan mo ang Instagram ni Sofiya. Dali!" aniya at kinutuban akong bigla. Ano naman kayang meron sa instagram ni Sofiya? Nagmadali akong buksan ang instagram at ini-search ko ang pangalan ni Sofiya. Hindi naman niya kasi ako follower at hindi rin naka private ang account niya.

Nag scroll down ako agad at bumungad sa akin ang isang picture na kaka upload pa lang.Naka selfie si Sofiya habang may lalaking walang damit sa likod niya at nakaharap sa kama. May suot naman itong pantalon at kilalang kilala ko kung kaninong likod iyon.

Taiden.

Nanny and the Beast  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon