Kabanata 9

32.8K 737 65
                                    

Hawak hawak niya ako sa beywang at nando'n lahat ng atensyon ko. Paminsan-minsan niya itong pinipisil kaya napapabaling ako sa gilid at pumipikit ng bahagya. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin, kahit madalas kaming hindi magkasundo?

Inaatake naman ang ilong ko ng mamahalin niyang pabango. It's intoxicating and very manly. Wala sa sarili kong inalis ang kamay niya ng papasok na kami sa isang bulwagan sa mansyon nila Sofiya.

Hindi ko na tiningnan kong anong magiging reaksyon niya sa pagtanggal ko sa kamay niya dahil natigilan siya ginawa ko. Sigurado akong hindi na naman kaaya-aya ang mukha ng unggoy na 'yon.

Bumungad sa amin ang napakalaking chandelier sa gitna. May mga bilog at malalaking mesa at may tao na bawat isa no'n. Nagsusumigaw ng karangyaan ang paligid. Bawat damit ng mga tao ay makikilala mo'ng mamahalin ito.

Nakita ko sa gawing kaliwa ang mesa na may nakalagay na "Hernandez' at doon nga kami dumiretso. Ang mesa ay may anim na upuan, kaya pinili ko ang katapat ng inupuan ni Madam. Para magkatabi silang tatlo ni Taiden at Sir Darius. Ayokong tumabi sa kanila at baka ano pa ang isipin ng mga taong nakakakilala sa akin. Lalong lalo na si Sofiya.

Kumunot ang noo ni Madam dahil sa ginawa ko. Mali ba ang ginawa ko?

"Bakit ka and'yan? Dito ka sa tabi ni Taiden." utos ng madam at ngumisi doon si Taiden.

Madam, kaya nga ako dumidistansya d'yan sa anak n'yo dahil bukod sa naiinis ako. Hindi din kami magkasundo. Sabi ko sa isip ko at hindi na isinatinig.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo at lumipat sa tabi ng unggoy na pangisi-ngisi lang sa tabi. He leaned closer and whispered something. I immediately went frozen when I felt his breath in my neck.

"Told you earlier to sit beside me, didn't I?" aniya at umirap lang ako. Wala akong masabi. Masyado akong nabibingi sa pintig ng puso ko dahil sa ginawa niyang pagbulong sa akin. Ayoko talagang magkalapit kami.

Nagsimula na ang programa sabay sa pagbati ng lahat kay Sofiya. Siyempre andito din ang mga kaibigan niya. Kung sana andito lang si Suzie ay hindi ako mababagot.

Matapos mai-serve and last meal course ay nagsimula na ang pagtugtog ng musika. Bawat isa'y may dalang kapares sa dancefloor. Nakita kong napunta sa table namin ang paningin ni Sofiya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang backless silk dress na hapit na hapit sa katawan niya. Maganda nga si Sofiya, inaamin ko. Pangit nga lang ng ugali.

"Happy Birthday, hija." bati ng Madam sabay halik sa pisngi niya at napunta sa akin ang tingin niya. Hinagod niya 'ko ng tingin at inikotan ng mga mata.

"Thank you, Ninang, Tito." aniya sabay dako niya ng tingin kay Taiden na nakatitig lang sa kanya at walang emosyon sa mukha. Siguro ay nalula sa ganda ba naman ni Sofiya.

Kumunot ang noo ni Madam ng makitang hindi pa bumabati si Taiden dito.

"Hindi ka ba babati kay Sofiya, Taiden?" anas ng madam

Inilahad niya ang kamay niya na animoy makikipag hand shake at nagulat ang mukha ni Sofiya doon pero agad niyang pinalitan ng matamis na ngisi ang gulat at sabay niyakap si Taiden at halik sa pisngi.

"Thank you." ani Sofiya. Hindi ko naman narinig na nagsalita si Taiden, ah.

Napahalakhak doon ang madam.

"Kayo talagang mga bata kayo, para kayong may mga sariling mundo. Ang ganda n'yong tingnan." giit ng madam

Bahagyang kumirot ang puso ko sa sinabi ni Madam sa sinabi niya. Ang ganda nga'ng tingnan ni Taiden at Sofiya. Bagay na bagay. Puro mayayaman.

Tumingin siya sa akin. Wala akong choice kundi batiin din siya.

"Happy Birthday." tipid kong sabi pero hindi ko inaasahang yayakap siya sa akin.

Nanny and the Beast  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon