"What happened?" tanong ni Taiden sa mga kaibigan niya. Hindi na namin nagawang matulog ng isang gabi pa sa resort dahil tumawag si Dale na nawawala si Mozes.
"It was an ambushed. Sumabog ang sasakyan niya. But, we can't find his body. Hula namin, baka nakatakas siya. Masyadong liblib ang lugar na 'yon at nahihirapan kaming suyurin." ani Dale
Andito kami sa bahay nila Suzie nagtipon-tipon at hinihintay pa namin si Kuya. Wala pa mang nagsasalita ulit ay dumating na si Kuya. He immediately went to me and hugged me.
Madaming tanong sa mga mata ni Kuya, pero hindi niya nagawang isatinig iyon. Alam kong gano'n din ang mga kaibigan ni Taiden at Suzie kung bakit magkasama kami ni Taiden.
Nagkatinginan si Kuya at si Taiden. Parang nabunutan ako ng tinik ng mag fist bump ang dalawa.
"Anong ginagawa niya sa lugar na iyon? Siraulo ba siya? Bakit hindi siya nagsabi na may nakabuntot sa kanya?" galit na sabi ni Taiden.
Nagkibit balikat ang lahat at nagtinginan kami ni Suzie. Kakaibang mga tao ang kasama namin. Hindi na ito ang mga palabirong kaibigan ni Taiden at gano'n man si Taiden. Nag-aanyong ibang tao sila sa usapan.
"We don't know that. Surely, he has reasons." si Elton naman 'yon.
"Pero sino sa mga kalaban natin ang nakakaalam sa identity natin?" tanong ni Macsen.
"This is dangerous, not for me. But for you guys." ani Elton sabay tingin kay Dale, Kuya at Taiden.
"Doon muna kayo sa bahay." si Taiden iyon. "And you,too." sabay baling niya sa akin kaya napatingin ako kay Kuya pero tumango si Kuya. Papayag siya na doon muna ako sa bahay nila Taiden?
Well, okay lang naman sa akin dahil hindi ko pa nakikita sila Madam simula ng umalis ako. Pero...
"Your family too, Dale. Kung nasa iisang bahay lang ang mga mahal natin sa buhay. Mas madali ang lahat." giit ni Taiden.
"Mahal?!" gulat na tanong ni Macsen at Elton sabay tingin sa akin bago pa kay Keion na para bang ako ang tinutukoy. Kumunot lang ang noo ko at hindi nagsalita.
"Tahimik! Mga chismoso." giit ni Taiden at binigyan ng masamang tingin ang dalawa, pero kita sa mukha ni Elton at Macsen ang multo ng ngiti.
"Your plan?" tanong ni Taiden kay Kuya. Nagtaka ako kung bakit si Kuya ang tinatanong niya. E, siya pa naman ang leader.
Tiningnan ni Kuya ang mga kaibigan niya panghuli ako.
"Hindi nila magagawa ang gusto nila sa pamilya ni Mozes, at wala sila dito. Not that I'm afraid of his family's wellness. They can protect themselves. Si Mozes ang puntirya nila. Maybe, tayo lahat? Kung gano'n mang maaring may nakaalam na kung sino tayo." seryosong sinabi ni Kuya.
"Dale, call his secretary. Alamin mo ang huling schedule na pinuntahan niya bago umalis." tumango naman si Dale.
"Kayong dalawa, suyurin niyo ang lugar saan huling nakita ang sasakyan niya." dugtong ni Kuya "Kami na bahala sa gagawin namin." saad ni Kuya sabay tingin kay Taiden at nagtanguan ang dalawa.
Umuwi kami ni Kuya sa condo at tinulungan akong mag-impake. Sa bahay nila ni Taiden na lang kami magkikita ulit ni Suzie.
"Uh... bati na kayo?" nag-aalangan kong tanong habang inaayos niya ang mga sapatos ko sa maleta. Napabaling siya sa akin at nagtaas ng kilay sabay ngiti niya.
Lumapit siya sa akin at kinurot ang dalawang pisngi ko habang nakasimangot. Palagi niya 'tong ginagawa sa akin. Pakiramdam ko tuloy nae-stretch ng masyado ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romantizm(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...