Naghihiwa ako ng bawang dahil araw na ng Linggo. Araw ng party ni Sofiya, at handa na sa kwarto ko ang damit na susuotin. Galing pa man din iyon sa personal designer ni Madam. Nanghihinayang akong hindi iyon maisuot, dahil hindi ako pupunta.
Kailangan ko lang daw ilagay sa kili-kili ko ang bawang ng ilang minuto. Pagkatapos kong kuhanin and bawang doon, ay saka ko kukuhanan ng temperatura ang aking sarili.
Hindi ko maiwasang mapaisip sa sinabi ni Taiden kahapon. Bawal akong lumandi kahit saan? Bakit? Dahil porket katulong lang ako e bawal na? Hindi naman sa gusto kong subukan iyon, dahil mas mahalaga sa akin ang pag-aaral ko kaysa do'n.
Pero masyado niyang minaliit ang pagkatao ko. Kagaya ni Sofiya, isang hamak na katulong lang din ang tingin n'ya sa akin. Kaya, ang halik na iyon ay kakalimutan ko na. Ayokong mag assume. Ayokong masaktan.
Magkatabi kami ngayon ni Madam sa kwarto nila ni Sir Darius kaharap ang vanity mirror habang inaayusan kami.
Nasa kili-kili ko na ang maliit na bawang. Maghahanap na lang ako mamaya ng tiyempo para sabihing masama ang pakiramdam ko.Suot ko'y isang satin puff sleeve ruched backless in color red. Medyo naaasiwa ako sa damit dahil hapit na hapit ito sa katawan ko at kita masyado ang dibdib ko. Pero nagagandahan ako sa sarili ko. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito kagandang damit.
"Madam, sigurado ka bang katulong n'yo 'to dito? Parang hindi naman yata ako makapaniwala." Sabi ng baklang nag-aayos sa buhok ko matapos ang makeup. Nagpapasalamat talaga ako sa tatay kong briton, dahil kahit hikahos ako sa buhay ay mayaman naman ako sa panlabas na anyo.
"Rene, working student. Hindi katulong. Para sa akin magkaiba 'yon." Anas ng madam sa tabi ko at tumingin siya sa akin sa salamin sabay ngisi. Sobra-sobra talaga ang kabaitan sa akin ni madam. Sana man lang namahan din si Taiden ng kunti.
Tumawa ang bakla sa sinabi ni Madam. "Parang parehas lang din naman iyon, Madam." Sabay hawi niya sa pekeng kinulot na buhok ko.
Napatingin si Madam kay Rene at kitang-kita sa mukha nito ang pagka disgusto sa sinabi.
"Pamilya... 'yon ang pinagkaiba. I don't treat her here as a nanny only, but a family also. Did you get my point, Rene?" Saad ni Madam at ngayon ko lang siyang narinig sa gano'ng tono ng pananalita.
Yumuko ako dahil nahihiya ako sa sinabi ni Madam. Sana, lahat ng katulong sa mundo ay may ganitong klasing amo, na ituturing kang pamilya bukod sa pagiging isang katulong.
"O-Of course, Madam. I understand." Aniya at hindi na nagsalita pa ng patungkol sa akin. Nakita n'ya din siguro sa mukha ni Madam ang nakita ko kanina.
"All done! Such gorgeous ladies. Siguradong agaw pansin kayo do'n Madam." Pampalubag loob na sabi ni Rene. Pero totoo nga. Ang ganda ni Madam sa off shoulder lace insert ruffles na kulay itim. Sobrang elegante niyang tingnan.
Ako man din ay namangha sa sarili kong etsura. Ang ganda ko sa gabing ito. Sayang kung mayamaya ay aarte akong masama ang pakiramdam.
Hinawi ko ang buhok ko sabay titig sa salamin, kung kaya't tumilapon galing sa kili-kili ko ang bawang! Kanina ko pa iniipit ito sa kili-kili ko para hindi mangamoy.
"Ano 'yon? Bakit... bakit amoy bawang?" si Rene, na hinahanap ang amoy. Ngumuso si Madam at napaamoy sa ere.
Patay.
"Naaamoy mo 'yon Zella?" tanong ni Madam. Kinakabahan ako baka mapunta sa dako ko ang pang-amoy nila. Kailangan kong hugasan ang kili-kili ko bago pa man ako mahuli!
Nagpakurap-kurap ako at ngumisi ng alanganin.
"Uh... Madam...pwedeng mag cr?" Palusot ko. Salamat sa diyos at tumango si Madam. Bahala na kung makita nila doon sa sahig yung bawang. Kailangan kong linisin ang kili-kili ko para mawala ang amoy!
Dali-dali akong nagtungo sa banyo at nilinisan iyon. Napatingin ako sa aking sarili. Sinong mag-aakalang katulong ako? Para akong anak mayaman sa suot ko. Bahala na anong mangyari mamaya. Basta, gusto kong eenjoy ang etsura kong 'to.
Nakarinig ako ng malakas na pag-uusap sa labas kaya nagmadali na ako. Baka kailangan na naming umalis at ako na lang ang hinihintay! Nagmadali akong lumabas ng banyo at natagpuan agad ng mga mata ko ang mga mata niya.
Sinuri n'ya ko ng tingin mula ulo hanggang paa sabay ng isang mahirap na paglagok at pagkunot ng noo. Alam ko na 'to.
"Sasama siya?" tanong ni Taiden kay Madam. Sabi na nga ba. Siyempre, ayaw niya akong pasamahin.
"Hijo, Inimbita siya ni Sofiya. Gorgeous, right?" Anas ng Madam ngunit binigyan niya lang ako ng isang nakakairitang tingin na parang ayaw na naman niya sa suot ko! Ganito ang titig n'ya sa akin noong naka damit pantulog akong inaya silang maghapunan ng mga kaibigan n'ya.
Naiintindihan ko kung bakit ganyan ang mga titig n'ya sa akin, kasi hindi ba masyadong ambisyosa ako para mag damit ng ganito? Oo, Taiden, alam ko ang iniisip mo. H'wag mo na lang ibuka 'yang bibig mo at baka mag-away pa tayo sa harapan ni Madam. Mapalayas pa akong wala sa oras.
"Just...fine." Aniya at napahinga ako ng malalim dahil wala na siyang dinugtong na masamang komento.
"Let's go? Malapit ng magsimula." si Sir Darius iyon na kakapasok lang sa kwarto at hinapit ang beywang ni Madam sabay halik sa pisngi. Sana, makahanap din ako ng katulad ni Sir Darius.
"Shall we?" si Madam.
Tumango ako naunang lumabas ang mag-asawa. Sumunod ako doon pero nagsalita ang taong nasa gilid ko bago pa man ako makalabas ng kwarto.
"Are you kidding me? Lalabas ka na?"
Napanganga ako sa sobrang gulo ng tanong niya. Malamang lalabas na ako para makaalis na.
"Paano ako pupunta sa party kung hindi ako lalabas?" naiirita kong sabi.
Napapikit siya nang bahagya at napakagat labi. Parang nag slow-motion sa akin ang ginawa n'yang iyon at parang hinatak ang pisngi ko sabay init nito. Ang sexy n'yang tingnan ng pumikit siya't napakagat-labi. Mas lalo siyang gumuwapo.
Teka? Bakit ko ba pinuring bigla ang isang 'to? Eh, kani-kani lang ay naiinis pa ako.
"Ang ibig kong sabihin ay, bakit ka lalabas? Hindi ba tayo magsasabay? Iiwan mo 'kong nakatunganga dito?" Giit niya.
And that's it. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Gusto niyang magsabay kami? Bakit parang pakiramdam ko'y nagtatampo siya sa sinabi niya. O baka guni-guni ko lang yon?
Umirap ako at tumikhim para makalma ang dibdib kong biglang kumalampag sa sinabi niya.
"Edi tara na!" Sikmat ko, gamit ang naiinis na boses upang hindi niya mahalatang naapektuhan ako sa sinabi niya.
"Ang sungit sungit mo sa'kin tapos ang bait-bait mo do'n sa bansot na yon." Hindi na ito guni-guni ko lang. Sigurado akong tonog pagtatampo iyon!
Parang may kung anong nagsiliparan sa tiyan 'ko dahil do'n sa sinabi niya. Mas lalo pa yatang uminit ang pisngi ko!
"Anjo nga kasi ang pangalan niya. Hindi bansot!" Giit ko
"Kita mo na? Ipinagtatanggol mo pa siya. Swerte ampota." Aniya at pabulong na sinabi ang huli pero narinig ko pa din iyon!
Ewan ko ba pero bigla akong napangisi sa huling sinabi niya. Hindi dahil sa minura niya si Anjo, kundi dahil, parang nagseselos siya?
A/N: Photo above is Zella's dress ☝🏻
BINABASA MO ANG
Nanny and the Beast
Romansa(Dangerous Roads Series #1) Taiden Luke Hernandez, a famous billionaire car racer and only son of Mr. and Mrs. Hernandez. A heartless and ruthless leader of an underground group. Ni minsan walang babae ang nakapagpa amo sa kanya. Not until he met th...