I was caught off guard; didn't know if it was because of what he said or the way he passed beside me as I was some kind of a stranger who interrupted him in between his journey to somewhere else.
Umusbong ang inis sa aking sistema at hindi ko naiwasang magpapapadyak sa sobrang iritasyon. Fine! I looked stupid here earlier, I assumed too much. I shouldn't, but what he did last night! So, he acted like he's worried, even though he's actually not? E di sana hindi niya na lang niya ginamot iyong sugat ko!
I let everything pass for now. Kung hindi ako ang hinahanap niya, e di hindi. I wasn't that desperate to chase him after he left me just like that. Marami pa namang araw para magkita kami.
Hindi ko na siya nakita pa nang nilingon ko dahil tumakbo na ako patungo sa sasakyan ni Dreasel para kuhanin doon ang cellphone. Malapit na rin ang unang klase, kaya't nagmadali akong bumalik sa loob ng campus.
I hadn't seen Tita Amara for the whole day. I didn't go in her office, and she didn't even bother to text me. May ilang beses ko rin na nakasalubong si Niko, ngunit sa tuwing hihinto siya kapag daraan ako ay hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Bakit kasi porke in-entertain lang, iba ang kaagad ang kahulugan? Didn't they think that I could only offer is friendship?
Sumabay ako sa pag-uwi kay Dreasel nang dumating ang hapon, pero sa mismong mansiyon na ako nagpababa.
"Are you sure? What if your father is there?"
"He left early this lunch. So, I guess he's in the company."
I waved my fingers at her after I went out from their vehicle. Kampante akong pumasok ng gate nang pinagbuksan ako ng aming guard. I was breathing fine, but for some reason it became heavy. Palaging ganito ang pakiramdam ko sa tuwing tatapak na ako sa loob ng bakuran ng aming mansiyon.
It was a three-story mansion and had a huge backyard. Kita ang malaking garahe sa may parteng kaliwa na may lamang mga sasakyan mula rito, sa kanan naman ay ang itim na double doors, tinted din ang mga salamin ng bahay. Kita rin dito ang garden na may kalakihan, sa likuran naman ng mansiyon ay ang mismong swimming pool.
It was big, but it didn't feel at home for me after all.
Hinawakan ko ang strap ng aking bag at nagmartsa patungo sa double doors para buksan iyon.
The silence and empty living room welcomed me. Hindi ko na pinansin iyon dahil sanay na ako sa ganoong bungad sa tuwing ako ay uuwi. Tita Amara was still at school, Ate Vaneza too, and Dad was in the company. Eric, the youngest sibling of Ate Vaneza, was not here so it's not new; he's staying in New York together with Tita Amara's parents. Bilang lang din ang mga araw na bumabalik siya rito para bumisita. Halos isang taon lang din naman ang tanda ko sa kaniya.
Wala rin ang mga katulong, marahil ay nasa kusina o nasa likod bahay para maglinis, puwede ring namamalengke.
I inhaled and shook my head. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa hagdanan hanggang sa nakarinig ako ng mga yabag mula sa may kusina.
"Hindi ka na talaga nagtinong bata ka!"
Napaatras ako at nanlaki ang mga mata nang biglang sumulpot si Dad mula roon at sinalubong ng isang malutong na sampal sa pisngi.
"You're pulling our name in such a disgrace! At ngayon may lakas ka pa ng loob nang hindi umuwi nang isang gabi rito sa bahay? What are you up to, Valerie?"
My lips parted in surprise. Napahawak na lang ako sa pisngi kong kaniyang sinampal. "W-What did I do this time? Wala akong ginagawa!"
Napasigaw ako nang isa pang malapanit na sampal muli ang natanggap ko mula sa kaniya. Hindi naiwasang mangilid ng aking mga luha, dahil sa lakas niyon ay pumutok din ang kabila kong labi. I'm so dumb with this, but fuck! What did I do this time? Kahapon po pa iniisip kung ano ba iyong ginawa kong mali, pero wala ako ibang maisip na dahilan!
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
General FictionCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...