Kabanata 28

15.4K 352 35
                                    

It's past 7 p.m. Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan nang nakarating ako sa mismong restaurant na sinabi sa akin ni Horris. I park my car and leave my bag inside when I get out. Diretso akong pumasok sa loob ng restaurant nang pinagbuksan ako ng guard. I search the exact location of their table. Napadpad ang mata ko sa may hindi kalayuan at maluwang na bahagi ng restaurant. I smirk when I see Horris and his parents facing my direction, across them is Dad, Ate Vaneza, and Tita Amara.

"Oh. Your daughter is here, Guilermo."

Mas lumawak ang ngiti ko nang si Tita Selma ang unang nakapansin sa akin. Pare-parehas namang bumaling sa akin sina Dad pati na rin si Horris na nakaawang ang labi at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin; hindi inaasahan ang pagdating ko.

"Valerie, is that you? Dalagang-dalaga ka na!"

"Hi, Ma—" Napaubo-ubo si Horris na ikinalingon ko. "I mean, Tita Selma and Tito Hermes! How are you po? Still looking young pa rin, Tita and Tito."

"You've grown up so well, hija. Huling nakita kita ay ilang taon na rin."

Hilaw akong tumawa sa sinabi ni Tito Hermes. "Naku, Tito ,pasensiya na po kung hindi ako nakasasama sa dinner. Busy po sa school e, kailangan mag-aral nang mabuti para sa future namin ng asawa ko."

Muling napaubo si Horris sa sinabi ko, habang si Tita Selma naman ay tumawa na lamang.

"Palabiro ka pala, hija. But then I agree, Valerie. Gan'yan nga dapat."

"What's wrong, Alonzo?" tanong ni Tito Hermes kaya dumako ang tingin ko kay Horris na ngayon ay mabilis na umiwas ng tingin sa akin. Napangisi na lamang ako.

"Nothing, 'Pa. Nangati lang 'yong lalamunan ko."

"What are you doing here?" Lahat kami ay napabaling kay Ate Vaneza na ngayon ay hindi maipinta ang hitsura.

"Vaneza, don't be rude at Valerie," si Tita Amara, habang si Dad naman ay mataman lang na nakatingin sa akin.

"Sinabi niya kasi na hindi siya makakasama. I'm just surprise that she's here. Right, Dad?"

Gusto kong iiko ang mga mata dahil halata naman na nanghihingi siya ng suporta ni Dad. Alam ko naman na hindi niya gusto na nandito ako lalo pa't alam ko ang mga pinagagagawa niya. 

Tumikhim si Dad bago bumalik ang tingin sa magulang ni Horris. "Just don't cause any trouble, Valerie. Maupo ka na."

Sinunod ko iyon at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Tita Amara.

"Maigi at nakapunta ka."

Matamis akong ngumiti kay Tita Amara at hindi na lamang nagsalita pa matapos iyon. Truth is, I really don't have a plan, but then imagining my sister's reaction once Horris cancels their wedding excites me.

Nasa kabilang bahagi si Horris dahil katapat niya si Ate Vaneza na katabi naman ni Dad. I see how his eyes dart on me when I scoop my dessert and slowly put it inside my mouth, directly looking at him. Lumunok siya at tumikhim. Lumawak ang ngisi ko.

"So, as I was saying earlier..." Nagpatuloy sila sa pag-uusap ngunit tungkol lang iyon sa negosyo, sa kompanya, at sa mga investments ni Dad sa mga Costillano.

I engross myself eating dessert while my eyes are still on Horris. Kumain na ako kanina sa cafeteria pero paunti-unti lang ang pagsubo ko. I lock my eyes at Horris when I lick the spoon that I'm using. Tumalim ang tingin niya sa akin. Mahina akong humalakhak. 

"What do you think, Horris?" tanong sa kaniya ni Tita Selma, ngunit tila hindi niya iyon naririnig dahil nanatiling nasa akin ang tingin niya.

"Alonzo!"

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon