"Thank you," nagpasalamat ako sa staff ng seven-eleven nang ipinagbukas ako nito ng pintuan bitbit ang dalawang cup noddles sa tigkabila kong kamay.
Saglit kong ipinatong ang isa sa bubong ng sasakyan at saka ko binuksan ang pintuan niyon. Muli ko iyong kinuha bago ako pumasok sa loob. I shake my head when I see Horris who's still peacefully sleeping on the passenger's seat, crossing his arms, his head is resting on the side window of his car. Ipinatong ko ang cup noddles sa headboard ng kaniyang sasakyan at saka ako marahang lumapit sa kaniya at tinapik-tapik ang kaniyang pisngi.
"Horris." I feel guilty for grabbing him at the bar last night and making him drunk after his class. Ang baba pala ng tolerance nito sa alak!
I know, what I did is really insane, pero siguro nga, nababaliw na ako para gawin ang bagay na iyon. I do trust him, really, but the fear that's growing inside me after knowing that he's getting married that early, that Ate Vaneza lied to him about her favor to cut their relationship, and my dad's eagerness to get them to marry each other...led me to do this.
Nakatatakot na baka malingat lang ako sandali, bigla siyang mawala, hanggang sa maiwan na naman ako.
Gumalaw ang talukap ng kaniyang mga mata. Nagmulat siya at biglang napaayos ng upo. We're in front of his condominium building. Hindi ko alam ang passcode unit niya kaya naman magdamag kaming nandito sa loob ng kaniyang sasakyan. Kinailangan ko pang magpatulong kay Dreasel kagabi na akayin siya dahil masyado siyang mabigat.
"Good morning, love," bati ko nang may malawak na ngiti sa labi. Tuluyan kong napukaw ang atensiyon niya dahil doon. Umayos siya ng upo at humarap sa akin nang may kunot sa kaniyang noo.
"What did you just call me?" nagtatakang tanong niya.
Ngumisi ako nang malawak. "Love."
Nagparte ang kaniyang mga labi dala ng pagtataka. Hindi ko sigurado kung naaalala niya pa ang nangyari kagabi kaya naman inginuso ko ang kaniyang kaliwang kamay dahilan para mapatingin siya roon.
"Oh God." Napasapo siya sa kaniyang noo matapos niyang makita ang singsing sa kaniyang daliri. Mahina akong tumawa. "You made me drunk, and now I woke up married?"
"I have mine too." Ipinakita ko sa kaniya ang kaparehas na singsing, and yes, these were the things that I've bought at the jewelry store last night.
Hindi niya ako makapaniwalang tiningnan. Nahihinuha ko na marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya magawa. "But why? Valerie, this is—damn." Pumikit siya nang mariin.
Unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi. "Pasensiya na kung hindi ko sinabi sa 'yo, baka kasi hindi ka pumayag. Ayaw ko lang naman na maikasal ka sa iba—"
"At sino'ng may sabi sa 'yo na ikakasal ako sa iba?"
Sandali akong yumuko at hindi nagawang tumingin sa kaniya. "I've heard my dad. Gusto ka niyang ipakasal sa ate ko sa lalong madaling panahon. Hindi ba sa 'yo nasabi nina Tita Selma?" Humugot ako ng hangin habang ramdam ko ang diin ng tingin niya. "Pumunta ako sa kompanya namin kahapon, nakausap ko si Ate Vaneza." Tumunghay ako at mariin siyang hinawakan sa braso. "Horris, wala siyang balak na makipaghiwalay sa 'yo. She agreed to marry you, don't you know that? Wala siyang balak na makipaghiwalay sa 'yo; nagsinungaling siya sa pabor na hiningi niya sa 'yo. Horris, hindi—"
"Kaya mo nagawa ito?"
Ginapangan ako ng kaba sa paraan ng pananalita niya at paninitig sa akin. Why do I feel like he's mad? Though, I will understand, pero nilinaw naman niya sa akin kung ano ang nararamdaman niya. He loves me, kaya bakit kailangan na ganiyan ang reaksiyon niya?
"I—I just want to help—"
"Valerie, don't you trust me?" Hindi ako nakasagot. "And what makes you think that I will agree marrying Vaneza? Wala akong pakialam kung iyon ang gusto nila dahil kayang-kaya kong tumanggi, Valerie."
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
Tiểu Thuyết ChungCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...