"Totoong hindi aksidente ang nangyari, pero mukhang walang balak na magsalita ang tatay mo tungkol doon, Miss Villason. Lulusot at lulusot pa rin siya." Genesis hands me his phone where he recorded something.
We're at the nearest restaurant from Dreasel's house, kasama ko si Horris dahil siya lang dapat ang balak na kumausap kay Genesis, ngunit nagpumilit akong sumama. I didn't attend school because my bruises are still visible, kaya nang natapos si Horris sa klase niya nagpasundo ako para sumama. Hindi nakasama si Hayes dahil maraming inaasikaso na hindi ko na tinanong kung ano, malamang ay ang kompanya, o baka may kaso na inaayos.
I play the recorded clip where I hear my father's voice.
"Hindi ba nakarating sa 'yo na matagal nang naimbestihagan ang totoong nangyari at ni isa ay wala silang nakitang suspect dahil napatunayan na aksidente lamang ang nangyari? At ano naman ang mapapala mo sa bagay na 'to? It's been years, Mr. De Guzman and I don't think you have the rights to open the case and meddle with it. Bakit hindi mo sabihin kung sino ang nag-utos sa 'yo ng bagay na ito?"
"I'm afraid it's confidential, sir. Pero kung wala kayong balak na magsalita, mapipilitan kami na muling buksan ang kaso at isiwalat ang totoong nangyari."
"Paano kong sabihin ko na wala rin akong ideya sa nangyari? Hindi ko itinago sa mga pulis ang totoo, ngunit lumabas na aksidente lamang talaga ang lahat, at kung may pinagtaguan man ako ng bagay na 'yon ay tanging sa anak lamang ni Valentina. Masyado pa siyang bata para marinig ang bagay na ganoon." Sandali akong natigilan sa narinig. Kung gano'n ay may alam ang mga pulisya sa nangyari? Masyado pa akong bata ng mga panahon na iyon kaya wala akong lubos na maintindihan, ngunit kung totoo man ang sinasabi niya...ano'ng ibigsabihin ng narinig ko?
"Pero paano n'yo ipaliliwanag kung may nakarinig sa inyo habang kausap ang isa ninyong tauhan, confessing that it wasn't really an accident?"
Nagtambol ang puso ko sa kaba lalo pa't alam kong ako ang tinutukoy ni Genesis na nakarinig ng bagay na 'yon. Nakarinig ako ng mahihinang halakhak sa kabilang linya.
"I see, siya ba ang tinutukoy mong nag-utos sa 'yo na gawin ang bagay na ito?"
"Lumilihis ka sa usapan, Mr. Guilermo." I heave a sigh when I feel the tension's getting higher. "You knew that it wasn't really an accident, pero hinayaan n'yong maisara ang kaso at ipalabas na aksidente? Hindi ba dapat mas nagpursige kayo na maghanap ng hustisya dahil siya ang ina ng anak n'yo? You were with her that time, right?"
I bite my lower lip while waiting for my dad's explanation. He knows that it wasn't an accident; there had been an investigation, but didn't find any possible suspects that leads them to finally decide that it was an accident? Mukha bang nakatatawa ang pagkamatay ng mommy ko? Hinayaan nilang isara ang kaso at gawing aksidente nang walang suspect na nahahanap?
"I left her car before the incident happened. May pinuntahan ako at sumabay lamang ako sa kaniya. Kung tungkol naman sa litrato na may nakasunod na motor sa sasakyan, tauhan ko iyan sa kompanya na sumabay sa akin ng mga panahon na iyon. Wala siyang kinalaman sa nangyari."
"Hindi n'yo pa rin nasagot ang tanong ko kung bakit hinayaan n'yong walang suspect na mahanap."
"At ano'ng gusto mong palabasin? Na may kinalaman ako sa pagkamatay n'ya?" Napakuyom ako ng kamao sa narinig.
"Sinasabi ko lang kung ano'ng nakikita ko."
"Lumayas ka na sa pamamahay ko kung wala ka ng ibang sasabihin. Kung gusto mong maghanap ng hustisya, sa iba ka maghanap. Patay na si Valentina kaya ayaw ko nang halungkatin pa ang kung ano man ang nangyari sa kaniya. Sarado na ang kaso, kaya h'wag mo nang ungkatin pa. Sinasayang mo ang oras ko, hijo."
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
General FictionCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...