I glance at Horris who's sitting on the passenger's seat of my car, crossing his arms while his eyes are closed. Napailing-iling na lang ako bago ko binuhay ang makina ng sasakyan. I know the exact address of the condominium building where he's staying, so I do not bother to ask him about it.
Malapit na kami sa mismong lugar nang naramdaman ko ang paggalaw niya. Inihinto ko ang sasakyan nang naging pula ang traffic lights. Humilig ako sa kaniyang direksiyon. Natagpuan ko siyang nakahilig din at nakatingin sa akin nang seryoso.
"What?" I ask when I suddenly feel uncomfortable. He really has that act to stare intently at someone, o baka mannerism na niya ang tumitig.
"You don't have to do this," saad niya.
Tumaas ang kilay ko.
"Arte mo. Sulitin mo na pagiging mabait ko sa 'yo ngayon dahil baka hindi na maulit."
Napabuntonghininga siya matapos iyon at hindi na lamang nagsalita. Bumalik na lamang ang tingin ko sa kalsada bago nagpatuloy sa pagmamaneho matapos nagsimulang umandar ang mga sasakyan. Nang tuluyan akong pumarada sa parking lot ay muli ko siyang nilingon. Nakapikit na siya habang nakahalukipkip pa rin.
Sinundot ko ang kaniyang tagiliran. Umigtas siya at masama akong tiningnan.
I chuckle. "Nandito na tayo."
Inilibot niya ang paningin sa paligid bago bumalik ang mga mata sa akin. "Uuwi ka na?" tanong niya.
Umangat ang sulok ng aking labi. "I guess, unless you want me to stay. Gusto mo ba?"
Sandali kaming nagkatitigan bago ko nakitaan ng pamumula ang kaniyang tainga. Mabilis siyang umiwas ng tingin at tumikhim. Kinikilig ito, panigurado. Mas lalong lumawak ang ngisi ko.
"Sige, uuwi na ako. Hintayin lang kitang makapasok sa lobby."
"Hihintayin muna kitang makaalis," baling niyang saad sa akin na ipinagtaka ko.
"Hindi p'wede. Ikaw muna. Mamaya mahimatay ka pa r'yan e."
"I'm just sick but I never collapse, V."
Humalukipkip ako at nakaangat ang isang kilay siyang sinipat ng tingin. I really don't know when he's calling me in my full name, and when he's not. O trip niya lang talaga minsan na V lang ang tawag sa akin.
"You go first."
"Paano ako aalis kung nakasakay ka pa?"
Napamaang siya sa tanong ko. Napakamot niya sa kaniyang kilay. "Right."
Natawa na lang ako sa reaksiyon niya. I don't know that he's this adorable when he's sick. E di sana araw-araw na lang siyang may sakit.
Hinihintay kong makalabas siya ng sasakyan nang bigla siyang humarap sa akin at pinaningkitan ako ng mata.
"You're not staying in that boy's unit, are you?" May pagbabanta sa tuno ng boses niya.
Muntik na akong humalakhak dahil kilala ko kung sino ang tinutukoy niya. "Paano kung doon nga ako uuwi?"
Bigla siyang dumukwang papalapit sa akin na medyo ikinalaki ng mga mata ko.
"You're not and you won't."
I grin at him and just shakes my head. Binabakuran niya ba ako? "Oo na, sa mansion ako uuwi kaya bumaba ka na." Tinitigan niya pa ako matapos iyon, kaya ako na mismo ang tumulak sa kaniyang noo. "Sige na. Bumaba ka na."
Napasimangot siya matapos iyon bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Pinanood ko siyang maglakad hanggang sa nakalayo siya nang ilang metro sa sasakyan ko. Roon ko pa lang naisip na lumabas at sumandal sa hood ng sasakyan habang pinapanood siyang maglakad, ngunit hindi pa siya gaanong nakalalayo nang bumaling siya sa direksyon ko bago pumaaywang at tila problemadong-problemado akong tinanaw.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
General FictionCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...