"She broke up with you?"
"I thought you didn't wanna talk about it."
Nagkibit-balikat ako kay Horris habang pinaglalaruan niya ang kamay ko. Nasa loob pa rin kami ng bus.
"Curious lang."
"She left for New York to continue her studies, and so I let her. Who was I to control her if that was her dream?"
"Hindi ka nanghihinayang sa relasyon n'yo noon?"
Kunot-noo niya akong tiningnan na tila hindi siya makapaniwala na itinatanong ko iyon sa kaniya. I mean, he seems to hate Devianna for what she has done. Paano kung hindi umalis si Devianna? Sila pa rin kaya hanggang ngayon?
"I'm not. Sa 'yo naman ako bumagsak kaya bakit ako manghihinayang?"
Ngumuso ako, itinatago ang ngiti sa labi. "Sinabi mo sa kaniya ang tungkol sa 'tin?" Nanunuri ko siyang tiningnan.
Lumingon siya sa akin. "Kailan ba kita itinanggi?"
I halt and part my lips. How can someone love me purely?
"And don't worry about it, we can trust her."
From a mawkish journey to a mischievous one, we ended the two days in Cebu smoothly and eased off. Nagpasalamat ako kay Haley bago umalis para sa ginawa niya sa amin ni Horris. We bought her some of her favorite foods and even some of her beloved stuffed toys. I promised her that if I got the chance, I would visit her and treat her favorite foods.
Kabado ako nang dumating ang weekend dahil iyon ang usapan namin ni Genesis na dapat ay magkikita kaming dalawa. Subalit pagkadismaya ko ay hindi iyon natuloy kaya't tanging sa text ko na lang siya nakausap.
Genesis:
Pasensiya ka na Miss Villason. Nagkaroon lang ng problema. Pakasabi na lang sana sakin kung saang ospital dinala ang mommy mo noon.
That was his last message. Pilit kong inalala kung saan nga bang hostpital iyon. Masyado pa kasi akong bata noon kaya hindi ko masyadong mahinuha ang eksaktong pangalan ng lugar.
In my response, I gave him the specific name of the hospital around Taguig that I could recall. However, when the middle of October arrived, I immersed myself in our midterm examination. Humupa rin naman ang issue ko sa school na mayroon akong asawa na ikinakampante ko.
"Gosh. Hindi na tayo masyadong nakabibisita sa Black Star kasama sina Zera. By the way, nagkikita pa kayo ni Attorney?" tanong sa akin ni Dreasel. It's the last week of the month and we don't have classes due to holidays, hence I decided to visit her.
"Not really. Abala siya sa kompanya nila. Bakit?"
Nagkibit balikat siya. "Wala naman, palaki nga nang palaki ang problema ng kompanya nila ngayon. Narinig ko nga kina Mommy na baka ma-banckrupt na ang COST."
I stop from eating. Confused, I stare at her.
Napaangat siya ng kilay sa akin. "Don't tell me walang nakukuwento sa 'yo si Sir Horris?"
I immediately shake my head. He hasn't mentioned to me anything.
"Gosh! Kinukumusta mo man lang ba 'yang asawa mo kung may problema o wala? Alam mo ba iyong bago nilang issue ngayon?" Muli akong umiling sa kaniya na kaniyang ikinairap. "Alam mo bang may nakababatang kapatid si Attorney na lalaki?"
"I once heard, pero hindi ko pa nakita kahit kailan," I reply, biting my pizza.
"Puro ba lalaki ang mga Costillano? Walang babae sa henerasyon nina Tito Hermes e."
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
General FictionCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...