Kabanata 30

16.5K 364 54
                                    

"Sige na po, tutulungan ko na kayo." 

"Hindi na nga, hija. Baka mapagalitan pa ako ni Ma'am Dreasel kapag nalaman niyang pinaglilinis kita."

"I'll take care of her, Manang. Sige na, turuan n'yo na ako nang matulungan ko naman kayo r'yan."

Pagod akong tiningnan ni Manang Mira habang abala siya sa paghuhugas ng plato.

I am left with them when Tita Paulina and Tito Dencio left. Dreasel's at school, and I don't have anything to do so I just volunteered to help the maids about the household chores. May maitulong man lang ako rito sa bahay nila ni Dreasel. Masyadong nakahihiya kung dito na nga ako kumakain at natutulog, pagkatapos wala pa akong ginagawa.

"Marunong ka bang maghugas ng plato? Baka mamaya makabasag ka lang."

I roll my eyes. "Kaya nga po magpapaturo ako. Sige na."

"Hay naku kang bata ka, kapag talaga nagalit sa akin si Ma'am Dreasel."

"Hindi 'yon." Lumapit ako sa may lababo upang tulungan siya sa ginagawa, ngunit hindi pa dumadait ang kamay ko sa plato nang nakarinig ako ng mabibilis na yabag mula sa sala.

"V!" I glance at the kitchen's door and see Dreasel. Napaangat ang kilay ko sa gulat. Parang ang agap niya naman yatang umuwi, wala pang alas otso ng gabi a?

"Oh? Dumating ka na pala."

"Did you turn off your phone?" Aligaga ang kaniyang hitsura na ikinakunot ng noo ko.

"Hindi ko pa natitingnan simula kaninang umaga, baka lowbat na. Bakit?"

Hinatak niya ako papuntang kabahayan. "Bruha ka! Kanina ka pa hinahanap nung magpinsan sa 'kin! Kanina pa ako tinatawagan ni Kuya Hayes, pinapatanong daw ni Sir Horris kung nasaan ka. Alam na nila na wala ka sa mansiyon, pagkatapos hindi ka pa pumasok. Tinatawagan daw 'yong cellphone mo, pero hindi ka makontak. Ano, balak mong taguan 'yong asawa mo?"

Sumimangot ako at ibinagsak ang sarili sa sofa. "Alam mo naman na hindi ako p'wedeng makita ni Horris na ganito."

My bruises are still visible. Kayanga hindi ako pumasok dahil baka abangan lang ako ni Horris sa kabilang gate. Puwede ko naman siyang taguan sa school, ayaw ko lang na pag-usapan ako ng mga estudyante dahil sa hitsura ko. I never been to school with bruises on my face, so why I will I go? Isa pa ay nandoon si Alec.

"Too late."

Napaangat ako ng tingin sa sinabi niya. "Huh?"

"Nasundan nila ako!"

"Ano?" singhal ko.

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan bago sumilip sa labas ng bahay. Halos manlaki na lang ang mata ko nang nakita ko sa labas ng tarangkahan sina Horris at Hayes. Mabilis akong nagtago sa may pintuan at nakangiwing tiningnan si Dreasel.

"Ba't kasi hindi ka nag-iingat?" Hinampas ko siya sa braso.

"E malay ko ba!"

"Ma'am Valerie, may naghahanap po sa inyo."

Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok ang isang maid kasunod ng mga yabag ng paa mula sa labas.

"Itago mo ako! Itago mo ako!" Hinatak ko si Dreasel; hindi alam kung saan ako magpupunta.

"Aray ko naman! Umakyat ka na lang sa—"

Bago pa siya matapos sa pagsasalita ay mabilis na akong nakatakbo patungo sa may hagdanan; mabibilis ang mga yabag kong umakyat doon. Hindi ako dapat makita ni Horris! Hindi ngayon!

Ngunit bigo ako nang nakarinig ako ng mga yabag sa hagdanan. Sumulyap ako roon. Naghurumentado na lang ang puso ko nang nakita ko ang pigura ni Horris na umaakyat sa hagdanan. Nanlambot ang mga tuhod ko nang tuluyang dumako ang tingin niya sa akin at nasalubong ang matalim niyang mga tingin.

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon