"Sarap 'no?"
kunot-noo akong tiningnan ni Alec matapos ko siyang subuan ng carbonara habang nandito kami sa cafeteria at nagmemeryenda. Parehas kaming vacant kaya rito namin naisipang magkita upang kumain. Bukod pa roon, balak din naming mag-review dahil parehas kaming may exam mamaya sa susunod na period.
"It's fine. But what's wrong with you? You're acting weird." Nanunuri ang mga tingin niya sa akin. Ngumisi ako at sumulyap sa may kalayuang lamesa na katapat lang ng sa amin; there, I see Horris with his co-professors.
Nagtatawan ang iba sa kanila, ngunit ang atensiyon niya ay nakatuon lamang sa akin habang salubong ang dalawang kilay na animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa. Sa tabi niya ay si Ma'am Cecile na kinulbit siya sa tagiliran, nilingon niya iyon sandali ngunit muling bumalik ang tingin sa akin sa kaninang ekspresyon.
I widely grin before I scoop my spoon on the carbonara and directly put it inside my mouth. Iyon din ang kutsura na ipinasubo ko ay Alec. Humalakhak na lang ako nang iritado siyang tumayo sa kaniyang bangko bago nagpaalam sa mga kasama niya at mabibilis ang yabag na naglakad palabas ng cafeteria.
I shake my head while the grin is still on my lips. It's been a week since the day I kissed him. I haven't heard any news about him and Ate Vaneza, but I think they're still together. Nakauuwi ako ng mansiyon, ngunit hindi ko naman matiyempuhan si Ate Vaneza. They're still together, yet he still has the guts to give me that expression? Ano'ng gusto niyang gawin ko? He's the first one who told me that we couldn't be together, but then that day he kissed me back, and now he's giving me an annoying expression whenever he sees me and Alec.
Nagseselos siya? Mamatay siya sa selos!
Hindi pala puwede a. Tingnan natin kung hanggang kailan niya ako kayang tiisin. Damhin niya ang pakiramdam ng naghahabol dahil hinding-hindi ko na iyon gagawin pa sa kaniya ngayon. I'm not forcing him, but if he won't break his relationship with Ate Vaneza despite that he knows the truth, then it's his downfall not mine. I had chosen him a lot of times; I'm not asking him to choose me, I'm asking him to choose where he could be happy, at kung wala siyang plano na gawin iyon, wala na akong magagawa pa.
Alas otso ng gabi nang natapos ang huli kong exam ngayong Lunes. Abala ako sa pagliligpit ng gamit nang nakita ko ang bulto ng katawan ni Alec na naghihintay sa labas ng room habang nakasandal sa railings. Kumunot ang noo ko dahil bihira naman siyang pumunta rito sa room upang sunduin ako kapag uwian na.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya pagkalabas ng silid.
May kunot sa noo na tinapunan niya ako ng tingin. "Bawal ka na bang sunduin ngayon?" pabalik niyang tanong.
Umiling ako. "Hindi, pero sinabi ko sa 'yo kanina na uuwi ako sa mansiyon, 'di ba? Hindi ako makasasabay sa 'yo ngayon."
"Ihahatid kita sa mansiyon n'yo kung gano'n."
Nakaawang ang mga labi na tiningnan ko siya nang may pagtataka. "Alec, have you forgot? I have my own car."
Sandali siyang napahinto roon bago umayos ng tayo at napahuntonghininga. "Next time, don't bring a car, Valerie. P'wede naman kitang sunduin at ihatid na lang."
Medyo naguluhan ako sa gusto niya kaya't naitaas ko ang dalawa kong kamay. "Wait, wait, I'm not going to make you my driver. Bakit kailangan mo akong sunduin kung may sasakyan naman ako?"
"Why not? It's a free drive, Valerie."
I shake my head at him before I begin to walk; ramdam ko naman na nakasunod siya. "Well, I don't need a free drive, Alec. Salamat na lang."
"But-"
"Mauna na ako sa 'yo. Magkita na lang tayo bukas, okay?" I tap his shoulder and head toward the parking lot.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
General FictionCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...