Kabanata 26

14K 413 49
                                    

Mabibigat ang paa na naglakad ako palabas ng lobby hanggang sa nakarating sa paradahan. She's wrong with the thought that she could do it, at sa tingin naman niya hahayaan ko iyon?

"Hi." Bubuksan ko pa lang ang pintuan ng sasakyan nang nakita ko ang bulto ni Dennis na lumapit sa akin. "Vaneza told me before that she really has a step-sister, pero ngayon lang kita nakita. Bihira kang magpunta rito?"

Matalim ko siyang tiningnan nang humakbang pa siya papalapit sa akin. "I don't need to answer your questions. Ang mabuti pa kausapin mo iyong girlfriend mo at kumbinsihin na h'wag magpakasal. Ano'ng klaseng lalaki ka ba?" Umismid ako bago binuksan ang pintuan ng sasakyan at padabog iyong isinara.

Dreasel texts me the exact location of the mall that she's in here in Pasay. Kaya naman dumiretso na kaagad ako roon.

"Alam mo 'yang ate mo hindi makuha sa santong paspasan e," kuwento niya habang abala sa pamimili ng kasuotan. Naikuwento ko kasi sa kaniya iyong pagbisita sa kompanya, and since she's the only person that I'm trusting to share about Horris, ganiyan ang naging reaksiyon niya. "Pero sa tingin ko naman hindi iyon hahayaan ni Sir Horris, 'di ba?"

Sinipat niya ako ng tingin bago ako humalukipkip. Talagang hindi ko madaraan ang kapatid ko sa santong paspasan. "Hindi niya hahayaan," ngumisi ako sa kaniya, "at hindi ko rin hahayaan. Samahan mo ako."

Hinila ko ang braso niya. "Teka, sa'n tayo pupunta?" I don't answer her question until we're finally goes out of the boutique. Napangisi ako nang tuluyan kong natanaw ang tindahan na gusto kong puntahan.

"Ano'ng ginagawa natin dito sa jewelry store? Bibili ka ng bracelet? Necklace?" Mas lumawak ang ngisi ko sa tanong ni Dreasel hanggang sa tumapat kami sa mismong pakay ko. Nanlaki ang kaniyang mata. "Oh my God. V, don't tell me—"

"Just stay and watch me. You'll gonna be our witness."

Hanggang sa nakalabas kami ng mall ay gulat pa rin siyang nakatingin sa akin. "Hindi ko na kaya! Gagawin mo ito for real? I-I mean, V, hindi basta-bastang desisyon iyong gagawin mo na puwede mong i-pull back—"

"Pinag-isipan ko ito, h'wag kang mag-alala."

"Kahit na! Is it legal—"

"I have my lawyer, so don't worry."

"Sino?"

"Si Hayes."

"Kuya Hayes? Gosh! You're a bitch of all bitches!"

"I know," nakangisi kong saad bago ako lumakad patungo sa parking lot. Wala siyang dalang sasakyan kaya sa mismong mansion na lang nila ako huminto.

"Ano naman ito?" Kinuha niya ang brown envelope na nasa likuran ng sasakyan. Hinayaan kong buksan niya 'yon. Naibuga niya ang tubig na kaniyang iniinom. "Ngayon mo gagawin?"

Ngumisi lang ako sa kaniya. "It-text kita mamaya kapag nandoon na kami. Pumunta ka na lang."

Ngumiwi siya sa akin, ngunit kalaunan ay nagpaalam na rin ako sa kaniya. Iniwan ko ang sasakyan ko sa labas ng kanilang tarangkahan dahil plano kong mag-commute. I glance at my wrist watch to check the time. Malapit nang mag-alas otso ng gabi. Palaging alas otso ang labas ni Horris tuwing Sabado kaya hindi ako maiinip na hintayin siya sa may labas ng La Salle.

Kinagat ko ang aking labi nang pumarada ang sasakyan niya sa may hindi kalayuan ng unibersidad. May nakita akong iilang mga estudiyante ang papalabas ng gate. Niyakap ko ang sarili at hinintay ang paglabas ni Horris. Nabuhayan ako ng dugo nang malayo pa lang ay natanaw ko na ang pigura niyang papalabas ng tarangkahan. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at kaagad na tinawid ang distansiya patungo sa kaniyang direksyon. I see the surprise in his eyes when he catches me walking toward him. Nagmadali rin siya sa paglalakad papalapit sa akin hanggang sa sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap. Halata ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko.

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon