Kabanata 21

16.1K 342 32
                                    

Napatakip ako sa aking tainga dahil sa lakas ng palirit ni Dreasel. May kasama pang paghampas ng unan niya sa braso ko!

"So, you mean gusto ka niya noon pa, pero hindi niya lang inamin sa 'yo? And now he admitted that he's in love with you!?"

"I think so," kibit balikat kong saad, pinipilit na patayin ang namumuong ngiti sa aking labi ngunit hindi ko magawa. Buwiset.

Wala naman kasing eksaktong sinabi si Horris, though, that's what I'm thinking, but as much as possible, I don't want to rush things when it comes to him because I know how short-tempered I am. He confessed, yes, but then I'll still want things to fall smoothly, especially since he's still engaged with my sister.

"Ano'ng 'you think so?' He's in love with you, Valerie! Come on!" Muli niya akong hinampas ng unan, gusto kong mairita dahil malapit na akong mahulog sa kama sa kahahampas niya sa akin ngunit tumawa na lang ako kalaunan.

"Tumigil ka nga! Para kang ano r'yan! Ano naman kung in love siya sa 'kin? Fiancee niya pa rin naman si Ate. At saka lang ako maniniwala na kaya niyang panindigan iyong sinabi niya kapag wala na sila ni Ate." He may assured some things to me, but those aren't enough for me to fully believe him.

Hindi na ako ang Valerie na handang itaya ang lahat makuha lang siya. I've been hurt and it's not a simple pain, it somehow traumatizing. Ayaw ko lang na baka sa sobrang asa ko, sa huli ako lang ulit iyong maiwan. 

"Pero nagpahalik ka." Muli siyang tumili matapos iyon kaya siya na ang hinampas ko ng unan.

"Ba't ba ako nagkukuwento sa 'yo? Puro ka naman tili at panghahampas!" saway ko sa kaniya ngunit hindi nawala ang nakalolokong ngisi sa kaniyang labi.

"Ano? Masarap? Mas masarap kay Alec?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inginudngod na lang sa mukha niya sa unan kong hawak. "Ewan ko sa 'yo! Puro ka kalokohan!"

"Sus, pero halata naman. Sa bulto pa lang ng katawan ni Sir Horris, nakahahalay nang tingnan, paano pa kaya kung halikan ka na n'on, hawakan at—"

"Dreasel! I said shut up!" Goodness! Tama ba na nagkuwento ako sa kaniya? Puro kahalayan lang naman ang pumapasok sa kukote niya! I'm expecting her to give me some advices because she's already in a relationship, pero puro kalokohan ang pinagsasasabi niya sa akin!

"Feeling inosente? Nakipag-momol ka na nga kay Alec e."

"So? That doesn't imply that I'm experienced. I'm not, okay?" 

Sumimangot siya. "Does that mean he'll court you kapag naayos na lahat sa pagitan nila ng ate mo?" 

Muli akong nagkibit ng balikat. Wala pa naman kaming napag-uusapan ni Horris, isa pa masyadong komplikado ang sitwasyon. He can't court me nor give his affection in public. Ruining his name isn't in my list. 

"Right. You two are more than complicated."

Hindi ko naiwasang makaramdam ng lungkot sa sinabi niya. "Wala ka namang pagsasabihan, 'di ba?"

She smiles at me and holds my hand. "V, I've been your best friend since high school. You know you can trust me. I'll support you no matter what."

Mapait akong ngumiti sa kaniya bago ako tumango. I may not have a loving family but I have Dreasel and the others who can treasures me as important like a family. Sa tingin ko sapat na iyon para magpasalamat ako kahit papaano.

"Pero paano si Alec?"

"Si Alec?"

"Hindi ba kayong dalawa ay..." Ipinagdait niya ang dalawa niyang kamay na tila may ipinapahiwatig siya sa akin.

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon