I was stuck between running away from him or just staying where I am; his seeing me doesn't change everything, so what's the point of staying anyway?
Napukaw ang atensiyon ko sa kumpol ng mga estudiyante na lumabas sa gate ng MIU para tumawid ng kalsada.
"Hi, sir!""Bye, Sir Horris! Ingat sa pag-uwi!"
Ginamit ko ang pagkakataon na iyon upang tumalikod at makatakbo4 papalayo sa lugar.
"Valerie!"
I continued to run. Ni hindi ako lumingon upang tingnan kung sinusundan niya ba ako o hindi dahil pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon ay magkakaroon ako ng rason para huminto. Kung bakit ang tanga ko! I forgot that I still have bruises on my face! Hindi ito ang oras para makita niya ako.
Hindi niya naman siguro nakita? Masyadong madilim ang paligid; ilang metro rin ang layo niya sa akin kaya kampante ako na hindi niya iyon nakita.
Nang nakakita ako ng maliit na pasilyo na puwedeng pagtaguan ay dumiretso ako roon at doon pansamantalang nanatili. Napasapo ako sa aking dibdib nang nakaramdam ako ng pagod kahit na hindi naman ganoon kalayo ang tinakbo ko.
Pasimple akong sumilip sa labas at nakahinga nang hindi ko siya nakita, ngunit kaagad din akong napatago nang sumulpot ang pigura niya at nagpalinga-linga sa paligid. Bakas ang pagkataranta sa kaniyang mukha, pati na rin ang salubong niyang mga kilay.
I watched him while roaming his eyes around trying to look for something, or probably me. Pero bakit niya naman ako hahanapin? Bakit niya naman ako hahabulin? At bakit nga naman ako tumakbo? Ano naman kung makita niya ako sa ganitong ayos? As if that he cares. Kahit lumuha pa ako ng dugo sa harapan niya, wala pa rin siyang pakialam. He would never care.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Na-miss kita!"
I smiled bitterly when a tight hug from Dreasel welcomed me after she opened their gate. Her face seemed about to cry while checking me. Dito ako dumiretso matapos kong makaalis sa MIU. I didn't want to go home and stuck myself again on the four sides of my room, I didn't have anywhere to go exept for Dreasel's mansion. Sa kanila lang naman ako nagpupunta sa tuwing hindi ko gustong umuwi ng bahay.
"Ikaw naman kasi! Ba't mo pa dinala si Ate Vane sa malalim, ayan tuloy!" she was scowling me until we entered her room. Scowling and crying simultaneously because of what happened to me made me only shake my head.
"Don't overreact. I'm perfectly fine, Dreasel."
"Ano'ng maayos d'yan sa lagay mo? Dito ka na lang kaya tumira? Ano?" Lumapit siya sa akin sa kama at mariing hinawakan ang kamay ko habang nag-aalala ang mata akong sinipat.
I heaved a sigh and just fell my back on her bed. Mariin akong tumitig sa kisame at tila roon lang nabawasan ang bigat sa aking dibdib.
"Para ano? Para maging pabigat dito sa inyo?"
"But what Tito Guilermo's doing to you is unlawful! Valerie, puwedeng-puwede siyang kasuhan sa ginagawa niya sa 'yo!"
"He's still my dad, Dreasel."
"But, V-"
Malamig ko siyang tiningnan na ikinahinto niya sa pagsasalita. "I appreciate your concern, but if I do that who would believe me? My dad has a lot of connections, kahit si Tita Amara takot sa kaniya. Gagawa at gagawa siya ng paraan para hindi masira ang pangalan niya, Dreasel. It's just a waste of time."
"Then just leave your mansion! I can help you, dito ka muna sa amin!"
Napailing-iling ako sa sinabi niya. Kapag ginawa ko iyon, paniguradong ako lang din ang mawawalan. Kay Dad pa rin naman nanggagaling ang allowance ko, at kung lalayas ako sa mansiyon, ano'ng gagamitin ko pangsuporta sa sarili ko? Dreasel's might offer to help me, but that's not what I wanted. Hindi ko gustong maging pabigat, at mas lalong hindi ko gusto ng tulong nang dahil lang sa naaawa siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
Ficción GeneralCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...