Nalasahan ko ang malakalawang na likido sa gilid ng aking labi bago naramdaman ang kamay na marahas na humila sa buhok ko. Kinaladkad ako nito papasok sa mansiyon. Impit akong sumigaw.
"Wala ka ba na talaga ibang gagawin kun'di ang pahiyain ang pamilyang 'to?"
Isang sampal muli ang natanggap ko sa kabilang pisngi. Natumba ako sa sahig. My eyes round while my furious father is in front of me, grabbing my hair with his bloodshot eyes.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito matapos ang ginawa mo!"
Napapikit ako nang mariin sa rahas ng hawak niya sa buhok ko at pinilit na magsalita. "W-What did I—" Muli akong napasigaw nang isa na namang mapalapanit na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko naiwasang maluha dahil sa sakit niyon.
"Guilermo! Itigil mo 'yan! Hindi mo kailangang saktan ang bata—"
"H'wag kang nakikialam dito, Amara!" Matalim akong tiningnan ni Dad. "Hindi ka na talaga natuto! At talagang nagawa mo pang sirain ang relasyon ni Vaneza at ni Horris?" sigaw niya.
Nagulat ako roon. "Hindi ko alam ang sinasabi n'yo. Wala akong ginagawa!" Tumayo ako at hindi siya makapaniwalang tiningnan. Where does he get that?
"Just tell him the truth, Valerie. Drop the act now!"
Bumaling ako sa kaliwang bahagi kung saan ko nakita si Vaneza. My lips part as I unbelievably look at her.
"So, it's you? Kailan ko sinira ang relasyon n'yong dalawa? Aren't you the one who chea—"
"Manahimik ka na! Why can't you just tell the truth that you're having a relationship with him? Kaya nga hindi natuloy ang kasal, 'di ba? H'wag ka ngang umakto na parang wala kang alam!" she exclaims, and my forehead to knits.
Suminghap ako at tumawa nang pagak sa sinabi niya. What the hell? "Wow. Galing mong magbaliktad a. Bakit? Takot ka kay Dad? Takot kang—"
"Valerie!"
"She cheated on Horris kaya nasira sila! Kaya bakit n'yo sa 'kin sinisisi ang lahat?" I glance at my dad for him to hear me. I want him to believe me. Doesn't he know that his daughter is the first one who cheated? O baka nabilog na ang ulo niya sa mga kasinungalingan ni Ate Vaneza?
"Dad, don't listen to her, gumagawa lang siya ng kuwento para pagtakpan ang relasyon niya kay Horris—"
"Dad, it's true! She cheated on him—"
"At ngayon may gana ka pang sisihin si Vaneza?"
I stop, shaking my head, and not wanting him to take Ate Vaneza's side. Bakit ayaw niya akong pakinggan gayong iyon ang totoo?
"Ngayon mo sabihing wala kang relasyon sa lalaking 'yon. Sabihin mo!"
Unti-unting nanakit ang lalamunan ko at hindi nakasagot sa tanong niya. I don't want to answer his question because I don't want him to harm Horris. Totoo naman kasi na mayroon, ngunit ang sisihin niya ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa ang hindi ko kayang tanggapin! Nanira ng relasyon? What the hell! I know that I had broken a lot of relationship, but it is not my intention why they're relationship got ruin!
Oo na! Ako ang dahilan kung bakit hindi pinakasalan ni Horris si Ate Vaneza, but it isn't my fault that she cheated. How dare her to ask Horris to marry her when she's the one who cheated!
"He doesn't love Ate—" Isang sampal muli ang natanggap ko mula kay Dad na ikinalaki ng aking mata.
"You're such a damn disgrace, Valerie! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila? Nakikipagrelasyon sa isang propesor? Nasisiraan ka na ba? Ikinahihiya kita!"
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
Ficción GeneralCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...