"Uy ang tanga mo!"
"Ouch! What?" Masama kong tiningnan si Dreasel matapos niya akong hampasin ng unan.
"Ano'ng what? He's losing his job for you pagkatapos iiwan mo lang?" Pumaaywang siya sa harapan ko habang abala ako sa pagpupunas ng mga luha sa aking mata na hindi na yata hihinto sa pag-agos.
"I-I didn't say I'd leave him!"
"Tanga! E sinabi mo ngang sinungaling ka noong sinabi niyang nangako ka! Ano iyon, nadulas ka lang? Malamang iisipin n'on na iiwanan mo na nga siya!"
"I was just guilty! I am guilty! Mawawalan siya ng trabaho dahil sa 'kin, a-and my dad...he's the one who stole their shares..."
"Tanga mo. Tanga!"
Binato ko pabalik sa kaniya ang unan dahil kanina niya pa ako tinatanga. "Palibhasa wala ka sa posisyon ko!"
"E sino bang naghabol? Sino bang nagpakasal? 'Di ba ikaw? Pagkatapos sasaktan mo lang 'yong tao ngayong nasa 'yo na? Panindigan mo 'yang desisyon mo hoy. Kasal kayo ano ka ba?"
Napatakip ako sa aking mukha at napahagulgol na lamang. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Tuluyang mawala iyong pinaghirapan niya dahil sa 'kin?"
"Of course not! What I mean is, sana hindi ka nagpadalus-dalos. Sana kinausap mo man lang, hindi iyong biglang boom! Nagdesisyon ka na kaagad na iiwan mo siya?"
"Wala nga akong sinabing gano'n!"
"Pero ganoon 'yong ibig mong sabihin sa sinabi mo sa kaniya."
Hindi ako nakaimik at nahihiyang napayuko na lamang. Horris has been calling me since I came here that I ended up turning off my phone. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin.
Ang gulo. Magulo. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Iyong pagkawala ng shares ng kompanya nila dahil sa daddy ko, o iyong unti-unting pagkawala niya sa trabaho nang dahil sa akin. Gosh! I don't know what to think anymore.
"Ano'ng gagawin ko...kapag tuluyan siyang natanggalan ng lisensiya?"
Sandaling natigilan si Dreasel bago siya umupo sa aking tabi at hinawakan ang kamay ko. "I do believe that these things are just the start of your struggles with him. H'wag mong isipin ang mga negatibong posibilidad. Isipin mo kung ano 'yong magagawa mo para sa kaniya, at iyong mga kayang gawin mo para sa inyong dalawa." She taps my head, giving me a weak smile. "You've done a lot for him, and so he is for you. Payo ko lang na h'wag mong sayangin. Hindi ko alam kung sa ano'ng paraan, pero ikaw lang ang makakaisip n'on. Don't runaway from it."
She leaves me in her room to ponder my own thoughts. Sinipat ko ang cellphone na hawak at naihaplos ang kamay roon. Natatakot ako na kapag binuksan ko iyon ay magkaroon ako ng rason upang sagutin ang mga tawag ni Horris; upang muling magpadala sa kung ano'ng gusto ng puso ko kaysa kailangang gawin ng isip ko.
Pinakalma ko sandali ang sarili bago lumabas sa kuwarto at tumungo sa sala.
"Saan ka pupunta?" si Dreasel nang nakasalubong ko siya sa may hagdanan.
"Babalik ako sa mansion."
"Per—"
Hindi ko pinakinggan ang mga sumunod niyang sinabi dahil nagdire-diretso ako sa paglabas. If I want to fix these things, I need to make a move. Hindi ko alam kung sa paanong paraan, basta ang alam ko gusto kong maging maayos ang lahat.
"M-Ma'am Valerie?"
Pabalang kong itinulak ang tarangkahan ng mansiyon, hindi pinapansin ang gulat na hitsura ng guard.
"Nasa'n si Daddy?"
"Ma'am—"
Sinubukan akong pigilan ng guard, ngunit masama ko itong tiningnan. Wala akong pakialam kung mugto ang mga mata ko sa kaiiyak, o kung mukha akong naka-drugs sa paningin niya. Si Daddy ang gusto kong makausap!
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
Ficción GeneralCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...