"Magkakilala kayo?" I ask Horris when we're already inside his car.We were supposed to eat our dinner, but I was surprise when he dragged me out of the restaurant and told me that we should just go. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa iyon, ngunit base sa reaksyon niya ay dahil sa babaeng nakabunggo sa akin.
"Her family is a closed friends of ours." Tinitigan ko siya nang humigpit ang kapit niya sa manibela habang seryosong nakatingin sa kalsada. Napaangat ang kilay ko. What's with his expression?
"Talaga? What's her full name?"
"Devianna Castillo."
"Ah." Napatango-tango ako bago bumalik ang tingin sa kaniya. "Iyon lang? Wala ng iba? Family friend lang?"
I shift my gaze toward him and observe his expression. His jaw clenches before he takes a glance on me; kita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata niya na magsalita kaya muli ko siyang tinaasan ng kilay.
"She was my...first girlfriend. Noong college."
Bumaba ang kilay ko at nag-iwas ng tingin bago nagsalubong ang dalawang kilay. An annoying feeling escape my system upon remembering the looks of the woman earlier. Sa tingin ko ay ka-edad lang din siya ni Horris. So, before I met him he had a girlfriend? She's his first ex? At talagang second name basis pa ang tawag sa kaniya!
"Are you mad? Wife, that was before."
"Mukha ba akong galit?" pabalang kong tanong sa kaniya at saka umismid.
"Where's your ring?" tanong niya nang napansin niyang hindi ko iyon suot. Inilabas ko ang suot kong kuwentas.
Huminga siya nang malalim. Hindi na ako nagsalita pa sa buong biyahe hanggang sa nakarating kami sa mismong tapat ng apartment. Ako ang pinakaunang lumabas sa aming dalawa at hindi na siya hinintay pa na pagbuksan ako; nauna ako sa compartment, ngunit bago ko pa iyon mabuksan ay nauna na siyang gawin iyon at saka kinuha ang binili namin kanina.
Tiningnan niya ako; hindi ko na iyon pinansin dahil nauna na akong umakyat sa hagdanan. Napansin ko ang ilang mga kababaihan na nasa first floor na mga nakasilip sa bintana, at ang iba ay nasa labas na ng pintuan.
"Sino 'yon? Ang g'wapo!"
"Kasama nung bagong tenant. Baka kuya niya."
Muntik nang mag-usok ang ilong ko sa narinig kaya tinapunan ko ng masamang tingin ang nagsalita niyon. Huminto ang mga ito.
"Excuse me, he's my husband. Mga tsismosa." Inirapan ko sila bago bumaling kay Horris na nasa taas pa rin ang tingin. "Tatayo ka na lang ba r'yan?" iritado kong tanong. Buwiset na nga ako kanina simula pa sa mall, pagkatapos dadagdagan pa ng mga tsismosang tenant!
"May mga lalaki rito?" tanong niya.
Umikot ang mga mata ko. "Obviously!" Alangan namang puro babae lang ang magrenta rito e apartment nga! Mabuti sana kung dormitoryo ito na nakahiwalay ang babae sa lalaki. Tss.
"At pinili mo rito kahit may mga lalaki?"
Hindi ko pinansin ang tanong niya na may halong inis dahil mabibigat ang mga paa na nagmartsa ako papaakyat ng hagdan.
"Valerie!"
Kinuha ko ang susi sa bulsa ng aking pantalon at saka binuksan ang pintuan ng apartment, hindi pa rin siya nililingon.
"Valerie, nakikinig ka ba? May mga lalaki kang kasama rito!"
Pumihit ako paharap sa kaniya at kunot noo siyang tiningnan. "H'wag ka ngang OA! Nasa third floor sila! At saka apartment nga, 'di ba? Kaniya-kaniya kami ng room!"
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
General FictionCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...