Kabanata 40

14.9K 286 30
                                    

Gawking, fidgeting feet, tears falling, hands becoming cold, and terror. That's exactly how I felt after Horris was rushed into the operating room. Nakailang bulong na ako sa sarili na sana maging maayos ang operasyon habang nakaupo ako sa waiting area at hindi magawang makagalaw. I'm scared. Ayaw kong isipin ang mga negatibo na puwedeng mangyari, ngunit hindi ko maiwasan.

Paano kung hindi maging matagumpay ang operasyon? Paano kung magkamali ang mga doctor sa trabaho nila? Paano kung hindi kayanin ni Horris? Paano?

"Kasalanan mo ito. Kasalanan mo!"

"Tita!"

Tahimik akong humibi nang hilahin ni Tita Selma ang buhok ko. Mabilis namang inaksyunan iyon ni Tito Hermes, habang si Hayes naman ay lumapit sa akin upang alalayan ako.

"Selma, maghunos dili ka!"

"Paano, Hermes? Kung hindi dahil sa babaeng 'yan hindi mababaril ang anak natin!"

Wala ako ibang nagawa kung hindi ang maiyak dahil alam akong iyon naman talaga ang totoo. Ako dapat iyon e. Ako dapat iyong natamaan ng bala at hindi si Horris, ngunit masyadong mabilis ang pangyayari na hindi ko na nasundan pa.

"Tita, tama na. Hindi magugustuhan ni Horris kapag—"

"Isa ka pa, Hayes! Ano'ng klaseng pinsan ka ba? Akala mo hindi ko alam ang pinaggagawa mo? At talagang kinonsinte mo pa ang babaeng ito para pilitin sa isang kasal si Horris?"

Yumuko si Hayes; hindi makatingin nang diretso kay Tita Selma.

"T-Tita, it's my fault. I-I'm s-sorry—"

"Ano pang magagawa ng sorry mo? Nakita mo na ang nangyari? Napahamak ang anak ko nang dahil sa 'yo!"

Lumihis ako ng tingin, hindi na alam kung ano'ng klase pa ng paliwanag ang gagawin ko. Alam ko, malinaw naman sa akin na kasalanan ko ang lahat, kaya ano'ng karapatan ko na sagut-sagutin at ipagtanggol ang panig ko kung alam ko sa sarili kong ako ang may kasalanan?

"Kung sa iba pa sanang pagkakataon mapapatawad kita. Valerie, I adored you so much. You’re a great woman, but then, what is this? Itatali mo ang anak ko sa 'yo? Para ano? Para ipahamak mo lang? Ano ba'ng pinakain mo kay Horris at hindi ka niya mabitaw-bitawan? Sinisira mo lang siya, Valerie!"

Itinakip ko ang mga kamay sa aking mukha dala ng sobrang kahihiyan, pinipigil ang humikbi. "T-Tita, mahal ko po si Horris—"

"H'wag." Malamig niya akong tiningnan. "H'wag na h'wag mong gagawing rason sa harapan ko ang pagmamahal mo sa anak ko lalo na kung pinilit mo lang na mahalin ka niya."

Para akong sinaksak sa mga ibinato niyang salita.

"Kung mahal mo ang anak ko hindi mo siya ipapahamak, Valerie, hindi katulad ng ginawa mo."

Suminghap ako, naninikip ang dibdib. I never want to think that way. Alam kong pinilit ko si Horris na pakasalan ako, pero ayaw kong isipin na baka pinilit ko rin siyang mahalin ako. Pinilit ko nga ba siya? O kusa niya iyong ibinigay? Hindi ko na alam. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano dahil mas gusto kong isipin na bukas o sa makawala magiging maayos na siya. Na magigising siya, na magiging maayos na muli ang lahat.

"Hayes, maaari bang lumabas muna kayong dalawa? Masyado pang mainit ang ulo ni Selma."

Tumango si Hayes bago niya ako sinipat ng may pagtatanong. Nang hindi ako gumalaw sa aking puwesto ay bumuga siya ng hangin at saka hinawakan ang braso ko upang hatakin ako palabas. Ngumiwi ako nang naramdaman ang kirot sa aking talampakan. Ngayon ko lang din napagtanto na naitapak ko iyon sa mga bubog kanina.

"H-Hayes." Huminto ako sa paglalakad.

Bumaling siya sa akin at bumaba ang tingin sa mga paa ko.

Wala akong ideya kung paanong hindi ko na iyon nagawang mapansin kanina o naramdaman man lang, siguro dahil masyado na akong walang pakialam dahil mas importante sa akin ang buhay ni Horris kaya't nakaya kong tiisin ang sakit. At ngayong nakapahinga ako sandali, roon ko lang naramdaman ang mga sa sakit na iniinda ko sa katawan.

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon