Kabanata 39

14.7K 337 27
                                    

I wake up sensing the radiance that's hitting my eyelids. An opened curtains of the window welcomes my sight. Tiningnan ko ang sarili at napansin na nakahiga ako sa isang malambot na kama, suot ang dating damit.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa isa akong silid, ngunit hindi iyon pamilyar sa akin. Pumailanlang ang utak ko sa pag-iisip sa kung ano ba ang nangyari. Hinilot ko ang aking sentido at nakapa roon ang bakas ng natuyong dugo. It stings so badly that I almost swore when I tried to pinch it.

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng aking pantalon, subalit nadismaya ako nang wala na iyon doon. How long I've been here? At sino ang kumuha sa akin?

Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa pintuan upang buksan iyon. Hindi iyon nakakandado na ipinagtaka ko. Bumugad ang tahimik at maliit na pasilyo. Kumiling ako sa kaliwa at sinimulan iyong tahakin, palinga-linga sa paligid, bagaman ni isang tao ay wala akong nakita.

It looks like a two story house. Nang may nakita akong hagdanan paibaba ay hindi na ako nagdalawang isip pa na tahakin iyon. My feet lead me into the house's small living room, but what draws my attention is the man sitting on the sofa across from a wooden table, holding a newspaper in his hand.

Natigilan ako at hindi makapaniwalang sinuri ito ng tingin. "Ano'ng ginagawa ko rito? You abducted me?"

Hindi siya nag-angat ng tingin at prente pang binuklat ang pahina ng diyaryo na hawak. "You're my daughter, and I think I do have the right to take you away from that professor."

Nanggitgit ang mga ngipin ko.

Matapos niyang sabihin sa akin kung gaano ako kawalang kuwentang anak, at kung gaano niya pinagsisisihan na naging anak niya ako sasabihin niya sa akin ang mga kataga iyon?

"Bakit n'yo ninakaw ang shares nila?" malamig kong tanong sa pagitan ng nag-aalab kong galit para sa sarili kong ama.

"It's called business, Valerie. I have invested a lot in their company. Natural lang na dapat sa akin mapunta ang pinakamalaking shares, hindi ba?"

"What are you really planning, Dad? Kaya ba gustong-gusto mong maikasal si Vaneza kay Horris para mapasaiyo ang kompanya nila? You're stealing their company! Ano'ng klaseng gawain n'yo 'yan?"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Seryoso niya akong tiningnan na mas nagpasiklab sa aking galit.

"I have a proposal to make. Hahayaan kita kay Horris kung 'yon ang gusto mo, iyon ay kung ititigil ng mga Costillano ang paghahanap sa akin at planong pagpapakulong."

I grit my teeth, shaking my head. "What the hell is wrong with you? At bakit ko naman gagawin 'yon? Nagnakaw kayo at kailangan n'yo 'yong pagbayaran!"

"Pinaghirapan ko 'yon kaya bakit ko 'yon sisirain?"

Napaatras ko nang marahas siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at nanlilisik ang mga mata na lumapit sa akin. Suminghap ako nang marahas niyang sinapo ang aking pisngi gamit ang isa niyang kamay.

"Wala ka ba talaga ibang gagawin kung hindi ang makialam? Akala mo hindi ko alam ang pinagagagawa mo kasama ang mga Costillano at ang Genesis na 'yon?"

Hindi ko naiwasang mapaluha at mapangiwi dahil nararamdaman ko ang pagbaon ng kaniyang kuko sa tigkabila kong pisngi. "H-How could you do this to me?"

Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang maintindihan kung bakit ganito siya, kung bakit hindi niya ako magawang ituring na anak. Alam kong matigas ang ulo ko, isang kahihiyan, at walang kuwenta para sa kaniya, pero paano niya nagagawa na pagbuhatan ako ng kamay gayong parehong dugo niya ang nanalaytay sa katawan ko?

"Ilang taon kitang pinagtiisan na disiplinahin, ngunit hindi ko akalain na susunod ka rin pala sa yapak ng walang hiya mong ina." Marahas niya akong itinulak na aking ikinaatras. "Gusto mong malaman ang totoo kaya ka nagpaimbestiga, hindi ba?"

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon