Kabanata 12

15K 395 19
                                    

I didn't know how that year ended so peacefully. Iyon na nga yata ang pinakamahabang taon na hindi ako nakatanggap ng kahit na ano'ng bugbog sa tatay ko, though, he's rarely here at the mansion. Abala siya sa kompanya para i-guide si Ate Vaneza sakaling ito na ang mag-manage niyon—which I am thinking that would happen this year.

My relationship with my sister didn't change after that night of her graduation. I never talked to her, ganoon din siya. There were times that she's asking me about random things that I'd only answer with a word or a shrug. And Horris? I don't know, I haven't seen him since that night. Mas mabuti na rin iyon, ayaw ko nang alamin kung ano'ng ginagawa niya sa buhay. Malamang nagtuturo, nag-aaral, at nakikipaglandian sa Ate ko. Tsk.

Eric on the other hand, he left early a week after Ate Vaneza's graduation. Hindi rin naman ito puwedeng magtagal dahil sa New York ito nag-aaral sa ngayon.

"Are you sure you didn't want to celebrate your 18th birthday? What theme do you want? Kami na ang bahala ng daddy mo ro'n." One dinner night at our dining area when Tita Amara asked me that. Siya lang ang kasabay kong mag-dinner ngayon dahil sina Dad at Ate Vaneza ay abala ngayon sa kompanya.

"I'm fine celebrating with my friends. Besides, isn't the ford mustang that he bought his gift?"

Tita Amara nodded. Hindi ko na sinundan pa iyon ng anumang tanong. "Sayang naman. May kasabay pa namang event ang birthday party mo sana."

Napahinto ako sa pagkain at nagtataka siyang sinuri. "Event? What kind of event?"

She sweetly smiled before she shook her head and continued eating. Hindi na lang din ako nagtanong pa at nanahimik na lang.

But the next word that she said made me freeze.

***

"You brat! It's your 18th birthday! Bakit hindi ka pumayag sa alok nina Tita at Tito kung ano'ng gusto mo?"

Iritado kong tiningnan si Dreasel habang abala kaming kumain dito sa canteen. "One minute you hate my dad, ngayon sasabihin mo na dapat i-celebrate ko ang birthday ko? Ayos na ako sa sasakyan na binili niya para sa akin. Besides, walang saysay ang celebration kung hindi ko rin mae-enjoy." Sayang lang ang gastos.

"Ako unang isasakay mo a? OMG! I'm so excited! Ako rin sana regaluhan nina Mommy ng sasakyan! I'm turning 18 na rin sa October! Dapat nandoon ka!"

"Oo na. Kamusta kayo ni Vion?"

"He's courting me."

Muntik ko nang maibuga ang iniinom sa narinig. "Are you serious?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" 

I winched at her and just took a bite of my pizza. 

"Alam mo akala ko ikaw ang mauunang magka-boyfriend sa ating dalawa, pero ako yata!" Humagikgik siya matapos niyon na ikinalala ng pagkangiwi ko. This girl. "Sa'n ka na sa college?"

"Saan pa ba? Sa MIU lang naman ako gustong papasukin ni Dad."

Lumungkot ang mukha niya sa sinabi ko. "Sa Brent na ako. E di pa'no 'yan? Nandoon si Sir Horris!"

"And so?"

"Ano'ng and so? Alam kong hindi ka pa nakakapag-move sa kaniya, at malaki ang posibilidad na hindi ka nga maka-move on kapag doon ka pumasok."

"Moving on my ass." I only liked him, that's it. Wala na akong pakialam sa kaniya ngayon.

I engrossed myself with the remaining months in my senior year. Maraming requirements na kailangang ipasa kaya wala na rin ako ibang ginawa kung hindi ituon ang atensiyon ko roon hanggang sa dumating ang graduation ceremony namin ni Dreasel. Nagulat pa ako nang um-attend si Dad upang samahan ako sa pagkuha ng diploma. I didn't expect him to be there, noon kasing junior ay hindi siya pumunta, so I expected him that he wouldn't attend too because he's too busy.

The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon