Always the villain, and never been a damsel in distress.
But then who was I to blame when that was what I wanted in the first place? Ang makitang malakas at hindi kaawaan ng kahit na sino.
But for once, I wished that someone could save me too; discover the real me behind the mask that I was wearing.
Napaimpit ako ng iyak nang isang marahas na sampal muli ang tumama sa aking pisngi. Napaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang pisngi sinampal ni Daddy.
"Guilermo, stop it already! Hindi niya ginusto ang nangyari! She already said sorry to us and to Vaneza!"
"At ano? Hayaang maging matigas ang ulo nito? Vaneza almost died because of her stupidity! Kung hindi pa dumating si Horris doon para sagapin si Vaneza, magiging malamig na bangkay siya ro'n!"
"But this wis just too much! Kung ipagpapatuloy mo 'yan, baka iyang anak mo naman ang mapatay mo!"
I screamed when he pulled my hair and slapped me again on the other side of my face. Hinang-hina na ang dalawang tuhod ko, masakit na rin ang mga galos ko sa pisngi at labi dahil sa mga luhang patuloy na umaagos papunta roon. I whispered countless times for him to stop, but he didn't. I am exhausted. Sobrang sakit na. Sobrang sakit na parang gusto na lang pumikit at hayaan na lang ang katawan kong maglupasay sa sahig.
"At ngayon nakikialam ka na? Don't meddle here, Amara. Alam mo kung ano'ng puwede kong gawin."
"Pero, Guilermo—"
"Out of here, Amara!" Narinig ko ang malakas na kalabog ng pintuan na siyang ikinapitlag ko.
Isang sampal pa ang sana ay tatama sa akin, ngunit mabilis kong isinangga ang mga braso ko dahilan para tumama ang kamay roon ni Daddy. "Tama na! Tama na! Please!"
Napangiwi ako nang marahas na hinila ni Dad ang aking buhok at nanlilisik ang mata akong tiningnan. "Hindi ka pa rin talaga nagtatanda! Manang-mana ka sa nanay mong matigas ang bungo!"
Marahas niya akong itinulak na ikinatumba ko nang tuluyan sa sahig. Napahagulgol na lang ako habang namimilipit sa sakit. If he's tired of raising me, why can't he just kill me? Tutal halos patayin niya rin naman na ako, bakit hindi niya na lang ako tuluyan?
"J-Just damn kill me..."
"Para ano? Para sayangin lahat ng mga luhong ibinigay ko sa 'yo? Ibinigay ko sa 'yo lahat ng pangangailangan mo, Valerie! Hinayaan kitang gawin ang lahat ng gusto mo! Pagkatapos ito lang ang igaganti mo sa 'kin? Ang katigasan ng ulo! Pagiging sutil!"
I firmly closed my eyes when he was about to hit me again. I waited for him to do it, but he didn't. Nagmulat ako ng mata at nakita ang na kaniyang nakakuyom na mga palad habang nanlilisik na nakatingin sa akin.
"Manatili ka rito sa kuwarto mo. Carolina!"
Napatakip na lang ako ng kamay sa aking mukha nang narinig ko ang malakas na pagsarado ng pintuan kasunod ng pagkandado niyon. I tried to hide my sobs, but they only made me to feel the burden on my chest. Naninikip ang dibdib ko sa hagulgol na halos kapusin na ako ng hininga habang tinitiis ko ang sakit na iniinda ko sa aking likuran.
Though, I couldn't blame my father if he was this furious. It was my fault because Ate Vaneza almost got drown, but I didn't mean to do it. Yes, I hated her, but not to the point that I wanted her gone. And if wasn't for Tita Amara, baka nakita na ng karamihan kung gaano kalupit sa akin ang tatay ko. Tita Amara asked me to fly back here in Manila after my father found out what happened. He's furious and was searching for me. At ngayong umaga kung kailan nakauwi sila rito ay ganito ang bumungad sa akin, bugbog mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Resentment (Costillano #2)
General FictionCostillano #2 (Professor x Student) Since her junior days, Valerie Villason had done everything to despise girls away from Horris Alonzo Costillano; that gorgeous grumpy professor. She chased him until she learned that the professor she admired got...