SIMULA

4.5K 105 30
                                    

SIMULA

Ang kanyang pagtakbo ay nagpalingon sa isang ginang na abala sa may sala. "Anak, baka madapa ka niyan."

"Mama!" Nakangiting sambit niya at lumapit sa kanyang Mama para magmano at halikan sa pisngi, "Si Papa? Is he home?" Excited na tanong niya habang malapad ang ngiti dahil sa litaw ang kanyang perpektong mga ngipin na mapuputi.

Humalakhak ang kanyang ina at inayos ang buhok niya na bahagyang nagulo, "He's in our room."

Napatili siya at kaagad nagpaalam para puntahan ang kanyang ama. "Papa!" Sigaw niya at napakislot ang kanyang Papa dahil sa boses niya. "Pa!"

Lumapit siya sa kanyang Papa at niyakap nang mahigpit, dahil sa lakas niyon at klase ng pangangatawan meron siya ay muntikan nang mawalan ng balanse ang ama at napahalakhak.

"Hello, gumdrop. You have good news to me?"

Tumango-tango siya atsaka naupo sa may malaking kama, ganun din ang ginawa ng kanyang ama. Binuksan niya ang kanyang bag atsaka nilabas doon ang isang envelope ngunit bukas na. "Here po, Pa."

Her father smiled at her then took the envelope. Inabangan niya ang reaksyon ng kanyang ama habang binabasa ang sulat. Kaagad lumingon ang kanyang ama na tuwang-tuwa.

"My Sadie Gwynn! Is this real? Champion in an international photography contest?"

Tumango-tango si Sadie, "Yes, Papa! I won!"

"Wow." Napatingin ulit ang kanyang Papa sa sulat at binasa ulit iyon. "It's real. Sadie Gwynn O. Madrid, champion."

Humalakhak si Sadie at yumakap sa gilid ng ama, "You happy, Papa?"

Nilingon siya ng ama, "Of course, gumdrop! I'm very happy!"

Pagkatapos sa kanyang Papa ay binalita rin niya sa kanyang ina, kapatid at iilang mga malalapit na kamag-anak ang pagkapanalo niya sa isang competition. It's an international photography contest held in her school. Naisip niyang sumali, pero hindi naman niya sukat akalaing masusungkit niya ang first place.

"Sadie, ang galing mo! Natalo mo pa yung sa college department?" Salubong ng kanyang kaklase habang naglalakad siya sa may corridor.

Ngumiti si Sadie, "Thank you. Di rin nga ako makapaniwala."

Lumabi ang kanyang kaklase, "Ang humble mo. Kaiyak."

Nginitian niya na lang ang kaklase atsaka na pumasok sa classroom. Pagkapasok niya ay napakislot siya dahil sa biglang pag-pop at pagsaboy nang maliliit na confetti.

"Congratulations sa chubby naming best friend pero talented!"

Pabiro siyang umirap nang makita ang dalawang lalaki na may bitbit na mini sans rival cake, ang paborito niyang cake.

"Uy, naglalaway ka na. Aga pa, kakaalmusal lang ah." Pang-aasar ng isa niyang kaibigan sabay halakhak naman ang isa.

Inis na hinampas niya ang dalawa. "Aray! Parang tatlong beses akong hinampas." Reklamo nung unang nang-aasar sa kanya.

"Ugh, ibibigay niyo ba sa akin 'yan o hindi?" Tinignan niya nang masama ang kaibigan.

Tumawa ang lalaking may hawak ng cake, "Stop that now, Brody. Here, Sadie." Nakangiting inabot ng lalaking iyon ang cake. "Congratulations."

Masayang tinanggap ni Sadie ang cake, "Thanks, Cal!"

Kaagad silang pumunta sa upuan. Siyempre kaagad nilantakan ni Sadie ang regalong cake ng kanyang dalawang kaibigan.

HRS7: The Noble's Irresistible Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon