16 (SPG)
Inaasahan ni Sadie na pagkagising niya kinaumagahan ay katabi pa rin niya si JM, ngunit pagkagising niya ay wala ang kanyang asawa sa pwesto niya kagabi.
"Was it real? O nananaginip lang?" Napahawak siya sa kanyang labi. "We kissed and he ..."
"...you can break it as many times as you want, but it would still work ... it will still love you all over again."
Panaginip nga rin kaya na narinig niya iyon mula sa bibig ni JM?
"Relax, Sadie. Remember what he said to Kuya Fred." Sambit niya sa sarili habang nakatingin sa salamin sa loob ng banyo. "Ugh, he's confusing me so much."
Lumabas na siya sa banyo atsaka na bumaba para makakain ng almusal. Pagkababa niya ay kaagad namang tumayo si Kyle na naghihintay sa may sala.
Pagkaharap ni Kyle sa kanya ay natigilan ang binata sa kanya at pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan.
"Hi, good morning!" Lumapit pa siya kay Kyle na titig na titig pa rin sa kanya. Sadie snapped her fingers and laughed, "Huy, okay ka lang?"
"Sadie, masyadong maiksi ang suot mo. Magpalit ka muna."
Napagtanto ni Sadie na nakasuot siya nang maiksing dolphin shorts at loose tank top. "Pero dito lang naman tayo sa bahay. Di ba? Darating sina Pearl at Apple?"
Napahilot sa kanyang noo si Kyle at humakbang paatras. "Kahit na. Sige na, magpalit ka muna, Sadie."
Ngumuso naman si Sadie, "Okay." Pumihit na siya patalikod kay Kyle at muling bumalik sa kwarto para magpalit ng isang denim shorts at itim na button down shirt na cotton upang hindi siya mainitan.
"Ayan, okay na ba?"
Ngumiti si Kyle, "Kumain ka na."
"Eh ikaw? Sabayan mo 'ko."
Tumango-tango si Kyle atsaka siya sinabayan ulit sa pag-aalmusal. "Alam mo, ever since JM and I got married, isang beses ko pa lang yata siyang nakasamang mag-almusal."
"Talaga?"
Sumimangot si Sadie habang gigil na hinampas-hampas ang hawak na kutsara sa mangkok na naglalaman ng vegetable and beef fried rice na ginawa ni JM. "Then sasabihin niya sa akin mahal niya 'ko? Di ba kapag love mo dapat laging may oras sa'yo?"
Muntik mabilaukan si Kyle, "A-Ano?"
"Right, I haven't told you. Kagabi, bago kami matulog, sinabi niya sa akin na in love daw siya sa akin ten years ago, at hanggang ngayon daw in love siya sa akin. What a liar, right?"
Hindi nakaimik si Kyle kaagad, "Anong naging reaksyon mo?"
Bumagal ang pagnguya ni Sadie sa pagkain, "Wala. Nabigla ako, Kyle. Ang hirap maniwala."
Tumango lang si Kyle sa kanyang sagot, "Naiintindihan kong nalilito ka pa. Alas sais ng umaga, tinawagan na ako ni Mayor at pinapunta rito. Ngayon kasi iyong simula ng tree planting project niya, kailangan siya roon."
"See? He did not even tell me. Paano ako maniniwala sa kanya? Pinakasalan niya ako tapos iniiwan lang naman ako rito." Pinuno niya ang bibig ng pagkain at hinayaan lang siya ni Kyle na sumimangot.
Pagkatapos kumain ay pumunta muna siya saglit sa kanyang Lolo Oscar para magpaalam sa kanyang mga magulang na babalik na sa Manila.
"Mama. I'm going to miss you." Yumakap siya sa kanyang Mama Margie.
"Alagaan mo ang asawa mo, hmm? Sana maaya mo siyang dumalaw sa Manila kapag hindi siya gaanong busy sa trabaho."
Tumango si Sadie, "Opo, Mama."
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...