10
Hinihingal na yumuko siya habang ang mga palad ay nakapatong sa kanyang mga tuhod. Tagaktak ng pawis ang kanyang noo at leeg.
She checked her Apple watch to check how many minutes it has been. "Five minutes pa lang 'yon?" Di makapaniwalang sambit niya.
Alas sais ng umaga ay napagpasyahan niyang simulan na ang pag-jogging. Nakakalimang minuto pa lang siya pero kung pagpawisan at hingalin siya ay parang isang oras na ang kanyang inilaan.
"This is not really easy, geez." She tapped the wireless earbuds on her ear and she started to jog while listening to some music.
So far she's enjoying doing this thing and she really hopes she will be consistent. Balak nga niya ay pagkatapos ng Christmas break ay magsisimula na siyang magtrack ng kanyang calories.
Natigil siya pagtakbo dahil sa may tumatawag sa kanya. "Hello?"
"Where are you Ate?"
"Still doing some jogs. Why?"
"Breakfast is ready, susunduin niyo pa si Papa."
"Ngayon na ba siya susunduin?" Hindi niya namamalayang iyon din pala ang araw na susunduin nila sa Dipolog Airport ang kanyang Papa Malcolm.
Humalakhak si Calvin, "Yes, Ate. Umuwi ka na."
"I will. Thanks, Calvs." Tumakbo siya palapit sa bench kung nasaan ang kanyang tumbler atsaka na nagpasyang umuwi sa kanila.
Habang papalapit na siya sa kanilang bahay ay parang gusto niyang tumakbo papalayo dahil nakita niyang pumasok si JM sa kanilang maliit na gate.
"Shit."
Ayaw niyang makita o makausap man lang si JM dahil sa nangyari kagabi. Todo simangot naman siya, "Ano naman kayang kailangan nun?" Tanong niya sa sarili at napabuntong-hininga na lamang, "As if I have a choice, atsaka house kaya 'to nina Lolo Oscar."
Hinanda niya ang sarili atsaka na rin pumasok sa kanilang bahay. "I'm home!" Masigla niyang sabi nang makitang nasa hapag-kainan na silang lahat at nandoon si JM.
Makikikain pa? Ang kapal ng mukha ng gwapong 'to! I mean, ang kapal nitong si Kuya JM!
Nakita niyang napatingin si JM sa kanya, pero iniwas niya ang tingin at naupo sa tabi ni Calvin.
"Hinahanap ka ni JM, anak." Bungad ng kanyang Mama Margie.
Humigpit ang hawak niya sa kubyertos at walang nagawa kung hindi lingunin si JM na kanina pa nakatitig sa kanya simula ng siya ay dumating. "Bakit mo 'ko hinahanap?" Tanong niya at pigil niyang magtaray.
Nangunot ang noo niya dahil sa titig na titig si JM sa kanyang mukha patungo sa kanyang leeg. "You're sweating."
Napatingin pa sa leeg si Sadie na akala mo naman ay makikita niya ang nagpapawis pa niyang leeg. "Nagjogging ako." Tipid niyang sagot atsaka nilingon ang kanyang Lolo Oscar. "Lolo, ano pong food gusto niyo?" Nakangiting sambit niya.
Humalakhak ang kanyang Lolo Oscar, "Hindi talaga ako kinakalimutang asikasuhin ng aking apo. Ikuha mo na lang ako ng morcon, itlog at sinangag."
"Okay po." Nakangiting sambit niya. Pagkaharap niya sa hapag ay inaabot ni JM sa kanya ang lalagyan ng fried rice at nakangiti pa si JM sa kanya. "Thanks." Tipid niyang sabi atsaka nilagyan ng kanin ang plato ng kanyang Lolo Oscar.
Hindi makakain si Sadie ng mga oras na iyon dahil ramdam niyang nakamasid lang si JM sa kanya kahit pa ngumunguya ng almusal ang lalaki.
"Ikaw ba Calvin, anong kurso ang kukunin mo?"
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...