9

1.9K 81 22
                                    

9

Bitbit niya sa magkabilaang kamay ang isang tray na may laman ng kanyang freshly baked vegan oatmeal cookies.

Maingat pa siyang sumilip upang malaman kung ano ang ginagawa ng kanyang Lolo Oscar sa may hardin. Malungkot siyang ngumiti dahil tinitignan pala ng kanyang Lolo Oscar ang lumang photo albums.

"Lolo!" Masiglang tawag niya sa kanyang Lolo at napakislot pa ang kanyang Lolo Oscar dahil sa masiglang boses.

Humalakhak ang kanyang Lolo Oscar, "Kay hilig talaga manggulat ng aking apo."

Humagikgik si Sadie at nilapag ang food tray sa lamesa at tinabihan ang Lolo, "I made you po healthy cookies."

Titig na titig ang kanyang Lolo sa kanya hanggang sa haplusin niya ang kanyang pisngi, lagi itong ginagawa ng kanyang Lolo Oscar, lalo pa at talagang malaki ang pagkakahawig ni Sadie sa kanyang Lola noong kabataan niya.

"Lolo, kamusta po kayo?" Pangangamusta niya habang kumakain sila sa may hardin at pinagmamasdan ang mga halamang si Lola Ester mismo niya ang nag-alaga.

Ngumiti ang kanyang Lolo Oscar, "Magiging maayos din ako, apo. Nangungulila lang ako sa Lola Ester mo dahil biglaan iyong pagkawala niya. Hindi ko napaghandaan nang maayos."

Niyakap niya ang kanyang Lolo mula sa gilid at pinatong ang ulo sa balikat, "Nandito ako, Lolo. Huwag ka masyadong malungkot hah? Baka ikaw naman ang magkasakit."

Maiksing tumawa ang kanyang Lolo, "Paano pa ako magkakasakit? Lagi mo akong pinagluluto ngayon."

Tumawa na rin si Sadie, "Hinabilin po kayo ni Lola sa akin. Kapag po bumalik kami sa Manila, sumama po kayo, please."

Bumuntong-hininga ang kanyang Lolo Oscar, "Pag-iisipan ng Lolo. Wala ka bang klase bukas?"

Umiling si Sadie, "Christmas break na po namin, Lolo."

"Talaga? Bakasyon niyo na pala. May oras ka na ba para makapamasyal tayo?"

Masayang tumango-tango si Sadie, "Sige, Lolo. Pasyal tayo!"

Mukhang maganda ngang nakabakasyon siya para naman maaliw ang kanyang Lolo. Dalawang linggo na rin kasi ang nakalilipas nang mamayapa ang kanyang Lola Ester.

Nalulungkot sila paminsan-minsan sa bahay ngunit iniiwasan nila iyon dahil baka nga may mangyari sa kanyang Lolo Oscar.

"Ano 'yun, bakit parang may maingay?" Sambit ng kanyang Lolo Oscar.

Napatingin si Sadie sa daan papasok ng bahay, "Hindi ko po alam." Tumayo naman siya at nagpaalam sa kanyang Lolo Oscar.

Nakasalubong niya si Calvin na mukhang patungo sana sa garden, "Calvs, may bisita?"

Napahilot sa kanyang noo ang kapatid, "May mga bisita ka." Naningkit ang mga mata ni Calvin sa kanya.

"Why are you staring at me like that?" Natatawang tanong niya.

"And you're telling me you're ugly. They are waiting for you at the sala." Sambit pa ni Calvin at dumiretso patungong garden para batiin siguro ang kanilang Lolo.

Takang-takang si Sadie sa reaksyon ng kapatid kaya naman lumabas na siya. Ganun na lamang ang gulat niya nang makita ang apat na nagtatakarang mga lalaki sa kanilang sala.

Napatili si Sadie nang makita ang dalawang pamilyar na mukha na sobrang namiss niya. "Cal! Brody!"

Pumihit ang apat papunta sa kanyang direksyon. Ngumisi sina Cal at Brody. Kaagad lumapit si Sadie at sina Cal at Brody ay kinulong siya ng yakap.

HRS7: The Noble's Irresistible Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon