22
Nakangiti si Sadie habang pinagmamasdan ang isang napakagandang tanawin para sa kanya. Kahit pa abala ang kanyang pinapanood sa ginagawa at hindi siya pansin ay hindi pa rin nabubura ang kanyang ngiti.
Marahan niyang hinaplos ang kanyang ulo, "Enjoying your shape sorter, Hiram?" Malambing niyang tanong at di niya napigilan, gigil na hinalikan niya ang kausap.
Napalingon sa kanya ang mga matang kakulay ng kanya at bilugin din, "Bubbles?"
Humalakhak si Sadie nang marinig ang cute na boses ng kanyang higit dalawang taong anak na si Hiram. "Bubbles? Okay."
She immediately took the small bottle of nontoxic bubble substance. "Here's Hiram's bubbles."
The young Balmes giggled causing Sadie to kiss him again before finally blowing the bubble stick. Napatayo na ang kanyang anak at natutuwang hinabol ang mga bubbles. Kaagad ding tumayo si Sadie upang alalayan ang anak dahil mabilis ang kanyang pagtakbo.
"Hiram ... bubbles. Borrow, Mommy." Hiram extended his little arms asking to do it himself.
"Of course, baby." Iniabot niya sa anak ang bubbles at sa harapan niya hinipan iyon ng anak kaya naman pumutok sa kanyang mukha ang mga bubbles, tuwang-tuwa si Hiram.
Hay, my son is so cute! He's like the boy version of me.
"Mommy, play ball?" Hiram asked while he is munching his mashed potato.
Nakangiting pinunasan niya ang bibig ng anak, "Yes, baby. We'll play ball later."
Hiram clapped his hands, "Yey!"
Sadie's been very busy in her life. Abala siya pag-aalaga sa anak nila ni JM na si Hiram at sa dental clinic niya, mabuti nga ay napagsasabay niya ang mga iyon, ayaw din naman niya kasing laking-Yaya si Hiram kaya naman inayos niya talagang mabuti ang kanyang oras.
Nagtungo sila sa may garden ni Hiram para maglaro ng bola, lalong natuwa si Hiram dahil naroon ang kanyang Ninong Kyle.
"Nice, hindi ako mapapagod." Natatawang sambit ni Sadie habang pinapanood si Kyle na ngayon ay hinihingal na dahil walang kapaguran si Hiram kakalaro.
Bahagyang sumimangot si Kyle sa kanya, "Kaya mo siguro ako ginawang ninong ni Hiram."
Natigilan si Sadie dahil parang may pamilyar siyang mukha na nakita dahil sa nakasimangot na si Kyle. She felt that she's seen that familiar expression especially that Kyle's hair is a bit longer but he still looks handsome.
"Okay ka lang, Sadie?" Tanong ni Kyle.
Napatango si Sadie, "Yeah. I'm okay."
Ang nangyari tuloy ay mas pagod si Kyle kaysa kay Sadie dahil siya talaga ang inaya ni Hiram na maglaro nang maglaro.
"Daddy!"
"Hiram, wait." Nataranta siya dahil sobrang bumilis makababa ni Hiram sa sofa at nagmamadaling nilapitan si JM.
"Got ya!" Kaagad sinalubong ng mga bisig ni JM ang kanyang panganay. "Careful, buddy. Madadapa ka, anak." Malambing na sambit ni JM habang hinahaplos-haplos ang ulo ng anak.
Umiling naman si Hiram, "Daddy, draw and color?" Hinihila na ngayon ni Hiram ang kamay ng kanyang Daddy JM.
Tuwang-tuwa naman si JM sa kabibohan ng anak. Lumapit si Sadie sa kanila, "Hi, baby." Bati ni Sadie at hinalikan sa labi ang asawa.
"Hi, baby. Miss me?" Nakangising tanong ni JM.
Humalakhak si Sadie, "Our wedding organizer will be here tomorrow. Do you have time?"
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
Fiksi UmumWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...