3
Palakad-lakad siya sa kanilang gate, suot-suot na niya ang kanyang bag at handa na siya sa pagpunta sa school niya sa Dipolog.
Nakahalukipkip ang kapatid niyang si Calvin at takang-taka siyang pinapanood. "Why aren't we going out yet?" Calvin asked, he is becoming impatient.
Natigilan siya sa paglalakad at nilingon ang kapatid na takang-taka ang hitsura. "Ahm, I'm thinking."
"Thinking of what?" Tumingin sa orasan niya si Calvin, "We should be leaving. Mag-aabang pa tayo ng jeep sa kanto."
Magsasalita na sana si Sadie nang marinig ang tunog nang bumubukas na gate sa kabila. Napangiti siya, "Right. Tara, labas na tayo!" Hinila niya kaagad ang pulsuhan ng kapatid atsaka sila lumabas na sa maliit na gate.
Eksakto paglabas nila ay kalalabas lang ng Equinox ni JM. Nadinig niya kaagad ang pagbusina ng sasakyan at napaayos ng kanyang uniporme at buhok si Sadie nang makita niya ang mukha ni JM.
"Good morning!" Masiglang bati ni Sadie at todo ngiti.
Humalakhak si JM, "Good morning too. Sabay na kayo sa'kin?"
Lumingon si Sadie kay Calvin at laking gulat niya dahil naniningkit ang mga mata ng kapatid, "Ahm, sabay na tayo sa kanya?"
Her brother's left brow shot up, "Why bother asking me?"
"Ah, wala naman. Para rin tipid tayo sa pamasahe?"
Napailing na lang si Calvin atsaka na siya pinaunang sumakay sa sasakyan ni Calvin. This time, she went for the shotgun seat and Calvin stayed at the backseat.
"Thank you ulit sa pagsabay sa amin." Sambit ni Sadie habang bumibiyahe na sila.
Tumango si JM, "If ganitong oras ang alis ninyo every Monday and Thursday, pwede na kayong sumabay sa akin."
"Talaga? Hindi ba hassle sa'yo?"
Umiling si JM at lumingon sa kanya, "It's not. What makes you think you're a hassle?"
Pigil ni Sadie ang ngumiti nang malapad dahil sa kinikilig siya.
Oo na, crush na niya si Juan Miguel Balmes. Simula nung niligtas siya ng binata sa pagkapahiya noong birthday party ng Lolo Leonardo niya. Tapos ang bait-bait ni JM at sobrang gentleman. Tapos kapag pinupuri siya ng binata ay para tuloy totoong ang ganda-ganda niya at talo pa niya iyong magagandang artista.
"You have a crush on that guy."
Natigilan siya sa paglalakad patungong SHS Building nang marinig iyon sa kanyang kapatid, "Ano? Wala no." Pagdedeny niya.
Umismid si Calvin, "Papasok na ako, Ate. Ingat ka mamayang pag-uwi."
"Okay. Galingan mo today." Masaya siyang nagpaalam sa kapatid at dumiretso na sa classroom.
Habang papalapit siya ay naririnig niya ang usual na paghaharutan at ingay ng kanyang mga kaklase.
"Ayan na! Ayan na! Kumpleto na ang lechon!"
Sumimangot siya dahil mukhang may bagong trip na naman ang kanyang mga kaklase. Pagtingin niya sa kanyang pwesto ay naroon pala si Pearl at nakikipag-kwentuhan kay Apple.
"Hi girls!" Lumapit siya sa dalawa at naghiyawan ang kanyang mga kaklaseng lalaki at lumapit sa kanila. "Geez, what's your problem?"
Humalakhak ang isa, "Ang galing ng structure ng grupo niyo no?"
Humalukipkip si Sadie, "Oh yeah? Inggit kayo?"
Tumawa naman sila, "Hindi. Kasi ganito, Sadie." Tinuro ng lalaki si Apple. "Ito si Apple tapos ..." tinuro naman nila si Pearl na nakasimangot sa kanila, "ito yung kawayan, pantuhog ..."
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
Ficção GeralWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...