24
Tahimik siyang umiiyak habang hawak-hawak ni Kyle ang kanyang kamay at papunta sila sa lugar kung saan dating nakatayo ang village nina Kyle na ngayon ay isang hotel.
"Kyle, ano ba 'tong ginagawa mo?" Sa wakas at nakapagsalita din siya.
Binitawan ni Kyle ang kamay niya at hinarap siya. "Tinutupad ko lang ang pangako ko sa'yo. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon sa oras na magkita tayo ulit. Pasensya na, ang tagal-tagal ko, Sadie."
Pumikit nang mariin si Sadie, "Ikaw ba yung nagpadala ng mga pictures na 'yun?"
Dahan-dahang tumango si Kyle, "Ako nga."
Napaiyak si Sadie nang marinig iyon mula kay Kyle, "B-Bakit, Kyle? Bakit mo 'to ginagawa?"
Lumapit si Kyle at hinawakan siya sa magkabilaang braso, "Dahil mahal kita."
"Pero may mahal akong iba. Kyle, may pamilya na 'ko. Tumigil ka na, please." Pagmamakaawa ni Sadie.
"Alam ko na mahal mo si Sir JM. Hindi mo kailangang sabihin sa akin 'yan nang paulit-ulit." Marahang bigkas ni Kyle habang patuloy sa pagtuyo sa basang pisngi ni Sadie. "At dahil mahal mo siya, hindi mo siya gustong mabigo, di ba?"
Tumango-tango si Sadie. "Hindi. Hindi ko siya gustong ipahamak, Kyle. Kaya please, huwag mong ituloy na ibigay sa iba ang mga pictures. The campaign is on-going, Kyle."
Ngumiti si Kyle, "Kung ganun, sasama kayo sa'kin? Mmm?"
Natigilan naman si Sadie, "W-What? A-Anong sasama kami?"
"Kayo nina Hiram. Sasama kayo sa'kin sa Bicol. Tapos na yung bahay na pinagawa ko, nakita mo na hindi ba?"
Her lips parted because of Kyle's statement. "W-What? No, Kyle. Hindi kami sasama sa'yo." Hinawakan niya sa magkabilaang braso si Kyle. "Kyle, ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ikaw 'to. Please, tumigil ka na." Nanginginig na ang buong katawan ni Sadie dahil sa pag-aalala sa nangyayari kay Kyle.
Napansin ni Kyle ang panginginig niya, "Sadie, huwag kang matakot. Ako 'to, si Kyle." Marahan siyang hinila ni Kyle upang yakapin, "Sshh. Huwag kang matakot, Sadie. Hindi kita sasaktan, kayo nina Hiram. Please, Sadie, huwag ka nang umiyak."
Pero humikbi pa rin si Sadie, "Hindi ko pwedeng iwan si JM, Kyle."
Bumuntong-hininga si Kyle, "Hindi ka niya mapoprotektahan, Sadie. Ako, kaya kong gawin lahat, kaya kitang iligtas sa kahit anong panganib, hindi gaya niya ... mahina at ... hindi niligtas ang Nanay Maya ko."
Nanlaki ang mga mata ni Sadie atsaka humiwalay ng yakap kay Kyle, "A-Anong sinasabi mo?"
Napayuko si Kyle at suminghap, nakita ni Sadie na namumuo ang luha sa mga mata ni Kyle. "Ang kawawa kong nanay, Sadie, s-sana nandito pa siya."
Hinawakan niya ang kamay ni Kyle, "Kyle, tell me, please."
Pinakatitigan siya ni Kyle, "Nasabi ko na sa'yo hindi ba? May nangyaring sunog, nagsimula iyon sa bahay."
"Oo, sinabi mong namatay sa sunog si Tita Maya, pero hindi mo nabanggit sa akin ang tungkol kay JM."
Tumango naman si Kyle at nagpatuloy, "Ang hotel na 'to..." nilingon ni Kyle ang napakaganda at primerang hotel. "noong vice mayor pa si Governor Balmes, ay naitayo 'to. Si Mayor Balmes ang nakaisip ng ideya na iprivatize ang lupain kung saan kami nakatira noon."
Tumango si Sadie, "Naikwento ni JM sa akin 'yan. Tumulong siya sa proseso para maibenta yung lupa na 'to sa private sector. Para sa local and foreign investment, at for boost tourism."
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
Narrativa generaleWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...