8

1.7K 86 17
                                    

8

"Kinakabahan ako para bukas."

Napatingin naman si Sadie sa kanyang katabi na si Pearl. Naglalakad na sila papuntang library para sa kanilang final coaching kasama si Miss Adlai.

"We'll be fine, Pearl." Sambit ni Sadie.

Ang inaalala kasi ni Pearl ay ang nalalapit na nilang regional quiz bee na inorganisa ng DOST. Bukas ay may flight sila papuntang Zamboanga Del Sur dahil sa Ateneo De Zamboanga University gaganapin ang malakihang patimpalak.

Ngayon ay final coaching nila, pero ang sabi ng mga kasamahan ni Sadie, kapag final coaching ay hindi raw katulad ng mga ginagawa nilang preparasyon, parang makikinig lang sila sa mga sasabihin ng kanilang mentor na si Miss Adlai.

"Uy, si inspiration mo." Nginuso ni Pearl ang study area kung saan nandoon si JM kasama ang kanyang mga kaklase na sina Fred, Aeyen at iba pa.

Parang alam ni JM na nakatingin siya kaya umangat ang tingin ni JM.

"Ano ba yan, nakakalusaw ngiti niya." Bulong ni Pearl.

Kumaway si Sadie at ganun din ang ginawa ni JM. She just gestured her index finger, pointing the AVR and JM got her message.

"Hindi ka pa ba nililigawan? Ano ba 'yan malapit nang matapos ang first sem. Bagal-bagal naman."

Nginitian niya si Pearl, "Like you said, tagal ko na siyang nakakasama. Maybe he's just friendly to me, after all, our families are good friends."

Nakita niyang nanlumo si Pearl, "So, tingin mo, totoo yung rumors na parang may mutual understanding sila ni Ate Aeyen?"

May kung anong kirot sa puso ni Sadie sa narinig pero hindi niya pinahalata iyon kay Pearl, "Siguro."

Pagkarating nila ni Pearl ay nabigla si Sadie dahil sa loob ng AVR ay may nakahaing pagkain at Greenwich pa.

"Maupo na kayo rito." Sambit ni Miss Adlai. "This is your reward for working hard."

Napapalakpak silang lahat doon at nagsimulang kainin ang libreng meryenda. Si Sadie ay kinokontrol ang sarili dahil baka mamaya ay magsend siya ng bad vibes kay Miss Adlai kung sobrang lakas niyang kumain.

Nagkukuwentuhan silang lahat at natutuwa si Sadie dahil nakakakwentuhan nila si Miss Adlai.

"I know everyone is pressured on this one. Alam ko alam niyong laging bumabalik ang academic team ko na bitbit ang malaking trophy."

Natahimik naman silang lahat. Si Sadie ay nakatitig kay Miss Adlai hanggang sa makita niyang ngumiti ang ginang.

Wow, she's really pretty!

"Ang gusto ko ay maenjoy niyo ang contest. Your happiness and the journey in the competition, that will be the trophy I am going to bring home back here in Norte."

Silang lahat ay ngumiti at lalong nainspire na manalo at pagbutihin kahit pa sinabi ni Miss Adlai na walang kaso sa kanya ang resulta ng kanilang competition.

"Maaga matulog. Alas singko ng umaga ay dapat nasa Dipolog Airport na kayo."

"Opo, Miss Adlai." Sagot nilang lahat at kanya-kanyang alis na.

"See you bukas, Sadie." Hinalikan siya sa pisngi ni Pearl at nakisabay sa mga kasamahan niya, habang siya ay naiwang inaayos pa sa bag ang kanyang mga librong iuuwi, gusto pa niya kasing maglast minute na magbasa sa bahay.

Pagkalabas niya sa AVR ay mapapadaan siya sa study area. Nalungkot naman siya dahil hindi niya nakita si JM doon.

Dumiretso na siya sa may hagdan para bumaba at makauwi na rin. Nang nasa staircase na siya ay napasinghap siya dahil sa dulo ng hagdan ay nakikita niya ang malapad na likuran habang sa isang balikat lang nakasabit ang suot na backpack.

HRS7: The Noble's Irresistible Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon