4

2K 87 25
                                    

4

Dahil hindi siya pumasok sa eskuwela ay bored na bored si Sadie sa kanilang bahay. Nakakulong lang siya sa kanyang kwarto at lalabas lang kapag kakain na.

"Hanggang bukas na lang naman." Sambit niya sa sarili habang dinidiligan ang mga halaman ng kanyang Lola Ester.

"Sadie." Napalingon siya sa kanyang Mama Margie na palapit sa kanya at hawak ang phone. "Papa wants to talk to you."

Kaagad niyang isinara ang control flow ng water hose at lumapit sa kanyang Mama. Pagkatingin niya sa phone ay nakita niya ang kanyang Papa na parang nasa isang coffee shop.

"Hi Papa." Nakangiting bati niya.

Humalakhak ang kanyang Papa Malcolm, "Hello, gumdrop. How do you feel now?"

She made a gesture with her thumb. "I feel better now po. Nakapagpahinga naman po ako, Pa."

Tumango ang kanyang Papa Malcolm, "Sa susunod mag-iingat ka na. Don't make me worry again."

Nahihiyang ngumiti si Sadie, "Sorry po, Papa." Abala na nga ang kanyang Papa sa trabaho kaya ayaw na ni Sadie na dumagdag pa siya sa iniisip ng kanyang ama. "I'll be careful po next time."

Nakipagkwentuhan pa siya sa kanyang Papa, natapos nga ang tawag na tuwang-tuwa siya dahil magpapadala raw ng package ang kanyang Papa at marami raw mga Belgian chocolates siyang ipinadala.

"Baka naman maging diabetic ka apo." Humahalakhak na sambit ng kanyang Lolo habang pinagmamasdan siyang masarap na kainin ang isang sans rival cupcake na bigay ni JM.

"Promise, Lolo. Magdadiet din po ako. Sinusulit ko lang." Oh really Sadie Gwynn? Diet? Next year? Or the next two years?

Ang kanyang Lolo Ester naman ay tinapik siya sa braso, "Ano po 'yon, Lola?" Malambing na tanong niya.

Ngumiti ang kanyang Lola atsaka masuyong hinaplos ang kanyang mukha, "Kamukhang-kamukha mo kami ng Mama mo noong kabataan namin."

Napangiti si Sadie, "I saw nga po your lumang pictures and compared po kay Mama."

"Pumunta ka sa kwarto namin ng Lolo Oscar mo at may mga photo albums ako roon, makikita mo."

"Sige po."

Kaagad siyang tumayo para kuhanin ang sinasabi ng kanyang Lola Ester. Bitbit niya ang medyo mabibigat at makalumang mga photo albums.

Sa may sala ay sinimulan nilang tignan ang litrato. "Grabe, magkahawig nga po kayo ni Mama." Sambit ni Sadie. "Hmm, nahahawig din po ako sa inyo, kaso, bakit po ang seksi ninyo?" Kunwari ay ngumawa siya samantalang tinawanan lamang siya ng mga kasama.

Dahil sa pagtingin niya sa mga litratong iyon ay nainsecure tuloy si Sadie dahil sa nakita kung gaano kabalingkinitan ang pangangatawan ng kanyang Mama at Lola Ester noong mga dalaga pa sila.

"Hi Ate."

"Hey, Calvs." Lumapit ang kapatid sa kanya at hinalikan sa noo. "Maaga ka ngayon."

"Early dismissal kami, wala yung teacher namin sa last subject." Paliwanag naman ni Calvin at dumiretso sa kanyang kwarto.

Tumambay naman si Sadie sa front porch ng bahay. Naupo siya sa isang porch swing na si Lolo Oscar pa niya talaga ang gumawa para sa kanya.

Hinila-hila niya pa ang taling hinahawakan, "Hmm, it's sturdy." Natakot kasi siya na baka mamaya hindi kayanin ng swing ang kanyang bigat.

Patingin-tingin siya sa orasan ng kanyang phone, bahagyang siyang ngumuso nang makitang malapit nang mag alas sais. "He said he'll visit."

Ang tinutukoy niya ay si JM. Ang sabi kasi ng lalaki ay bibisitahin siya nito, pero halos lumubog na ang araw ay hindi pa rin dumating si JM.

HRS7: The Noble's Irresistible Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon