17
Halos mangawit ang panga ni Sadie kakangiti dahil sa mga taong sumasalubong sa kanya pagkapasok sa munisipyo. Nakikipag-kamayan pa silang lahat na animo'y isa siyang artista.
"Sinasabi ko na nga ba at may kakaiba po sa inyo, Ma'am." Hindi matigil sa pagngiti ang lalaki at nakatitig sa kanya, siya kasi ang lalaking nagsundo sa kanya sa sasakyan noon at dinala sa opisina ni JM. "Wenn nga po pala, madam first lady."
Maiksing tumawa si Sadie, "Nice to meet you po, Sir Wenn."
Nakita niya ang pagkamangha sa hitsura ng kuwarenta anyos na lalaki, "Naku, nahulog siguro sa mga ngiti ninyo ang Mayor namin."
Tipid na ngumiti si Sadie at nagsalita si Kyle na nasa tabi niya, "Sir Wenn, nandiyan ba si Ma'am Pressy? Inihabilin ni Mayor na doon maghihintay ang asawa ni Mayor."
Tumango si Sir Wenn at bahagyang tumabi, "Oo. Nice to meet you ulit, doktora!"
"Nice to meet you too po." Magalang na sabi ni Sadie atsaka na sila nagpatuloy ni Kyle papunta sa mayor's office.
Gaya ng mga empleyadong nasa baba ay todo pakikipag-kamay si Pressy, ang sekretarya ni JM, sa kanya. "Pasensya na noon talaga, doktora, kung alam ko lang na ang future first lady ng Dapitan pala ang tinatanong sa akin, kaagad ko sana kayong dinala sa opisina ni Mayor."
Umiling si Sadie, "Okay lang po 'yun, Ma'am Pressy. You are just following a protocol." Magalang ang tono niya dahil sa napag-alaman niyang nasa late thirties na ang babae.
Pinagbuksan siya ni Kyle ng pintuan sa mismong opisina ni JM, "Dito lang ako sa labas." Sambit ni Kyle sa kanya.
Tumango naman si Sadie at pumasok, "Thanks."
Naupo siya sa may lounge chair at muli na namang pinagmasdan ang opisina ni JM. Alam na alam niyang nasa government office siya dahil sa gawa sa kahoy at kulay brown ang paligid, pati ang mga upuan ay gawa rin sa mamahalin at matitibay na kahoy. May maliit na bersyon pa ng Philippine flag tapos sa pader ay may malaking logo at may nakasulat na 'Lungsod ng Dapitan'.
Bumukas ang pintuan at nakita niya ang nakangiting si Pressy na hawak-hawak ang isang food tray. "Kumain muna kayo, doktora."
Inilapag ni Pressy ang isang platito na may slice ng sansrival cake at isang baso ng tubig. "Wow! Thank you, Ma'am Pressy."
"Naku, Pressy na lang, doktora." Maingat na pinadulas ni Pressy ang platito at baso sa lamesa palapit kay Sadie, "Ang sabi ni Mayor, ihanda ko raw ito habang naghihintay ka sa kanya. Tumawag din pala si Engineer Balmes, malapit na po siya."
Tumango-tango si Sadie, "Okay, thank you."
Pagkaalis ni Pressy ay sinimulan niyang kainin ang masarap na sansrival cake.
Upang di mainip sa paghihintay ay ginagamit niya rin ang kanyang phone at nakita niyang tadtad siya ng messages sa Messenger.
Napalabi siya dahil si Albert iyon na sobrang nalulungkot at nagtatampo dahil sa biglaan niyang desisyong hindi na makakabalik muna sa Manila. Pero ang mas kinagalit ng assistant niya ay ang pagkakakilala niya kay JM.
Albert Ramos: Doc! Napakamasikreto mo, bakit hindi mo sinasabi sa aking may secret relationship kayo ni Mayor Balmes? Alam mo namang crush na crush ko 'yan!
Humalakhak naman siya at nagtipa ng reply.
Sadie Gwynn: I'm really sorry, Albert. I will try to visit Manila soon para makapag-usap tayo. About my marriage, I forgot, gusto mo pa ba ng video greetings ni JM?"
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...