2
"Top scorer ..."
Tahimik lahat ang mga nandoon sa classroom at inaabangan ang pangalang lalabas sa bibig ni Miss Adlai. Si Sadie naman ay abala lang sa doodle art sa kanyang Physics notebook.
"Sadie Gwynn Madrid."
Nadinig niya ang pagsinghapan at natigilan siya sa ginagawang doodle art. Pag-angat ng kanyang tingin ay nakatingin ang kanyang mga kaklase at ang ilan ay pumapalakpak pa.
"Siya ulit."
"Mamaw din sa Physics 'to."
Dahan-dahang tumayo si Sadie atsaka tinanggap ang kanyang test booklet. "Thank you po."
Hindi ngumiti si Miss Adlai at natakot si Sadie dahil titig na titig ang ginang sa kanya. "After your dismissal, see me in my office."
"O-Okay po."
Pakiramdam ni Sadie ay bibitayin siya mamayang dismissal time kaya naman hindi tuloy siya mapakali sa mga sumunod niyang klase.
"Calvin," kausap niya ang kanyang kapatid sa phone. "mauna kang umuwi ngayon, kakausapin pa ako nung Physics teacher namin."
"Sige, Ate. Medyo masama ang pakiramdam ko."
Natigilan sa paglalakad si Sadie, "Ano? Dapat nagpaearly dismissal ka kanina."
"It's okay. Mauna na akong uuwi."
"Okay. May gamot naman sa bahay, may gusto ka rin bang food?" Tanong niya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Something soup, Ate. Chowking ganun."
Tumango naman si Sadie, "Alright, Calvs."
Pagkatapos matawagan ang kapatid ay dumiretso na siya sa faculty office.
"Good afternoon po." Magalang na bati niya, "Si Miss Adlai po?"
Ang isang student-assistant ay itinuro ang cubicle kung saan nagoopisina si Miss Adlai. Maingat ang kanyang mga hakbang dahil maraming mga Science teachers ang nandoon.
Kumatok siya sa nakabukas na pintuan, "Good afternoon po, Miss Adlai."
Yumuko si Miss Adlai habang ang salamin ay nasa gitnang bahagi ng tungki ng kanyang ilong, "Miss Madrid, have a seat."
"Thank you po." Umupo siya sa isang upuan na nasa tapat ng lamesa ni Miss Adlai.
Inalis ni Miss Adlai ang kanyang salamin.
Hindi talaga siya ngumingiti? Tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Miss Adlai na nagliligpit sa kanyang lamesa.
"May cases ka ba ng academic dishonesty sa previous school mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Sadie, "Po? Wala po, Miss."
Lumalim ang titig ni Miss Adlai, "So all those quizzes and exams, it all came from you?"
Tumango si Sadie, "Yes, Miss Adlai. I never had any cases of academic dishonesty po, my parents are very keen po in developing me and my younger brother as honest persons po."
Tumango-tango si Miss Adlai, "Sino nga ulit mga magulang mo? Your family name is very rare here in the Philippines."
"My father po is Malcom Madrid and my mother po is Margaret Oneza-Madrid. Oncologist po si Papa and yung Mama Margie ko po, registered occupational therapist pero di po siya nagpapractice sa ngayon." Mahabang pagpapakilala niya sa mga magulang.
"I see. I think I understand now your excellence in Science." May kinuha sa kanyang drawer ang ginang at inilatag sa harapan niya ang isang pamphlet patungkol sa isang regional academic meet na sponsor ng DOST. "I want to include you as a member of our academic team."
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
Fiksi UmumWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...