21
Ilang beses na siyang huminga nang malalim pero naroon pa rin ang kaba at excitement niya. Napalingon sa kanya si Kyle na nagmamaneho sa tabi niya, "May problema ba, Sadie?"
Nilingon niya si Kyle at nginitian, "Kinakabahan na excited lang, Kyle."
Ngumiti si Kyle pabalik sa kanya, "Magagawa mo na ulit yung gusto mo, Sadie."
Sadie shortly chuckled, "Mmm."
Today is the blessing of her clinic. Kaya niya kasama ngayon si Kyle, at papunta sila sa bagong tayong clinic niya.
"Sayang umalis na sina Mama." Malungkot niyang tinuran.
"Nandoon naman sina Gov at ang pamilya ni Mayor."
Tumango-tango si Sadie at napangiti ulit dahil sa naroon ang kanyang mga super supportive na biyenan. "Right. And JM too." Tinignan niya ang kanyang phone at napangiti siya dahil litrato nilang dalawa ni JM ang bumungad sa kanya. "He's on his way too, right?"
Tumango si Kyle, "Oo, sinabi na sa akin nina Dan na nakaalis na sila sa city hall."
Pagkaraan ng sampung minutong biyahe pa ay nakarating na sila sa bagong gawang commercial building.
Napangiti siya dahil nakita niya ang signage sa may first floor. Madrid-Balmes Dental Clinic: General Dentistry, Orthodontics and Oral Surgery.
Binati siya ng iilang mga taong nandoon na. Yumakap siya kaagad sa kanyang biyenan, pati si Lolo Leo ay nandoon at Lolo Oscar niya.
"We're so excited about your clinic, hija." That's Mommy Estrella who gave her a bouquet of flowers. "Ang sarap basahin yung signage sa labas. You're really a part of the family now."
Hinalikan niya sa magkabilaang pisngi ang ginang, "Thanks po, Mom, for all the support."
Lalong napuno ng mga bodyguards na nakapaligid dahil sa pagdating nina JM. Kaagad lumapit ang asawa sa kanya sabay paikot ng braso sa baywang, "Excited?" He asked.
She nodded her head, "Super! Thanks for coming. Kahit alam kong super busy ngayon sa city hall."
Umiling si JM at hinalikan siya sa noo, "This is my wife's important moment, I need to be here."
Nagsimula na nga ang seremonyas para sa blessing ng clinic na nakatayo roon, pati iyong doktor na mag-ookupa sa second floor ay naroon din kasama ang kanilang pamilya.
Natapos ang simpleng event na iyon sa ribbon cutting. Napayakap siya kay JM pagkatapos ng lahat, "Thank you, baby."
Yumakap din pabalik si JM, "All for you, my Sadie Gwynn."
Nagkaroon pa ng salo-salo para na rin sa ilang mga bisitang dumalo. Hindi matigil sa pagbubunyi ang kanyang puso dahil sa kaganapang ito.
Hindi rin naman nawala ang pamilya niya dahil nakisali sila sa kaganapan sa pamamagitan ng isang video call conference.
"Kumpleto po yung mga Balmes, Mama. Kahit si Lolo Leo nandito with Lolo Oscar." Kausap niya sa screen ngayon ang kanyang mga magulang, wala nga lang si Calvin dahil sa nakaduty.
"The Balmes family is really supportive of you, hija. I'm so happy for you, gumdrop." That's her Papa Malcolm, only that she felt like she is now seeing two or more versions of her parents on the screen.
She blinked her eyes many times.
"You okay, gumdrop?" The voice of her Papa Malcolm echoed nonstop causing her to feel dizzy.
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...