7
Kahit dismissal na ay hindi pa rin makakauwi sa Santa Cruz si Sadie dahil nagsisimula na ang kanilang weekly mentoring.
"Mabuti na lang Pearl kasama ka." Sambit ni Sadie habang patungo sila sa main library upang pumunta sa pinareserve na AVR room kung saan ang coaching nila kasama si Miss Adlai.
Ngumiti naman si Pearl, "Oo nga, may kasama akong maganda." Pagpupuri na naman ni Pearl sa kanya. "Atsaka para makaclose ko rin si Kuya JM." Bulong pa ni Pearl sabay hagikgik.
"Ikaw talaga."
Umangat ang isang kilay ni Pearl, "Wag kang madamot, nakadate mo na nga siya eh."
Nanlaki ang mga mata niya, "W-What? Hindi no." Naikwento niya kasi sa mga kaibigan iyong nangyari noong Linggo hayun at todo pilit sila na date daw iyon at parang nagseselos daw si Kuya JM kay Kyle.
"Alam mo, dikit ka pa kay Kyle, feel ko talaga nagseselos yun."
"Nakalimutan niyo na yatang close siya kay Aeyen. May skinship pa nga, right?"
Napanguso naman si Pearl, "Oo nga, nakita mo nga pala 'yun."
Nakarating din sila sa library at ganun na lamang ang sakit na naramdaman niya sa kanyang braso dahil sa malakas na kurot ni Sadie. "Aray, Pearl." Pigil niya ang pagsigaw dahil nasa loob na sila ng library.
"Sorry, nandito sina Kuya JM."
"A-Ano?" Nataranta na rin si Sadie. Napatingin siya sa tinitignan ni Pearl at nakita nga niya sa may study room section ang mga SSG members ng college department.
"Ang gwapo-gwapo talaga ni Kuya JM. Pati si Kuya Fred and yung president, super pogi din." Kinikilig na sambit ni Pearl habang nakatingin sila doon at abala si JM na nakikipag-usap kay Aeyen. "Ay, katabi niya yung karibal mo Sadie."
"Ssh. Pearl, baka may makarinig sa'yo. Halika na nga." Hinila na niya si Pearl patungo sa may AVR section.
"Girls, next time, hindi pwede ang ganito kabagal ang kilos. Ayokong naaaksaya ang oras ng mentoring natin." Sermon tuloy ang naabot nila kay Miss Adlai pagkarating. "Miss Madrid."
Napatayo siya ng tuwid, "Po, Miss Adlai?"
May ibinigay na index card si Miss Adlai, "Look for these books. You start with General Chemistry. Then I will be giving you set of questions later."
"Okay po, Miss Adlai." Tinanggap naman niya ang listahan atsaka nagtungo sa malaking Reference Section ng library.
Isa-isa naman niyang nahanap ang mga librong kailangan niya. Napansin niyang nagkakapalan ang mga librong pinahanap ni Miss Adlai, "Ang kakapal naman." Akala yata ni Miss Adlai porque malusog ang kanyang pangangatawan ay kayang-kaya niyang bitbitin ang mga librong iyon.
"Andito ka lang pala." Sambit ni Sadie nang makita ang huling librong kay tagal niyang hinanap. Tumingkayad naman siya para makuha ang librong iyon. "Ugh, these books." Dahil hirap na abutin iyon sa isang kamay ay itinabi muna niya sa may sahig ang naunang libro upang makuha ang isa pang libro.
"Gotcha." Masayang sambit niya nang makuha ang isang libro.
"Chemistry?"
Napaangat siya ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses. Awtomatikong ngumiti siya nang makita si JM. "Hello."
Lumapit naman si JM sa kanya, "Hindi ba dismissal niyo na?" Tanong ni JM.
"Oo. Kaso sumali kasi ako doon sa academic team, may weekly mentoring kami with Miss Adlai." Sagot naman niya.
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...