11
Kalahating oras na siyang nakatingin sa mga damit na nakahilera sa kanyang kama, hirap siyang makapili kung anong isusuot na damit para sa pupuntahang open house Christmas dinner ng pamilya Balmes.
Nahagip ng tingin niya ang simpleng white dress, kinuha niya iyon at medyo nag-alinlangan nang makitang medyo backless iyon at may tinatali pa sa likuran.
Eksakto naman ay dumating ang kanyang Mama Margie, "Mama, is this okay for the dinner?"
Lumapit ang kanyang Mama Margie at sinipat ang damit na hawak, "Hindi naman gaano karevealing anak. Maputi ka naman kaya babagay sa'yo." Nakangiting sambit ng kanyang ina at napatingin sa suot niyang kwintas. "That's a beautiful necklace, who gave you that?"
Napahawak siya sa kwintas na regalo ni JM, "From Kuya JM."
Her mother smiled, "That's so sweet of him. Did you even give the gift you bought for him?"
Umiling si Sadie atsaka ininguso ang isang itim na gift box na mayroong gintong ribbon, "I plan to give it tonight po." Sunod ay tinuro niya ang isang box din na higit na malaki sa isa at may paper bag din, "Even Kyle's gift and Tita Maya, I plan to give it po tonight."
Nginitian siya ng kanyang ina at hinaplos ang pisngi, "You really have your Papa Malcolm's generosity and thoughtfulness."
She held her mother's hand that is resting on her cheek, "Mama, I got it from the both of you. Stop giving Papa the only credit." She added and both of them chuckled.
Dahil sa sinabi ng ina ay iyong puting dress na lamang ang napagpasyahan niyang isuot. Siyempre hindi niya tinanggal sa pagkakasuot ang kwintas na binigay ni JM sa kanya.
"Ate, are you ready?"
Nginitian niya ang kapatid atsaka lumapit, "Ready." Calvin offered his arm and her right hand held on it.
Kakaunti pa lamang ang dumarating sa tahanan ng mga Balmes. Humiwalay muna si Sadie sa kanyang mga kasama at nagsimulang hanapin ang dapat hanapin.
Si Jude ay kanyang nakita at may kausap na isang matangkad na lalaki. Medyo kumunot pa ang noo ni Sadie dahil parang naaalala niya ang kausap ni Jude.
Where did I see this guy again?
Nakita siya ni Jude kaya masayang ngumiti ang lalaki at kumaway, "Sadie, hi!"
Wala siyang nagawa kung hindi lumapit kahit pa medyo naiilang siya sa titig ng kasama ni Jude. "Hi, Jude."
Hindi pa rin napuputol ang titig ng pamilyar na lalaki sa kanya hanggang sa humalakhak si Jude at sikuhin ang katabi. "Kuya Fritz, matunaw yan, may magalit sa atin."
Napakurap ng ilang beses ang lalaking tinawag niyang Fritz at ngumiti. "Hi." Bati ng lalaki.
Ngumiti si Sadie, "Hi." Now she remembers him, siya yung nakita niya sa picture na kasa-kasama nina Jude at JM. Wow, he's more gwapo in person! He looks very tall too.
Inakbayan ni Jude ang lalaki, "Sadie, meet the future captain of the ship, Fritz Chavez. He's our cousin."
Ngumiti si Fritz at naglahad ng kamay, "Nice to meet you."
Kinamayan naman niya si Fritz, "Nice to meet you too. Merry Christmas din."
Fritz chuckled, "Yeah, Merry Christmas. Ahm, nakakain ka na ba? Tara, kain tayo?"
Umiling si Sadie "I'm good." Sagot niya at tinignan si Jude, "Hinahanap ko si Kuya JM."
Ngumuso si Jude at nakatingin sa hawak niyang mga regalo, "Meron ba 'ko diyan?"
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
Ficción GeneralWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...