1
Palakad-lakad siya sa tapat ng kanyang kama. Kahit alam niyang pwede siyang malate sa kanyang ginagawa ay nagpatuloy pa rin siya.
Marahas siyang bumuga ng hangin at tinignan ang kulay asul na vest, white collared blouse at white and blue checkered skirt. Napailing siya at napahilot sa kanyang sentido, "Ito talaga ang uniform?"
Unang araw kasi ng klase ngayon, at hindi siya makapaniwalang ganitong uniporme ang isusuot niya. Namiss niya tuloy ang unipormeng sinusuot niya nung sa UST pa siya nag-aaral ng Senior High.
Nakarinig siya nang pagkatok sa kanyang pintuan, "Ate Sadie? Tapos ka na ba?" Ang kapatid pala niyang si Calvin ang kumakatok.
"Oo, Calvs. Magbibihis lang ako."
"Okay. Nakahanda na rin yung breakfast."
"Sige!" Sigaw niya sa loob at nakangiwing kinuha ang puting blouse. "This is ridiculous."
Isa-isa niyang isinuot ang bawat damit hanggang sa maisuot niya ang below the knee na white socks. Nilagay niya ang mga importanteng gamit sa kanyang Marhen J. bag at lumabas na sa kanyang kwarto.
Nang makarating sa may dining room ay napalingon lahat ang nandoon. Di niya tuloy maiwasang mahiya dahil titig na titig sila sa kanya.
Shit, ang sagwa ko yata sa ganitong uniform!
Naisip niya tuloy si Brody, kung makikita lang siya ng kanyang kaibigan ay paniguradong aasarin siya nito.
"Mama! Huwag ka na pong ngumiti diyan." Nakalabing sambit niya atsaka umupo sa tabi ni Calvin na wala namang reaksyon nang makita siya.
"Bakit? Ang ganda-ganda mo kaya."
Napailing na lang siya sa ina atsaka binati ang kanyang Lolo Oscar at Lola Ester na pinuri din siya, na tingin ni Sadie ay bola lang.
"Grabe Calvin, hindi ko yata kakayanin 'to. Iyong commute tayo papuntang Dipolog." Naasiwa talaga si Sadie sa kanyang uniporme.
May ilan na nga silang nadaanan na nakatitig sa kanya, siguro ay nagmumukha siyang engot sa kanyang uniporme.
"Di ka lang sanay, Ate. Heto na yung jeep." Kaagad pinara ni Calvin ang jeep atsaka siya pinaunang sumakay.
Hanggang sa jeep ay may napapatingin sa kanya kaya naman iniwas niya ang titig at binaling ang tingin sa kanyang phone at naglaro ng Dentist Bling.
"Malapit na tayong bumaba, Ate." Anunsiyo ni Calvin kaya naman naghanda na si Sadie. Mukhang hindi naman nila problema kung saan bababa dahil may mga nakasabay silang kapareho nila ng uniporme.
Naghahanda na sa pagbaba si Sadie nang mangunot ang noo niya dahil parang kinikilig iyong dalawang babae kapareho niya ng uniform. Napangisi na lamang siya dahil si Calvin lang naman ang kanilang kinakikiligan.
"Dito na, Ate. Hold your skirt when you go down."
Tumango si Sadie, "Sige na, Calvs. Una ka na."
Sa likuran nila ni Calvin ay ramdam ni Sadie ang mumunting hagikgik nang dalawang babae kanina, at nakaagaw na nga ng atensyon ang kanyang bunsong kapatid dahil may ilang napapatingin sa kanila.
Sa may Senior High School campus sila pumunta, inihatid muna siya ni Calvin bago tuluyang nagkahiwalay.
Iilan pa lang ang nandoon sa loob ng classroom. Dahil siguro Grade 12 na kaya naman may ilang mga nagdadaldalan na dahil sa magkaklase na sila noong Grade 11.
Sa may dulo niya naisipang maupo at tahimik na pinagmasdan ang kanyang classroom.
Hmm, not bad.
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...