18

2.1K 96 18
                                    

18

Kinaumagahan ay medyo mabigat pa rin ang katawan ni Sadie pero hindi na masakit ang kanyang puson at ulo.

Walang mga brasong nakayakap sa kanya at siya ay parang nalungkot. "He left for work already."

Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at nag-unat, habang ginagawa niya iyon ay nadinig niya ang pagbukas ng pintuan ng walk-in closet at nagulat siya nang makita si JM na sinusuot ang belt sa kanyang pantalon.

"You're still here."

JM lifted his head and smiled, "Hey." He walked towards her and kissed her lips. "Good morning, baby. How do you feel now?"

"I feel better than last night, pero mabigat pa rin yung katawan ko." Sagot niya. "Late ka?"

"Hinintay kitang magising muna. I can't join you for breakfast, but Jude is coming here to join you. May ipapakita raw siyang plan para sa clinic mo."

Napatango naman si Sadie, "Okay. I'll just probably stay here in our room. I just want to lay down all day."

Ngumiti naman si JM, "Alright, baby. Kyle will be here to accompany you." Sinuklay ni JM ang kanyang mahabang buhok, "Do you want anything? I'll get it for you when I go home."

Nag-isip naman si Sadie, "I think I want to eat chicalang."

Maiksing tumawa si JM at hinalikan siya sa noo, "Alright, I'll bring some when I go home."

Tumango naman si Sadie, "Okay."

Pagkaalis ni JM ay bumangon na rin si Sadie atsaka nagpalit ng damit. Nagpalit siya ng jogger shorts at kung anong t-shirt na lang na nahablot niya, kapag ganitong unang araw ng kanyang period ay talagang tamad na tamad siya at gusto lang ay humilata o kumain nang kumain.

"Good morning, Kyle." Nakangiting bati niya kay Kyle.

Kaagad lumapit ang binata sa kanya, "Kamusta ka na? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?"

"Okay na 'ko. Sorry pala sa abala kagabi."

Bumuntong-hininga si Kyle, "Akala ko anong nangyayari sa'yo."

Tinapik-tapik niya ang balikat ni Kyle, "Thanks for last night too, Kyle."

"Walang anuman, Sadie. Ang sabi ni Mayor, dito lang tayo buong araw?" Tanong ni Kyle.

Tumango naman si Sadie, "Oo. Sa kwarto lang ako buong araw."

Napatingin sila sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok ang isang matangkad at masiglang lalaki, "Good morning!"

"Hi, Jude. Good morning!"

"Good morning, Engineer Balmes." Magalang na bati ni Kyle.

Nakangising lumapit si Jude sa kinatatayuan nila, "Parang teleserye ang ginawa ni Kuya kagabi ah? You're the talk of the town."

Nangunot ang noo ni Sadie, "What? What talk of the town?"

Humalakhak si Jude at nilabas ang kanyang phone, "May isang blog post sa inyo ni Kuya, yung most followed blog here in Dapitan, yung 'Out of the Blue'. Hay, daming inggit na inggit na couple sa inyo."

"I don't get it."

Iniabot ni Jude sa kanya ang phone, "Read the blog, daming comments and likes. Instant celebrity kayo ng Dapitan." Sambit ni Jude sabay halakhak.

Binasa ni Sadie ang isang article o post ng isang unknown blogger, "Wish we were the first lady of Dapitan City." Pagbabasa niya sa title ng blog post at nagulat siya nang makita ang isang candid shot niya kagabi. "Ako 'to ah!"

HRS7: The Noble's Irresistible Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon