12

2.4K 87 33
                                    

12

Her gentle hands are carefully moving while her eyes are very attentive in every movement she does. She's really used to it with the manner on how she uses that particular tweezer.

After removing those color bands, she took the mouth mirror and carefully examined what's inside. Umiling-iling siya habang patuloy sa pagtingin sa mga ngipin, "Next time, hindi pwedeng magskip ng adjustment date, hah?"

Nahihiyang ngumisi ang kanyang pasyente, "Sorry, Doc. Tinamad po."

Ngumiti naman si Sadie, "Dapat consistent tayo, para magwork yung dental braces mo." Habilin niya at tinuloy ang kanyang ginagawa.

"Thank you po, Doc." Masayang sambit ng kanyang pasyente pagkatapos at nagpaalam.

Pagkalabas ng pasyente ay nagsanitize siya kaagad atsaka naupo sa isang office stool chair at pinadulas iyon patungo sa kanyang working space upang ituloy ang ginagawa sa kanyang Imac.

Nakarinig siya nang pagkatok at nadinig ang boses ng kanyang secretary, "Doc."

Napalingon siya dahil sa kinikilig na boses ng kanyang secretary na si Albert. Ngumisi si Sadie, "Kinikilig ka diyan, gwapo siguro ang sunod kong pasyente?"

Tumango-tango ang kanyang binabaeng secretary, "Yes po. Hay, kaya hindi ako umaalis sa puder mo, Doc. Ang gagwapo at yummy mga regular na pasyente mo."

Humalakhak si Sadie atsaka tumayo na, "Papasukin mo na nga."

"Okay po. Doc, be gentle hah."

Ngumisi si Sadie, "I'm always gentle." She raised her hands. "These hands are gentle."

Impit na tumili ang secretary at lumabas na para tawagin ang pasyente. "Sino naman kaya ang pasyente ko na 'yun?"

Ilang sandali pa at dumulas pakanan ang kanyang sliding door at nakita niya ang matangkad na lalaki. Ngumisi naman si Sadie, kaya naman pala tumitili ang kanyang secretary, gwapo nga ang pasyente niyang ito, medyo seryoso lang sa buhay.

"Good morning, Dra. Madrid."

Sadie smiled, "Always the serious one. Hi future attorney!"

Tumango naman ang binata, "I'm here for my dental cleaning."

"Hay, you're one of my consistent and disciplined patients talaga." Tinuro niya ang dental chair. "Dito ka na, Gino."

Tahimik na nahiga sa may dental chair si Gino. Kaagad niyang ipinatong ang isang dental towel para makapagsimula na sa semi-annual dental cleaning ng kanyang pasyente na si Gino.

"Very good. You have healthy gums and no dental issues." Pagpuri niya pa nang makita ang magagandang ngipin ng kanyang pasyente.

She started with the ultrasonic scaler down to the regular scaler. Umabot siya ng tatlumpong minuto para sa dental cleaning.

"Keep doing lang the practices I recommended hah?"

Tumango naman ang kanyang pasyente at umayos ng upo, "Thanks, Doc."

"You're welcome, malapit ka na bang maging attorney?" Kilala niya si Gino dahil isa siyang regular na pasyente niya, in fact, ang pamilya ni Gino ay lumipat sa kanya at siya ay natutuwa.

Bakit hindi siya matutuwa? Pasyente lang naman niya ang pamilya ng dating chief justice ng Pilipinas, tapos ang asawa din niya na isang judge sa regional trial court ay pasyente niya.

"One more year in law school, Doc." Magalang na sagot ni Gino. "How's first lieutenant Montero and Sarmiento?"

Napangiti siya nang marinig ang pangalan ng kanyang mga kaibigan, dati kasing naging security team ng mga Moran ang kaibigan niyang sina Cal at Brody.

HRS7: The Noble's Irresistible Hot RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon