15
"Kyle!"
Parang maiiyak pa si Sadie habang kayakap si Kyle. "I've missed you! It's been so long, Kyle."
Naramdaman niyang yumakap din pabalik si Kyle, "Natutuwa akong makita ka ulit, Sadie."
Ngumiti si Sadie atsaka humiwalay kay Kyle. Lumabi naman siya sa kaharap, "Bakit hindi ka na nagparamdam? After my debut, hindi na kita macontact. You're so mean."
Titig na titig si Kyle sa kanya, "Kamusta ka na?" Pinasadahan ng tingin ni Kyle ang kanyang kabuuan. "Nagkasakit ka ba? Bakit pumayat ka masyado?"
Ngumisi si Sadie, "Di ba? I'm sexy na?" Nameywang pa siya at pumustura. "Plus, doktor na ako!"
Maiksing humalakhak si Kyle, "Gumanda ka rin lalo, Sadie."
Nakarinig sila nang pagtikhim kaya sabay silang napalingon sa may kanan nila. Si JM pala iyon at seryosong-seryoso ang hitsura. Nagmukha talaga siyang alkalde dahil sa suot niyang kulay white na polo shirt na may bulsa sa dibdib, nakapatong din ang kanyang ibang bersyon ng jacket na may logo patch ng Dapitan.
"Good morning, Mayor." Bati ni Kyle kay JM na nakalapit na ngayon sa tabi ni Sadie.
Napakislot si Sadie nang pumaikot ang braso ni JM sa baywang niya at hinalikan siya sa sentido, "Good morning, baby."
Nanlaki ang mga mata niya at napatingin kay Kyle na seryoso na ang hitsura ngayon. "Ahm, g-good morning." Pilit niyang nilalayo ang sarili ngunit sa tuwing gagawin niya iyon ay humihigpit ang braso ni JM.
"I see you met your bodyguard already." Sadie lifted her head to see JM's face. Nagulat naman siya dahil yumuko si JM at ngumiti pa sa kanya. "Kyle Coloma will be your bodyguard and driver. If you want to go somewhere, you will be with him."
Ngumiti nang malapad si Sadie, "Talaga? That's great!" Ibinaling niya ang tingin kay Kyle na nakababa ang tingin, mukhang nakatitig sa baywang ni Sadie. "Di ba, ang nice lang, Kyle?" Tanong ni Sadie kaya umangat ang tingin ni Kyle sa kanya.
Ngumiti si Kyle at tumango, "Mmm."
"Kailangan ko nang umalis, I can't join you for breakfast. May meeting ako with the city council." Pagpapalam ni JM at pinakawalan na siya.
Pumasok naman ang nagtatakaran at bruskong mga lalaki, kinuha ang importanteng gamit ni JM.
"Good morning po, doktora." Bati pa nila sa kanya.
"Ahm, good morning po." Nilingon niya si JM, "Ahm, katapos kong magbreakfast bisita ako sa main mansion then kay Lolo Oscar."
Tumango si JM, "Yes, you can do that." Nilingon ni JM si Kyle, "Accompany her all the time."
"Opo, Mayor." Magalang na sagot ni Kyle.
Nabalik ulit ang tingin ni JM kay Sadie. "Keep your phone with you always, okay?"
"Okay." Sagot ni Sadie pero di pa rin umaalis sa harapan niya si JM. "Ahm, may sasabihin ka pa?"
Umiling si JM at muling pinatakan ng halik sa kanyang noo, "See you later, baby."
Pinanood lang niyang lumabas si JM kasama ang kanyang mga bodyguard. Pagkaalis ay nilapitan niya si Kyle at nagtatalon pa. "Wow! Ikaw din, mas naging macho ka!" Pinisil niya pa ang braso ni Kyle. "How did you become a bodyguard?"
Kyle chuckled and gestured the way to the dining room, "Kumain ka muna, Ma'am Sadie."
Natawa naman si Sadie, "Ma'am? Kanina Sadie lang ah?" Tanong niya habang naglalakad na sila patungong dining room.
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...