5
"Wow, Sadie! Thank you!"
Humalakhak si Sadie habang pinagmamasdan sina Apple at Pearl na tinitignan ang paper bag na may lamang iba't ibang chocolates mula Belgium.
Namamanghang nilabas ni Pearl ang isang chocolate bar, "Diyos ko. Godiva pa. Thank you talaga, Sadie!"
"You're welcome."
Nakatambay muna sila sa may pavilion ng SHS campus at doon niya naisipang iabot iyong mga tsokolateng pinadala ng kanyang Papa Malcolm.
"Para kanino naman yan?" Tinuro ni Apple iyong dalawang paper bag pa na bitbit niya.
Humagikgik naman si Pearl at marahang siniko sa tagiliran si Sadie, "Para kay Kuya JM no? Uyyy."
Nataranta si Sadie at pinigilan sina Apple at Pearl na asarain siya, "Quiet lang kayo guys."
Pagkabalik kasi noon ni Sadie sa school ay todo tanong sina Apple at Pearl kung bakit parang close daw sila ni JM. Sikat pala noon pa man si JM sa campus, at crush na crush din ng dalawa niyang kaibigan ang anak ng Vice Mayor.
"Kinikilig pa rin ako roon sa effort niyang ipansulat ka ng lecture." Sambit ni Pearl.
Tumango-tango naman si Apple, "Tingin ko talaga may gusto siya sa'yo."
Napalingon siya sa mga kaibigan, "You think so? Like niya rin ako?" Tumango-tango naman ang dalawa. "Pero kasi ..." pinagmasdan ni Sadie ang katawan, "ito talaga ang nagbibigay ng doubts sa akin eh."
"Eh maganda ka naman Sadie. Mabait at matalino pa." Pagpapalakas ng loob ni Pearl sa kanya.
"Ayaw mo bang magconfess sa kanya?" Tanong ni Apple.
Nanlaki ang mga mata ni Sadie at mabilis na umiling, "No. I don't want. Ahm, I don't want things na maging awkward."
Napabuntong-hininga naman sina Apple at Pearl, "Kung 'yan ang gusto mo." Sabi ni Pearl.
Bumalik na sila sa classroom at nagsimula ang kanilang klase, pero takang-taka naman si Sadie kung bakit wala pa yung taong inaabangan niyang makikita niya rin sana.
Isang linggo na rin kasi ang lumipas nang masuspend sina Kyle. Pero iyong mga kaibigan niya ay nakapasok na, hindi nga siya binati dahil parang nahihiya o natatakot.
"Bakit parang wala yata si Kyle?" Tanong ni Sadie sa kaibigan habang naglalakad na sila palabas ng building dahil uwian na.
Nagtinginan sina Pearl at Apple, parang nagtuturuan pa at nakita 'yun ni Sadie. "Uy, may secret kayo sa akin? Ano yan?"
Napakamot ng ulo 'tong si Apple at bumuntong hininga. "Halika, Sadie." Hinila siya nina Pearl patungong pavilion.
"I'm kinakabahan naman. Did something happen ba?" Tanong ni Sadie.
"Hindi na talaga papasok si Coloma, Sadie." Sambit ni Apple.
Nangunot ang noo ni Sadie, "Why? I mean, kahapon pa natapos suspension niya. Dapat mag-attend na siya ng class."
Tumabi naman si Pearl at nagsalita, "Hindi naman kasi suspension ang napataw sa kanya. Naexpel na siya. Hindi mo ba alam?"
Umawang ang bibig ni Sadie, "What?! No!"
Nataranta naman sina Pearl at Apple sa biglang pagtaas ng kanyang boses, "Huminahon ka, Sadie." Pagkakalma ni Pearl.
"Pero si Kyle, naexpel siya? Pero hindi ba suspension lang naman? I forgave him naman na. I understood bakit nangyari yun. May pinanggagalingan lang siya at hindi niya nakontrol."
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
General FictionWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...