14 (SPG)
Hindi mapakali si Sadie at palakad-lakad siya sa kanyang kwarto. Naroong kinukurot-kurot niya ang kanyang mga daliri para sana kumalma dahil sa kabang nararamdaman.
"Shit, it's really happening." Hindi niya mapigilang isinatinig iyon.
Nakarinig siya nang pagkatok sa kanyang pintuan, "Ma'am Sadie? Nandito na po sina Mama mo." Boses iyon ni Alisha.
"Okay po."
Lumapit siya sa kanyang vanity table upang tignan ang sarili sa salamin, ilang beses siyang huminga nang malalim atsaka lumabas ng kwarto.
Nagtungo siya sa living room kung saan narinig niya ang tawanan at pag-uusap. Napangiti siya nang makita ang kanyang pamilya na kumpleto.
"Hi, Ate." Lumapit sa kanya si Calvin na titig na titig sa kanya. "Is it true? You're getting married with the mayor?"
Tumango-tango si Sadie, "Y-Yeah."
Pinaningkitan siya ng mga mata ni Calvin, "You're not telling us everything."
Ngumiti na lamang si Sadie, "It just happened, Calvs."
"Gumdrop!" Napatingin siya sa kanyang Papa Malcolm na nakangiti at niyakap siya. "You surprised everybody. How long you've been with JM? Hindi ka nagkukuwento." Nagtatampo pa ang tono ng kanyang Papa Malcolm.
She felt guilty and hugged her Papa Malcolm tighter. "Sorry Papa, nabigla ko kayo."
Maiksing tumawa ang kanyang Papa Malcolm, "Well, I'm going to have a very noble son-in-law."
Lalong nakonsensya si Sadie, parang ayaw na niyang masira yung sayang nakikita niya ngayon sa kanyang pamilya lalo na ang ngiti ng kanyang Lolo Oscar at ng kanyang Papa Malcolm.
Pagkatapos niyang makausap si JM sa kanyang opisina sa munisipyo ay wala siyang nagawa kung hindi sabihan ang kanyang mga magulang, kaya naman ngayon ay dumating sila para sa pamamanhikan ng mga Balmes mamaya.
"Sadie, anak." Nilapitan siya ng kanyang Mama Margie habang nag-aayos siya para sa pagdating ng mga Balmes. "You haven't said anything. Is this marriage real?"
Napalunok ng ilang beses si Sadie at nilingon ang ina, "Yes, Mama. This is real. I'm getting married with JM."
Ngumiti ang kanyang Mama Margie, "Do you love him?"
Natigilan si Sadie at hindi masagot ang kanyang Mama Margie, "Ahm, hindi po ba kasama na 'yun?"
Makahulugang ngumiti ang kanyang ina at hinalikan sa sentido, "You'll figure it out soon. But I hope, alam mo ang pinasok mong 'to, alam niyo sana ni JM ang pinasok niyong ito."
Nakaramdam ng takot si Sadie, parang gusto niyang umatras pero natatakot din siya. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso habang naghihintay sila sa may sala nila at hinihintay ang pagdating ng mga Balmes.
"Nandiyan na 'ho ang mga Balmes." Anunsiyo ni Alisha atsaka muling lumabas upang tulungan ang mga Balmes dahil sa kanilang mga bitbit.
Umingay ang sala nila sa masasayang batian, lalo na ang halakhak ng kanyang Lolo Oscar at ng lolo ni JM na si former governor Leonardo Balmes.
"Nagulat din kami sa sinabi ni Miguel. Nonetheless, we are all in bliss when he said he's getting married with you, Sadie." Hinawakan ni Tita Estrella ang kanyang kamay. "My son is marrying the right woman."
Uminit ang puso ni Sadie sa sinabi ng ginang, "Thank you po, Tita."
Umiling-iling si Tita Estrella, "It's Mom now, hija." Hinaplos ng ginang ang kanyang pisngi at titig na titig sa kanya. "I've been longing to have a daughter, ikaw siguro yung hinihintay ko. Please visit the main mansion, okay? Let's bond together."
BINABASA MO ANG
HRS7: The Noble's Irresistible Hot Romance
Fiksi UmumWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Dra. Sadie Gwynn Madrid, the charming dentist, isang mabuting anak, kapatid at kaibigan. She's an excellent dentist in the city. She's happily...