Chap1

97 3 1
                                    

JERALD

"Bebs hintayin mo ko ha babalik ako, pag ikaw may kasamang iba at nakita kita naku sinasabi ko sayo pipingutin kita" sabi niya

"hay naku bebs hindi mo magagawa sa akin yun" -ako

"at bakit naman aber??"

"kasi mahal mo ko eh" Haha, ako yung kinikilig sa mga banat ko, pero teka bakit nga pala siya aalis??

"hoy bebs anong pinagsasabi? at anong aalis?"

"Ah.Eh. Magbabakasyon lang ako sa California pinapauwi kasi ako ni papa eh"

"ah kala ko kung ano. Teka sama ako"

"sus may pera ka??"

"w..wala"

"see"

"AAAAAAAAAAHhhhhhhhhhh" sumigaw siya.

"teka bebs bakit anong nanyayari sayo??"

"ang s...sakit ng u..ulo ko sobra bebs tawagan mo si mama" nataranta na ako. Ginawa ko naman ang sinabi niya.

Tinawagan ko ang magulang niya. "Tita yung anak nyo sobrang sakit daw ang ulo niya" natataranta kong sabi kay Tita sa kabilang linya. 

"ha? teka sandali tanungin mo siya may dala siyang gamot" sagot sa akin ni Tita. 

"s..sige po!" -ako. 

"ah wait lang Je. may malapit na ospital jan sa school nyo" 

"ah eh sige po sige po" Pinatay ko na ang tawag at ginawa ko nga kung ano ang iniutos ni Tita. Dinala ko siya sa ospital malapit dito sa aming school tinulungan na rin ako ng kambal niya sa pagdala sa kaniya doon.

Grabe umiiyak na siya sa sakit ng ulo. Kahit ako ay umiiyak na rin. Sana yung ulo ko nalang ang sumakit.

"HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!" ay putek!

Ako nga pala si Jerald Wilson, kaka 17 ko lang ngayon, at sila naman ang mga walang kwenta kong kaibigan, hindi ko alam kung paano ko sila naging kaibigan dahil lagi nalang nila akong binabatukan buti nalang hindi naaalog yung utak ko.

Well, magkakaibigan sila dati, pero simula noong nakita ko yung ex-bf ko naging kaibigan ko sila. Geezzz! nandidiri ako sa sarili ko kapag naaalala ko yun, hindi naman kasi ako bakla sinakyan ko lang yung trip ni Paul maging boyfriend niya ako, tapos yun simula noong nakilala niya si Mina ay bumalik na siya sa dati, at ako balik sa normal. 

Hoy mga isip nyo ah!

Haha. Hindi ako bakla kakasabi ko lang diba sinakyan ko lang yung trip ni Paul..

Mayayaman sila at ako mahirap lang, siguro sa barkada ako lang ang mahirap. Si Lola nalang yung kasama ko sa buhay. Yung nanay at tatay ko eh namatay na sa isang aksidente. Paminsan-minsan eh namumulot ako ng mga plastic bottle, dyarko o kahit anong pwedeng ibenta, tsaka nagtitinda si Lola ng mga lutong ulam. At ako naman ay naglilibot para magtinda ng balot sa gabi.

Mahirap lang ako pero nakatapos ako ng high school sa isang ELite school na pagmamay-ari ng mga magulang ni Paul. Mama tawag ko dun dati noong sinakyan ko nga yung trip ni Paul kaya lang syempre nakakahiya eh Tita nalang at Tito ang tawag ko sa kanila ngayon.

"AAAARRRRRAAAAYYYYY!!!" putik na yan, nalaglag tuloy ako galing sa papag.

~tsk. Oo alam kong birthday ko ngayon. Eh ano naman di naman siguro nila kailangang sumigaw noh.

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon