Chap22-Nagbalik
[NICOLE’S SIDE]
Kakauwi ko lang dito sa bahay galing sa galaan kasama si Natty at Tristan.
Nadaanan ko yung kwarto ni Niccolo ng may naisip ako..ano kayang itsura nung mga kaibigan ko sa Pilipinas? naisipan kong pumasok sa loob ng kwarto niya, inikot ko ang paningin ko. Oo nga pala parati kong suot yung kwintas na binigay ni Niccolo sakin galing daw yun sa lalaking mahal na mahal ko..feeling ko pagsuot suot ko iyon ay safe ako, feeling ko din gumagaan yung pakiramdam ko..
May nakita akong box sa ilalim ng kama ni Niccolo nakita ko dito yung mga picture ng sinasabi niyang barkada namin. At nakita ko din ang isang picture, ako at yung lalaki sa panaginip ko..
Ang gwapo nung lalaki..Eto siguro si Jerald.
Yung mga ngiti niya, sobrang pamilyar sa akin.
Napansin kong may nakasulat sa likod. "JERALD AND NICOLE FOREVER"
Sinandya ata ni Niccolo na lagyan to dahil alam niyang papasok ako sa kwarto niya.
"araaayy" sumakit yung ulo ko feeling bibiak na.
Ang sakit ng ulo ko…kasabay nun ay maraming ala-alang bigla nalang nagflash sa isip ko..
Sa isang iglap nagbalik lahat ng mga ala-ala ko..
Kung paano kami nagkakilala, ang first encounter namin sa isa’t-isa. Ang mga nakakakilig niyang mga salita at kasabay noon ay ang pagmamahal ko sa kaniya.
"Nak anong nangyari sayo???" tarantang tanong ni Mommy
"Mom gusto ko na pong bumalik sa Pilipinas, hinihintay na po ako ni Jerald...Mom please Mom payagan nyo ko..." humahagulgol na ako sa iyak dahil sa pagbalik ng alaala ko..nangako ako sa kanila na babalik ako, nangako din akong aagawin ko si Jerald kung may iba na siya.
------------------
“HAYYY I’M HOME!!!!!” Sigaw ko pagkalabas ko ng Airport..
“Nakakahiya ka naman Colly” sabi ni Natty..
Haha alam nyo ba kung bakit nandito siya?? Kung bat siya sumama sa akin??
Well hehe hindi ko din alam..
-_- Nakakainis ayaw sabihin sa akin..
“huy bakit ba ayaw mong sabihin sakin kung bakit ka sumama??” tanong ko sa kaniya..
“Oo nga, di namin alam kung bakit ka sumama samin” isa pa tong ugok na Tristan na toh, alam nyo ba kung bakit yan sumama? Kasi daw para maprotektahan niya daw ako kay Jerald..
“Because it’s confidential” edi sige confidential na..
Ang weirdo nitong kasama ko kanina pa siya ngiti ng ngiti..
*Boggsh*
Nakatikim tuloy sa akin ng masarap na batok..
“Aray bakit mo ba ako binatukan?”
“Nakakatakot ka na kaya kanina ka pa nakangiti”
“Eh alangan naman kasing magsimangot ako??”
-__- minsan talaga may pagkapilosopo rin tong besplen ko eh noh..
Dumiretso kami ni Natty at Tristan sa Mall, hindi kasi kami nagdala ng damit kasi may mga damit ako dito sa Manila, yeah I know 5 years na ang lumipas pero kasya parin sakin yun noh…
Bumibili kami ng damit ni Natty at Tristan ng may nakita ako..
Maluha-luha na ako ng makita ko siya..dahil nakita kong may hawak-hawak siyang bata at katabi ng bata ang isang babae..Si Jerald at Jheys may anak na??
Akala ko ba ako lang ang mahal niya at ako lang ang mamahalin niya?? Nangako pa nga siya na hindi niya daw ako ipagpapalit eh..
Ng matapos kaming makabili ay dumiretso kami sa opisina ni Niccolo..Binigay na kasi ni Daddy yung kumpanya namin dito kay Niccolo.
"Nicole diba sabi ko sayo itxt mo ko" bungad na tanong sa akin ni Niccolo.
-------------------
[JERALD'S SIDE]
"Je samahan mo nga ako sa Mall nagpapasama kasi si Yuki gusto daw niyang magmall" pangungumbinsi ni Jheys
"Eh nasan ba yung magaling mong asawa na si Marco?" tanong ko
"Nasa trabaho di ba nga architech siya dun sa pinaparenovate na school ni JM" sabi ni Jheys
"ay oo nga pala..sige" pumayag na ako..sa totoo lang mailang ako sa kanya nung una pero habang tumatagal eh gumaan na rin yung loob ko sa kaniya..
"Mommy look oh gusto ko ng toy na yun" sabi ni Yuki
"Gusto mo nito Yuki?" tanong ko..
"Opo Daddy Jerald Gusto ko niyan, can you buy it for me??" tanong nung bata sabay pout at beautiful eyes..hahaha ang cute. Daddy Jerald yung tawag niya sakin ako kasi Ninong nitong batang to.
Parang may nanunuod sa amin, di ko alam pero naiilang ako..may nakita akong isang babae at dalawang lalaki na nakatingin sa amin pero malayo sila at tumalikod na nung mapansin siguro nila na nakatingin ako sa kanila..
------------
[NICCOLO'S SIDE]
"so whers is the essence of the SURPRICE kung sinabi ko sayo?, haha oo nga pala Niccolo I saw him kanina, pero nahuli na ako, may-asawa na siya at anak" sabi ni Nicole
"Huh? sinong nakita mo?" tanong ko
"Niccolo, pumasok ako sa room mo at nakita ko yung mga picture nila, doon bumalik yung alaala ko.”
"Pero kanina Niccolo bakit napaghinaan ako ng loob na agawin siya kay Jheys?" tanong ni Nicole sa akin..Alam kong nagkakamali si Nicole dahil may asawa si Jheys at yun ay si Marco na barkada nila Jerald.
"SHHHHHhh tama na ang maganda magpakita ka na sa kaniya malay mo mali yung nakita mo" sabi ko
"Niccolo may anak na sila" umiiyak parin na sabi ni Nicole.
Gusto kong sabihin na hindi mag-asawa si Jheys at si Jerald, pero gusto kong siya ang makaalam nito sa sarili niya.
--------------------
[JERALD’S SIDE]
1 week later...
"Bok Favor naman oh" si Marco.
"ayoko nga mahirap" ako sabay iling-iling..
"tado ka, wala pa nga eh"
"ano ba kasi yun?"
"samahan mo yung mag-ina ko bibili kasi sila ng panghanda para sa birthday ni Hyrum"
"sige sige" pag payag ko...
Tulad ng huli naming punta sa mall ay naramdaman kong may nanunuod nanaman sa amin. Nakita ko ulit yung dalawa lalapit na sana ako pero umalis yung babae tapos yung lalaki naman eh nandun lang..
Pamilyar sa akin yung mukha nung lalaki, parang nakita ko na siya dati...
"Brad may problema ba? ikaw din yung nakaraan diba tapos may kasama ka pang isang babae at lalaki?" maangas kong tanong sa lalaki.
"Ah eh hindi baka nagkakamali ka lang?" sabi niya..
"ayusin mo lang brad" umalis na ako at nung nasa malayo na ako eh nakita ko yung babaeng dumating at may kasamang isang lalaki, naglakad na sila palayo..
Di ako pwedeng magkamali si Nicole yung babaeng yun..

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Teen FictionAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...