CHAP7 PART3-SOMEONE
[SOMEONE'S SIDE]
Nahihiya akong lapitan siya, halos buong buhay ko ay kasama ko na siya. Mahirap kasi sa akin eh nagpapakatorpe ako ng sobra. Halos dalawang buwan ko na siyang nakikita na may kasamang ibang lalaki bukod sa kambal niya.
Magkaklase kami simula noong high school at ngayon lang ako nahiwalay sa kaniya. Palagi kaming inaasar noon na ang sweet sweet daw namin, na bagay na bagay kami at minsan pa nga eh may nagtatanong kung kami daw ba, pero dahil manhid siya ayun, itinatanggi nya.
Nakalimutan na siguro niya na may kababata siyang kasama niya hanggang sa paglaki..
Nandito lang ako sa canteen, pinapanuod siya kasama yung mga kaibigan niya. Pero di ko alam kung sila ba nung lalaking yon.
Naramdaman kong may tumapik sa akin.
"Pre dito ka rin pala nag-aaral?" tanong sa akin ng kapatid niya.
"Ah Oo!"
"Bakit di ka sumama sa barkada ng magkaroon ka naman ng kaibigan dito, halatang wala kang kaibigan eh nag-iisa ka" sabi niya.
"Ah eh hindi, wag na!"
"Okay, ikaw bahala sige balik na ako dun, kung gusto mo pumunta ka nalang dun sa table na yun ah" sabay turo niya doon sa lugar nila.
[NICCOLO'S SIDE]
"Woy pre, ang agal mo namang bumili ng pagkain mo!" bungad ni Aivhan.
"Ah pasensya na may kinausap pa kasi ako!" sabi ko.
"At sino naman??" tanong ni Naicah.
"Wala!" -ako
"Sino nga??" -maicah
"Wala nga ang kulit mo!!" -ako
"Bahala ka nga jan" sabi pa niya
"Wew eto naman si Maicah, selos ka noh!!" sabi ko, tapos nakita ko siyang namumula..Hahaha
"H--hindi ah, sabihin mo na kasi kung sino yun!" pagpipilit niya sa akin.
"Tss Oo na nga sasabihin ko na, kababata namin ni Nicole!" sagot ko.
"Niccolo wag mong sabihin na si Tristan yun?" tanong ni Nicole.
"Oo siya nga!" sagot ko.
"Nasaan siya Niccolo?" tanong ni Nicole.
"Ayun oh, nakatitig dito kanina pa!" sabi ko sabay turo kung nasaan si Tristan.
[JERALD'S SIDE]
Tristan??? Sino yun??
Parang pamilyar yung pangalan na yon ah..at pangalan palang ang sama na ng kutob ko.ayoko na agad sa lalaking yon.
Nakita kong patayo na si Nicole kaya hinawakan ko siya sa kamay niya.
"Jerald alis muna ako sandali!!" sabi niya. Hindi ko na sya napigilan kasi tinanggal niya yung pagkakahawak ko sa kamay niya.
Nag-iinit yung ulo ko.
Pinapanuod kong siyang lumalapit doon sa lalaking itinuro ni Niccolo kanina..
Nung makita ko na kung sino yung lalaking yun eh masasabi kong mukhang hindi siya gagawa ng tama sa buhay ni Nicole.
Nakita ko yung mukha ni Nicole na masaya, yung ngiti niya.
Mainit na yung ulo ko pero mas uminit pa nung niyakap niya yung lalaki at niyakap din siya nito.
Ayoko na aalis na ako ayoko ng makita yung eksenang yun kaya aalis nalang ako.

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Teen FictionAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...